PART 4

30 1 0
                                    

My Fraudster Wife♡♡♡

EPISODE 12 [Part 4]

Ang part 4 ay naglalaman ng maseselang bahagi.Kung kaya ng taste mo sige ipagpatuloy mo ang pagbabasa,pero kung hindi pwede mo namang lagpasan ang parting ito para iwas high blood..

Now you know,going back to Yibo.Siya ay nasa dakong madilim na bahagi ng isang silid na walang nakakaalam kundi si Felix lamang at ang isa sa serial killer na matagal ng pinaghahanap ng mga police.

Para sa gustong malaman kung ano ang lagay niya,siya ngayon ay nakagapos ang dalawang kamay,habang may isang makinang naghihintay sa kanyang paanan na dudurog lang naman sa buo niyang katawan sa oras na mabuksan ang main door ng building.

Kanina lang ay nawalan na siya ng malay,dahil sa tama ng kutsilyo sa magkabilang tagiliran niya.Malalim ito at marami na rin ang nawalang dugo sa kanya.

Sa kabilang banda naman,papunta na si Felix sa silid kung saan naroroon si Yibo.Kasama nito ang serial killer na halos wala na rin sa sarili.

"Boss,mukhang naisahan tayo.Nakakapagtaka natunugan tayo ng mga police.Anong gagawin natin ngayon?naaninag ni Felix ang mukha ng lalakeng kasama niya dahil sinindihan niya ang switch ng ilaw.

Halos hindi na ito makilala dahil sa dami ng dugo sa mukha,hawak parin ng lalake ang kutsilyong pangkatay sa mga taong nais ipapatay ni Felix.

"Hintayin natin siyang magising,alam kung malakas ang kutob ko na buhay parin siya.

"Gusto mo boss igiling na natin ang katawan niya ng matapos na ang problema mo."seryoso niyang sabi kay Felix.

Bahagya silang nakarinig ng ingay mula sa kadenang nakakabit sa kamay ni Yibo.At kusang humalakhak pero hindi naman kalakasan.Napalingon ang dalawa at lumapit sa binata.

"Demonyito rin pala ang hayop na lalakeng 'to boss!hanggang ngayon buhay parin!"

"Kung demonyo siya mas demonyo ako!

"Totoo 'yon Felix!mas demonyo ka talaga at wala ng mas hihigit pa sayo!kahit na nahihirapan nagawa niya paring sumigaw,at kahit na umaagos parin ang kanyang dugo mula sa sugat sa magkabila niyang tagiliran ay nagawa niya paring maging malakas.

"Matigas ka Yibo!kung gusto mo pang mabuhay ibigay mo sa akin ang hawak mong ebidensya!

"Haha!hindi ako natatakot mamatay,wala kang mapapala sa akin kahit patayin mo pa ako!Nagsasayang ka lang ng effort Felix!masaya na ako dahil alam kong hinahanap kana ng mga police,at sa palagay ko pinagpipyestahan na ngayon sa social medya ang videong nakuha ko kung paano mo pinapatay sina tito Alex at tita Mira!Akala mo ba ganun na lamang ako katanga?bago ako umalis papunta sa korea binigay ko na kay Detective Wan ang ebidensya,siya ang private detective ni uncle Matteo at matagal na naming pinag-aralan kong paano ka bumagsak,kung paano ka papatayin at uusigin ng konsensya mo!ngayon sabihin mo isa kang bobo!Panahon na para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo!ihanda mo na ang sarili mo dahil kapag nakita ni Almira ang video baka hindi ka lang niya ipakulong,baka nga unti unti niyang ipahiwa yang katawan mo!or else pwede naman sa makinang ito para magkapirapairaso ang katawan mong hayop ka!

Dahil sa galit at naisahan siya ng binata ay hinablot ni Felix ang baril na nasa tagiliran niya.Agad niyang binaril si Yibo pero sa paa lang para muling takutin ang binata.

Napangisi naman ang binata dahil sa sakit ng tama ng baril.Pinilit niya paring maging malakas dahil naniniwala siyang darating sina detective Wan.Ngumiti siya ng malapad at kitang-kita iyon ni Felix kaya mas lalo itong nagalit.

"Siya nga pala naririnig ko na ang mga bosena.Pano yan Felix,goodbye na!

"Pano nangyari 'yon?walang nakakaalam ng lugar na ito!

"Dahil sa terminal na nasa bulsa ko,hindi mo ba alam na gumawa kami ni uncle Matteo at talagang pinaghandaan namin ito ng mabuti.Daig niya pa ang isang inventor kaya hanga ako sa talino niya,talagang hindi sila nagkakalayo ni tito Alex.

Sinenyasan ni Felix ang lalake at lumapit naman ito sa binata at kinapa ang pantalon.Hindi naman ito nabigo at may nakuha itong isang maliit na bagay.

"Boss may nakuha akong isang device.Wika ng lalake at binigay niya ito kay Felix.

Maingat na tinitigan ni Felix ang nakuhang device sa bulsa ni Yibo.

"Ang tawag dyan ay device driver para sa inyong kaalaman.Naka program dyan lahat ng mangyayari sa akin,in short malalaman nila kung nanganganib ang buhay ko o kung patay na ako.Ang pinakamaganda pa sa device na 'yan kayang kayang hanapin o tukuyin ng remote kung paano ito magcommunicate sa hawak kong device.Para mas magandang pakinggan,mabilis nila akong malocate kahit saan man ako naroroon.Kaya kahit patayin niyo man ako ngayon wala na kayong magagawa.Hahaha!malakas na halakhak ng binata.

Nanggigil naman sa galit si Felix kaya pinindot niya ang button ng machine na nasa paanan ni Yibo.

"Gigilingin mo ako?sapat na ba yan para mabago mo pa ang lahat?haha!nakakaawa ka Felix!

"Hayop ka!sigaw ni Felix at muli niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril.Nakatutok lamang ito kay Yibo habang nanlilisik ang mga mata.

"Hindi ako pwedeng makulong!akala ko ba matalino ka boss?nagkamali ako,kailangan ko ng tumakas!takot na sabi ng serial killer.Akmang hahakbang na sana ito ng bigla siyang hilahin ni Felix at kwenelyuhan niya ito.

"Aalis ka?iiwan mo ako?haha!siraulo kabang hayop ka!?matapos kitang bayaran ng napakalaking halaga tatakasan mo lang ako!

Nileegan naman niya si Felix habang nagpapalitan ng masasamang salita hanggang sa unti-unti ng lumalakas ang bosena ng mga sasaktan ng pulis.Kabadong kabado ang dalawa pero tuloy parin sila sa pagtatalo.

Hinablot ni Felix ang kanyang baril at hindi siya nagdalawang isip na barilin ang lalakeng serial killer.Napasandal ito sa machine hanggang sa hinigop nito ang ulo,hanggang sa tuluyan ng giniling ng machine ang buong katawan ng serial killer.Nasuka naman si Felix sa kanyang nakita at ganun din si Yibo.Nagkatinginan silang dalawa.

"Tatakas ka?mahinang tanong ng binata.

"Hindi kayo magtatagumpay!ako ang dapat na matira sa laban na ito!hahaha!malakas na halakhak ni Felix.Itinutok niya kay Yibo ang baril at seryoso niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril.


BANG!

BANG!

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt