PART 4

63 1 0
                                    

Hindi makapaniwala si Miguel ng makita niya si Almira. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabighani sa taglay na
kagandahan at kahubugan ng dalaga.

"Medyo hindi ako sanay sa suot ko, tsaka masyado yatang sosyal ng awra ko at kung anu-ano pang nilagay sa mukha ko ng makeup artist mo. Sa totoo lang wala akong alam sa kaartehang pinaplano mo Miguel kaya bago tayo umalis gusto kong malaman kong saan tayo pupunta? saad ni Almira na hindi mapakali at naiilang sa mga titig ni Miguel.

Lumapit si Miguel kay Almira at hinila niya ito hanggang sa mapalapit sila sa isat'isa. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ng dalaga at binulungan siya nito.

"Dangsineun jeongmal aleumdawoyo," [you are very beautiful]

Medyo nakiliti si Almira pero hindi niya 'yon pinansin dahil sa sinabi ni Miguel na hindi niya naintindihan.

"Ano ba 'yon? anong sinabi mo kanina?

"Hahaha! don't mind it let's go, sabay abot ng kamay at pinagbuksan niya ng pinto si Almira hanggang sa makasakay ito sa loob ng kotse.

Tahimik lang ang dalawa habang si Almira naman ay paulit-ulit na inaalala ang mga salitang binulong sa kanya ni Miguel.

"Dangsineun jeongmal aleumdawoyo.

"Dangsineun jeongmal aleumdawoyo.

"Dangsineun jeongmal aleumdawoyo.

"Ano kayang ibig sabihin noon?baka mamaya minumura niya na ako, o kaya naman pangit daw ako, wag naman sana! Eh paano kung ang ibig sabihin niya ay pakakasalan niya na talaga ako?or else baka i-dedate niya ako?sana ganoon na lang. Eh baka naman ang meaning noon ay maganda ako? ehehehe kinikilig ako, sabi ni Almira sa kanyang isip kaya napapangiti na lang.

"Happy ka? tanong ni Miguel habang nagmamaneho ng mapansin niyang nakangiti si Almira.

"Ahhh hindi ahhh! palusot niyang sabi.

"Eh bakit nakangiti ka? baka naman nagagwapuhan ka lang sa driver mo?

"Hahahaha! halakhak ni Almira.

"Wag ka ngang humalakhak dapat 'yong walang boses para hindi nakakabingi.

"Ang arte mo tsaka gwapo ka? edi wow!

"Babae ang nanliligaw sa akin, maswerte ka dahil...

"Dahil ano? baka iniisip mong isa ako sa kanila? aba't hoy Miguel Fernando hindi ako manliligaw sayo! napaka-assuming mo talaga. Kahit suhulan mo pa ako ng malaking halaga, kahit ikaw pa ang pinakagwapong nilalang sa mundo hindi kita liligawan at bilang babae hindi ko rin gagawin 'yon! hahaha! Ang beauty ko hindi ko sasayangin sa Miguel Fernandong pilingero! Eh ano naman kong maraming babaeng nagkakagusto sayo?pakialam ko ba? maapektuhan ba ako? hahaha!

"Tapos kana? ang haba ng sinabi mo.

"Ahhh ehhh kasi naman inumpisahan mo  eh!

Napabuntong hininga si Miguel habang nakatingin kay Almira. Ngumiti na lang ito.

Isang mahaba-habang byahe bago nila narating ang lugar kong saan niya dadalhin si Almira. Pinark niya ang kotse at pagkatapos ay pinagbuksan niya na ang dalaga.

Paglabas ni Almira namangha siya sa lugar lalong-lalo na sa isang malaking mansion ang bumungad sa kanya.

"Let's go Almira, sabay abot ng kanyang kamay habang nakangiti.

"Miguel seryoso ka bang dito tayo pupunta?

"Oo, malalaman mo kapag nasa loob na tayo, but anyway before anything else gusto kong sabihin sayo na lahat ng isasagot mo sa kanila ay opo, noong photography camp at happy lang ok?

"Teka ano bang kaartehan iyan?bakit may mga ganyang script pa ha?

"Ang dame mong tanong basta tandaan mo na lang 'yon ok?smile kana pumapangit ka eh.

"Maganda kaya ako kahit nakasimangot ako.

"Oo na maganda kana, halika na, sabay hablot sa kamay ni Almira at pinahawak niya ito sa kanyang braso at naglakad na sila papasok ng mansion.

Nalula si Almira ng makita niya ang loob ng masion. Malawak ito at napaka ganda ng napiling pintura ng bahay. Ang malalaking pigurin ang umagaw sa kanyang atensyon.

"Hi sir Miguel, mabuti naman at nakarating kayo, masayang bungad sa kanya ng babae.

"Mamang pakisabi nandito na kami.





MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now