PART 3

24 0 1
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 16 [Part 3]

"You know,makinig ka sa akin aport.Sabi nga saken ni Yibo,every man knows the value of his woman and the importance of expressing his feelings for her.

Napatango lang si Miguel,iba kasi ang nasa isip nito habang kinakausap ni Greg,dahil hindi siya makapag disisyon.Nilibot niya ulit sa buong paligid ang kanyang mga mata hanggang sa may napansin ito.

"This is the best to me, my girlfriend loved it."masaya niyang wika habang nakaharap sa isang napakalaking bear.

"Oy!ang laki niyan ah!"matangkad na nga tayo pero mas matangkad pa ang bear na 'yan."

"Ano sa tingin mo Greg?magugustuhan kaya ito ni Almira?

"Hmm,pwede..akala ko ba magpopropose ka bakit may ganito pang kaartehan?

"Kapag binigay ko 'to sa kanya automatic kapag pinisil niya ang ilong kasi mahilig siyang pumisil ng ilong..may lilipad na mga balloons sa harapan niya tapos sa balloon na 'yon may nakasulat na Will you marry me?

"Korny mo aport."pero pwede na rin support kita ako na bahala sa iba pang gagawin.

Tinapik siya ni Miguel sa braso.

"Salamat Greg,lika na bayaran na natin 'to.

After nilang mabayaran sa counter ay tinawagan ni Miguel ang kanyang driver para dalhin ang mga balloons na gagamitin.Marami rin ang tumulong lalo na nung nalaman ng mga staff na magpopropose si Miguel.Kinontrata niya ang iba at ang iba naman ay boluntaryo ng tumulong.After ng eksenang iyon na gaganapin pagdating ni Almira ay agad niyang tinawagan ang dalaga.Nagkita sila dun mismo sa pinagbilhan nila ng malaking bear.

Tahimik ang lahat at nagkunwaring normal ang lahat na parang wala lang.

Isang oras ding naghintay sina Miguel,nakahanda na rin si Cindy na tinawagan pa ni Miguel para maging photographer nila.Sina Yibo at Vanessa naman ay kasalukuyang nakatayo malapit sa entrance.Nagmistulan itong mga sales associate sa kanilang suot para hindi mahalata,katulad kasi ng mga empleyado ang suot ng dalawa at nagtakip pa ito ng mukha.

Nakahanda lang sa gilid ang violin na gagamitin ni Yibo dahil magsisimula na siyang magtugtog ng perfect kapag lumabas na ang mga balloons na may nakasulat na will you marry me.

Si Vanessa naman ang nagsisilbing vocalist ni Yibo kahit na hindi naman ito kumakanta pero para sa kanyang pinsan ay gagawin niya ang lahat.

Bakas sa kanilang mga mukha ang kilig.Ano mang oras ay sasabog na sila pinipigilan lamang nila iyon dahil baka makahalata si Almira kaya nagkunwari silang normal ang lahat.

"Aport papunta na si Almira rito.Hindi ka raw niya macontact kaya tinawagan niya ako.

"Sige sunduin mo na lang siya,hihintayin ko kayo dito.Basta alam mo na ang gagawin.

"Haha!sa hitsura mong yan halatang kinakabahan ka aport.Pwede ba ikalma mo muna 'yang sarili mo bago ako umalis.

"Woooh!kinakabahan talaga ako Greg.Para bang sasabog na ako."

"Huminga ka ng malalim aport.Sa gandang lalake mong 'yan kakabahan ka pa?

"Anong konek dun Greg?sige na sunduin mo na siya.Make sure 'yong balloons ok na ha?walang papalpak kundi naku ikaw ang mananagot.

"Ready na aport,konektado na ang lahat.

"Good."

Lumabas na si Greg para sunduin si Almira.Napahangos naman ng malalim si Miguel at kinalma ang sarili.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now