PART 2

49 0 0
                                    

Monday maagang nagising si Almira. Pinagluto niya nang breakfast ang kanyang uncle Matteo. Gaya ng dati hindi nawala ang pandesal na paborito ng kanyang uncle.

"Almira bakit ikaw na naman ang gumagawa niyan? ano paba ang silbi ko rito kung ikaw na ang gumagawa ng lahat?

"Chang Yumi 'wag niyo na pong isipin 'yon, para mabawasan na rin 'yong mga gagawin niyo.

"Ok sige, maligo kana ako na ang bahala riyan.

"Chang, salamat nga pala sa pag-aalaga sa uncle ko.nBusy kasi ako sa school kaya madalas wala ako sa bahay. Huwag po kayong mag-alala malapit na akong grumadweyt maaalagaan ko na po siya.

"Ano kaba Almira wala 'yon sa'kin. Napakabait ng untie mo sa akin noong nabubuhay pa siya lalo na sa pamilya ko. Dahil sa kanila napag-aral ko ang bunso ko at ngayon malapit na ring grumaduate ng high school. Bilang kabayaran inaalagaan ko rin kayong dalawa.

Ngumiti si Almira, niyakap niya si Chang at pagkatapos ay tinungo niya na ang cr para maligo. After niya maligo nagbihis na siya at inayos na rin ang kanyang mga gamit na madalas laman ng kanyang bag. Nagpaalam na siya at nilandas ang daan papunta sa bus stop na di naman kalayuan sa kanilang bahay.

"Almira! napalingon siya sa lalakeng tumawag sa kanya.

"Yibo? a-anong ginagawa mo rito? tanong ni Almira na halatang nagulat dahil hindi niya inaasahang magkikita sila ulit ni Yibo.

"Actually kanina pa akong naghihintay sa labas ng bahay niyo. Kaso nahihiya akong pumasok kaya sinundan na lang kita.

"Eh--bakit mo naman ako sinusundan? may kailangan kaba?

"Wala naman naisip ko lang na bisitahin ka, tagal na nating hindi nagkita. Ang mabuti pa sumabay kana sa'kin nandoon 'yong kotse ko, tara!"

"Magkita na lang tayo sa school, nakakahiya namang sumabay sa'yo, ani ni Almira na kakahinto lang din ng bus na kanyang sinasakyan.

Hinawakan ni Yibo sa kamay si Almira at hinila ito.

"Magsasayang kapa ng pamasahe sumabay kana sa'kin, aniya habang nakangiti.

"May magagawa pa ba ako? sa higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko mukhang malabo na akong makatakas.

Medyo nahiya si Yibo kaya agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga.

Nakasakay na sila ng kotse, mga ilang sandali lamang ay narating na nila ang school.

"Almira gusto mo bang makita 'yong room na pininturahan natin? habang wala ka iyon ang pinagkaabalahan kong tapusin.

Tumango ang dalaga at sumunod siya kay Yibo.

Pagdating nila agad namang binuksan ni Yibo ang pinto. Naunang pumasok si Almira habang nakasunod naman sa kanya ang binata.

"Wow! napakaganda ng pintura! ang galing ng ginawa mo Yibo," masayang wika niya at napansin niya ang napakalaking painting sa wall, isang babaeng may hawak na camera. Nakilala niya ang nasa painting habang tinititigan niya ito.

"Nagustuhan mo ba Almira?

"Ako ang nasa painting diba? i-ikaw ba ang may gawa niyan?

"Yes of course! para talaga sa'yo 'yan kaya sana nagustuhan mo.

Niyakap niya ng mahigpit si Yibo dahil natuwa siya sa surpresa nito sa kanya. Bilang pasasalamat na rin iyon at naappreciate niya ang effort ng binata.

"Salamat ng marami, ito ang pinakaunang beses na may lalakeng nagsurprise sa akin, unang beses na gumawa ng effort para sa akin, kaya thank you talaga Yibo, sabi niyang nakangiti habang nakayakap parin sa binata.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now