PART 5

50 3 0
                                    

Nasa loob ng classroom ngayon si Almira. Nakasubsob ang ulo niya sa disk dahil puyat na puyat siya sa kadahilanang magdamag niyang binantayan sa hospital ang kanyang uncle. Nagising siya ng may naramdaman siyang tila ba niyoyogyog ang kanyang balikat.

Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan kung sino ang umistorbo sa kanya.

"Hi tinkerbell! para sa'yo 'to kainin mo at magpakabusog ka. After mong kumain uminom ka ng maraming tubig at magpahinga ka 'wag mong pabayaan ang sarili mo, wika ng isang studyanteng babae na nakangiti sa kanya.

"B-bakit mo ako binibigyan ng pagkain? tsaka bakit mo ako tinawag na tinkerbell?

"Hindi 'yan galing sa akin, sabi niya kasi sabihin ko ang mga salitang 'yon sa'yo. Kunwari siya ang nagsasabi, sige aalis na ako sundin mo ang mga sinabi ko kasi iyon ang gustong ipaabot ni Sinichi sayo.

Umalis na ang babae habang nagtataka naman si Almira at nag-iisip kong sino ang nagbigay noon sa kanya.

"Sino si Sinichi? wala akong kilalang Sinichi kung ganoon salamat parin sa kanya. Tsaka alam niya na mahilig akong magsabi ng tinkerbell. Ani ni Almira habang iniisip niya parin kung sino si Sinichi.

After ng klase lumabas na agad ng room si Almira at nagmadali itong naglakad sa hallway para makauwi ng maaga. Magluluto pa kasi siya para sa kanyang uncle kaya naman mas binilisan niya pa mabilis pa ang paghakbang niya.

Subalit may hindi siya inaasahang hindi dapat makita. Si Miguel at Stefy habang magkahawak kamay ang dalawa. Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Para siyang isang robot nang makita niyang masaya ang dalawa.

"Ihahatid na kita baka isipin na naman ng daddy mo na pinapabayaan kita. Iyon ang narinig niyang sinabi ni Miguel. Napatikom ang kanyang kamao at pinilit na huwag maapektuhan.

"Mas lalo kang nagiging sweet sa akin Bae ko. Mas lalo kitang nagugustuhan Miguel. Malambing na sabi ni Stefy na kasalukuyang pinulupot ang mga kamay sa braso ni Miguel.

Napalunok si Almira at nagkunwari na lang siyang walang nakita at nilagpasan niya ang dalawa. Gusto ng pumatak ng kanyang mga luha pero kailangan niyang pigilan iyon dahil nangako siyang kahit anong mangyari handa siyang magtiis at masaktan.

Nakasakay na siya ngayon ng bus ng may napansin siyang isang lalake na nakatingin sa kanya. Studyante rin na mukhang may pagka chinese. Lumapit ito sa kanya dahil may bakanteng upuan sa tabi niya.

"Miss pinapabigay ito ni Sinichi, classmate niya ako alam niya kasing iisang bus ang sasakyan natin kaya iabot ko na lang daw 'to sa'yo.

"Sinichi? p-pero hindi ko siya kilala." pagtanggi ko.

"Kilala ka niya at sigurado akong gustong-gusto ka niya since nagtransfer siya sa school natin. Kunin mo na itong panyo bababa na kasi ako maya-maya dahil malapit lang ang bahay ko.

Kinuha naman ni Almira ang panyo at pinasalamatan niya ang lalake at kung sino man ang Siniching iyon.

Dahil kanina pa niyang gustong umiyak pinili niya na lang na takpan ng panyo ang kanyang mukha.

"Teka parang kilala ko ang amoy ng panyo, bulong ni Almira hanggang sa may naalala siya.

"Magkwento ka naman Almira tutal wala pa naman si uncle.

"Hmmm dahil gusto mo namang magkwento ako edi sasagarin ko na, sabi ni Almira at kinuha niya ang kanyang ballpen sabay hablot ng kamay ni Yibo.

"Ano bang ginagawa mo? gulat na tanong ni Yibo. Sabay kabig ng kamay pero kinabig parin ni Almira at may drinawing siya sa palad.

"Hahaha! nakikiliti ako! ano ba kasing ginagawa mo?

"Maghintay ka! masyado ka namang excited ipapakita ko rin lang naman sa'yo, seryosong wika ni Almira habang nakangiwi pa ito sa pagdrawing sa palad ni Yibo.

Pinagtitinginan naman sila ng ibang costumer na nasa kabilang table.

"Oh hayan anong masasabi mo?

Napataas ng kilay si Yibo ng makita nito ang kabuuan ng drawing sa kanyang palad.

"Hhmmmm mukhang unggoy, ewan ano ba 'to? tao ba to? o hayop?

"Ikaw na ang magaling magdrawing! makapanglait ka wagas! pero bakit hindi ka man lang tumawa?

"Wala namang nakakatawa sa ginawa mo, nagtataka lang ako dahil nagmukha kang bata at ang palad ko pa talaga ang pinagtripan mo.

Pagkatapos niyang maalala iyon ay biglang pumasok sa kanyang isipan si Yibo.

"Pabango ni Yibo ang naaamoy ko. Kasi ng mga oras na 'yon naamoy ko na ang pabango niya nang hawakan ko ang kanyang palad habang nagdadrawing ako kaso hindi ko na pinahalata, hayzzz, imposible parin dahil hindi lang siya ang may ganitong pabango. Sino kaya si Sinichi? bulong niya hanggang sa nag stop na ang bus kaya bumaba na siya.

Nasa harap na siya ngayon ng bakery para bumili ng pandesal. Alam niya kasing hinihintay na ng kanyang uncle ang paboritong pandesal.

Pagdating niya ng bahay agad siyang nagluto kahit hindi pa siya nakapagpalit ng uniform. After niya magluto saka siya nagbihis at hinanda na ang mga dadalhin sa hospital. Nadatnan niyang nakahiga ang kanyang uncle habang tulog kaya naupo muna siya sa gilid ng kama.

Isinandal niya sa ibabaw ng kama ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang uncle.

"Gusto mo bang pumasok sa loob? tanong ni chang Yumi na kakarating lang mula sa labas ng kwarto. Naabutan niya kasi ang isang matangkad na lalake na kanina pang nakasilip sa loob.

"Ahh wag na po, gusto ko lang kasing masiguro ang kalagayan ni uncle at ni Almira. Sige po aalis na ako, sabay talikod.

"Sandali! pigil ni chang sa binata kaya lumingon ito.

"Kilala kita diba ikaw yung nagpadala ng maliit na box kay Almira? tsaka diba ikaw ang panganay na anak ni Mr.Mayro?

"Kung kilala mo talaga ako sana secret lang natin ito.

"Naalala ko noong bata ka pa lagi kang umiiyak noon sa tuwing aalis ang mommy mo. Natutuwa ako sa'yo dahil sa tuwing pinapatugtog mo ang music box na bigay sa'yo ng mommy mo tumatahan ka. Diba ikaw si Sinichi?

"Ah opo ako nga."

"Biruin mo maliit pa lang si Almira noon nagagawa mo ng ngitian siya at palagi mong pinipisil ang pisngi. Minsan nga napapagalitan ka ng mommy mo dahil iiyak na lang bigla si Almira dahil napalakas ang pagpisil mo sa pisngi niya. Naku sutil ka pa noong bata ka Sinichi. Naaalala ko pa ang lahat dahil naging katulong ako noon ng mama ni Almira tapos naalala ko na malapit sa isat'isa ang mama mo at ang mama ni Almira.

"Kaso wala na po ang mama niya, pwede po bang huwag mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa nalalaman mo?Makakaasa po ba ako?

"Makakaasa ka Sinichi.

"Pabigay na lang po kay Almira, pakisabi kumain ng mabuti aalis na ako. Sabay abot nang isang supot na may lamang pagkain. At umalis na ito, bago pumasok si chang hinintay niya munang makalayo ang binata napapangiti ito habang nakatuon parin ang kanyang mga mata kay Sinichi.

"Napakabait ng batang iyon, kaytagal na ring panahon iyon. Naku, bagay na bagay sila ni Almira. Wika nito sa isip at pumasok na sa loob.

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now