PART 3

41 1 0
                                    

Hindi mawala sa mga labi ni Almira ang mga ngiti habang naaalala ang mga sinabi sa kanya ni Miguel. Pakiramdam niya isang panaginip lamang iyon.

"Sana kung nasa gitna man ako ng aking panaginip ayaw ko ng magising pa. Sana manatili na lang ako sa panaginip na ito. Sabi niya habang nakatanaw sa malawak at malinis na tubig ng pool. Umagaw sa kanyang pansin ang isang security guard na hinahabol ang lalakeng nakamask. Medyo nangunot ang kanyang nuo ng makita niya ang lalakeng nagtago sa likod ng malaking column ng hallway.

Hindi niya alam pero gusto niya itong lapitan. Tinangka niyang ihakbang ang kanyang mga paa ng bigla siyang matapilok dahil sa taas ng takong na kanyang suot. Iyon din ang dahilan kung bakit muntikan na siyang mahulog sa pool.

"M-mahuhulog ako! sigaw niya, ngunit bigla siyang may kakaibang naramdaman, isang kamay na nakahawak sa kanyang baywang para hindi siya tuluyang mahulog. Napatitig siya sa lalake at naningkit ang kanyang mga mata. Hindi niya ito makilala dahil nakamask ito.

"Mukhang naisahan na naman tayo ni Sir, boses ng isang lalake ang kanilang narinig mula sa kabilang hallway kaya naman bigla siyang hinila ng lalakeng nakamask at tumalon sa tubig.

"Bugggzzzz! [kunwari tunog nang bumagsak sila sa tubig hahaha]

"Tulong!" sigaw ni Almira na mukhang hirap lumangoy. Hinawakan naman siya ng lalake at nagsign na wag maingay.

"Hanapin niyo lang sa buong paligid! baka nasa pool halughugin niyo! Kailangan nating mahanap si Sir Sinichi!"

"Yes sir! sabi ng mga security guard at nilibot nila ang buong pool.

"Huminga ka ng malalim! hindi nila dapat ako makita.

"P-pero hindi ko kaya. S-sino kaba? takot na tanong ni Almira.

"Wala nang oras dali na! sabi nang lalake at ng napansin nitong papalapit na ang mga security guard hinawakan nito sa ulo si Almira at sabay silang lumubog sa ilalim ng tubig.

Napatitig si Almira sa mga mata ng lalake at pilit niya itong kinikilala. Naalala niya ang sinabi ng security guard.

"Kailangan nating mahanap si Sir Sinichi!"

Nanlaki ang kanyang mga mata kaya naman mas napatitig siya sa lalake hanggang sa hahawakan na sana niya ang mask at plano niya itong tanggalin ng bigla naman siyang yakapin ng lalake para umahon sa tubig.

Pagkaahon nila hinawi siya ng lalake sa mukha para ayusin ang magulong buhok ni Almira.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango naman si Almira.

"Sorry kung nadamay pa kita, hindi pwedeng ganyan ang hitsura mo, halika, sabay abot nang kamay.

"S-saan? Tsaka malay ko ba kung sino ka."

"Kasalan ko kung bakit nabasa ka kaya sana pumayag kang sumama sa'kin sa dressing room para magpalit. Hayaan mo may mga staff akong mag aasikaso sa'yo roon.

Napatitig lang si Almira, curious din siya sa lalake kaya pumayag na lang siya. Inalalayan naman siya ng lalake para makatayo at agad na siyang hinila para tunguhin ang dressing room.

"Good evening sir, ano pong maipaglilingkod namin? tanong ng isang babae.

"Bihisan niyo siya.

"Diba sir hinahanap ka ng mga security guard? kailangan kong magreport sa kanila.

"I said bihisan niyo siya!"

"Yes sir Sinichi ito na nga po."

"Good.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now