EPISODE 7

52 1 0
                                    

6:43 Pm nakatanaw parin si Miguel sa di kalayuan habang hinihintay na may tumawag sa kanyang cellphone.

This Islamic hotel ay isa sa mga property ng kanyang lolo, includes 2 outdoor pools and an indoor pool, at meron ding extensive spa and wellness centre. Kahit sino namang bisita matutuwa at maaliw sa kagandahan ng lugar at isa pa every rooms offer sea views.

Napalingon si Miguel sa kanyang cellphone na nakalapag sa table na yari sa pure glass kahit na nakavibrate ito napansin nitong may tumatawag.

Nilapitan niya ito at kanyang hinablot para sagutin ito.

"Sir nasa basement na po kami, wika ng kanyang kausap mula sa kabilang linya.

"Ok good, make sure hindi siya nasaktan, dalhin siya sa kwarto ko maghihintay ako. Seryosong sabi ni Miguel at binaba nito ang kanyang cellphone.

After a few minutes may narinig na itong nag door bell. Dahil autumatic naman ang pinto agad namang nakapasok ang isa sa body guard na si Teddy.

"Excuse me! b-bakit mo ba ako dinala rito? iuwi mo na ako bago pa kita ireport sa mga pulis!

"Pasensya kana Miss napag-utusan lang po kasi kami ng boss ko. Maupo ka at hintayin siya, sabi ni Teddy at lumabas na ito ng pinto.

"S-sandali! basta mo na lang akong iiwan dito?malay ko bang benebenta mo na pala ako! Akala ko kasi kilala mo ang uncle ko kaya sumama ako sayo! aalis na ako sa lugar na ito!

"Kahit umalis ka walang pipigil sa'yo, bahala kana kong anong gagawin mo dito sa loob.Basta gusto kang makausap ng boss ko kaya sana maupo kana lang at hintayin siya.

"Wala akong pakialam kong sino man 'yang boss mo kaya pwede ba payagan mo na akong umalis!

"Kanina kapang sumisigaw sa kotse medyo masakit na ang airdrums ko. Kailangan ko ng umalis dahil 'yon ang utos niya sa akin. Sabi nito at lumabas na ito.

"Hoy! palabasin mo ako dito!tulong! tulungan ninyo ako! sigaw ni Almira habang hinahampas niya ang pinto. Hindi niya rin ito mabuksan dahil may password ito. Napasandal na lang siya sa pinto at nilibot ang buong paligid.

Flat-screen TV, minibar at may naka separate living room. May nakita rin siyang bath and a hot tub in some rooms.

Pag-punta niya sa kitchen may nakahandang Italian dishes and seafood. Medyo natakam siya.

"Grabe sobrang yaman naman ng may-ari nito. Tsaka ano naman kaya ang dahilan niya para kausapin ako? Ang weird naman niya tsaka nakakatakot mag stay dito baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa akin. Nag-iba ang awra ng mukha ni Almira. Muli niyang binalikan ang main door at sinubukan niyang buksan ang pinto pero nabigo siya.

"Palabasin niyo ako rito!tulong! sigaw niya ulit na halos maputol na ang ugat sa kanyang lalamunan.

"Ahem! boses ng lalake kaya napalingon siya.

Nakasuot ito ng kulay itim na tshirt at napaibabawan naman ng blouse na puti na parang pang summer. Nakashade ito kaya hindi niya masyadong makilala ang lalake. Para sa kanya gwapo ang lalake, magulo nga lang ang buhok pero bumagay parin ito sa kanya.

"Gusto mo ng umuwi? ayaw mo akong makasama? sabi nang lalake na may malamig na boses.

"S-sino kaba? anong kailangan mo sa akin? kung katawan ko lang ang habol mo pwes hindi ko ibibigay sayong luko ka! Ikaw ba ang boss ng mokong na humablot sa akin tapos sasabihing kilala niya si uncle?pero hindi! isa palang kidnapper.

"Hahaha! eh ano naman kung pinakidnap kita? Iyon lang naman ang paraan para makita kita Almira, sabay tanggal nang shade at hinawi ang buhok para makita ng maayos ang mukha.

Nanlake ang mga mata ni Almira at hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita.

"M-Miguel?

"So ngayon nakilala mo na ako sisigawan mo pa ako? sabay ngiti ng malapad.

"Anong kailangan mo? diba sinabi mong layuan na kita? kaya aalis na ako! baka mamaya makita pa tayo ng Stefy mo! Aniya at tumalikod na ito.

"Mukhang hindi naman talaga ako namiss ng misis ko, sana pala hindi na lang ako nagpanggap na ngayon ang flight ko papuntang korea. Gusto ko pa naman sanang makita ang baby ko dahil gusto kong malaman niya na sobrang namiss ko na siya. Sige kung gusto mo ng umalis nakabukas na ang pinto. Malungkot na sabi ni Miguel.

Humarap naman si Almira.

"Hindi ba 'yan joke? Baka mamaya sasabihin mong ginagamit mo lang ako para lang mag move on? hindi pa ako baliw kaya hindi mo na ako maiisahan!

"Galit kaba dahil sa sinabi ko?Pakinggan mo muna ako. Gusto kong magpaliwanag kong bakit ko nasabi iyon.

"Hahaha! paliwanag? never!never na akong makikinig sayo!ikakasal kana diba? go! keri mo 'yan Miguel, sabay ngiti ng fake.

"Ano ba! hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Almira!" nahihirapan na akong tumakas, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko! maraming nakabantay sa akin, kaya sana 'wag mo munang pairalin ang galit mo! Mahal mo ba ako o hindi? sagot! Sigaw ni Miguel kaya nataranta naman si Almira.

"May amnesia ako, hindi ko masasagot 'yan. Nabangga ako ng truck tapos nabagok ang ulo ko, kaya wala akong maalala tungkol sa atin. May minahal ba ako? may nakaraan ba tayo? Sorry ah wala kasi akong maalala.

Lumapit si Miguel kay Almira at tinitigan niya ito.

"Mahal mo ba ako o hindi?seryoso nitong tanong.

Napalunok naman si Almira.

"Aalis na ako, bye! sabi ng dalaga. Tatalikod na sana siya ng bigla siyang sinandal ni Miguel sa pinto at mahigpit niyang hinawakan sa magkabilang braso si Almira.

"Mahal mo ba ako o hindi!? sagutin mo ako Almira!

"Hindi! hindi na kita mahal kaya pakawalan mo na ako!

"Ahh ganoon? sabay hiwalay sa dalaga.

"Makakaalis kana! sigaw ulit ni Miguel at naupo ito sa sofa.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? laruan ba ang tingin mo sa akin? ha Miguel? Anong akala mo sa nararamdaman ko?

Napatayo si Miguel at muli niyang nilapitan si Almira.

"Tumingin ka sa mga mata ko, sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi mo alam kong gaano ako nahihirapan. Hindi mo alam kung gaano kasakit itong nararamdaman ko Almira!Nandito ka dahil gusto kong sabihin sayo na..na...ano...hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil nakita niya si Almira na umiiyak.

"Sasabihin mong lalayo kana sa akin dahil magiging iba na ang mundo natin kapag naikasal kana kay Stefy? Ganoon ba 'yon?Sasabihin mo na naman sa akin na layuan na kita at kahit kailan 'wag na akong magpapakita sayo?"

"Mali ka ng iniisip. Matalino ka nga pero napakahina mong mag-isip. Sabay pitik sa nuo ni Almira.

"Aray!" bakit mo ginawa iyon?!nababaliw kana ba?"

"Mismo!

"Tumino ka nga Miguel! seryoso kaba o hindi? dahil seryoso ako!"

Napatawa si Miguel sa reaksyon ng dalaga kaya naman bigla niyang hinila ito hanggang sa magkadikit ang kanilang katawan. Inayos niya ang buhok ng dalaga at niyapos ang pisngi. Kasabay noon ang pagtitig niya sa mata pababa ng labi.

"Marami na akong nakitang babae pero bakit sa'yo ako naakit ng ganito? Babaguhin ko ang lahat, lalaban tayo at hindi natin isusuko kung anuman ang meron sa ating dalawa. Mahal mo ba ako o hindi? kapag sumagot ka ng hindi tatalon ako mula dito hanggang sa magkapirapiraso ang katawan ko. Pero kong Oo simula ngayon paninindigan ko na ikaw ang misis ko. Ikaw at ako ay magiging mag-asawa kahit marami mang humadlang sa'ting dalawa.

Dahil sa mga sinabi ni Miguel napaiyak na naman si Almira.Hindi ito nakasagot dahil hindi niya alam ang mararamdaman niya. Basta sobrang saya niya. Ngunit nandoon pa rin ang takot, na baka maulit lang ang dati. Na baka pagkatapos nito ay iiwan na naman siya ng taong mahal niya.




MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now