EPISODE 2 [Part 1]

91 1 0
                                    

Tagumpay nilang natapos ang photography camp. Masaya ang bawat isa habang baon-baon ang mga bagong natutunan nila.

Samantala, isang karangalan para kay Almira ang mapili siya bilang isang magaling na studyante sa larangan ng pagiging litratista.

Nagkaroon ng isang event sa kanilang school at siya ay isa sa nabigyan ng pagkakataong makapagbigay ng talumpati upang magpasalamat sa karangalan na kanyang natanggap.

Si Almira ay hinihintay na lamang na tawagin ang kanyang pangalan para pumunta sa stage.

Suot niya ngayon ang kulay puting bistida na may laso sa harapan na nagsilbing necktie na kahit simple lamang ay lumitaw ang kanyang kagandahan.

Napakaganda niya kaya naman ng marinig niya ang kanyang pangalan ay dahan-dahan na siyang umakyat ng stage, bago siya nagsalita napatingin siya sa harapan at ngumiti.

"Magandang gabi sa inyong lahat! mga kapwa ko studyante at lahat ng mga professors na nandito ngayong gabi.

"Lubos po akong nagpapasalamat dahil isa ako sa mga napili upang magbigay ng talumpati. Learn new photography and writing techniques, broaden my creative space, work with pros who are handy with a camera and a pen, and see my expertise grow. Lahat po 'yan ay ipinagpapasalamat ko.

Ngumiti na naman siya ulit at nagpatuloy na sa pasasalita.

"Syempre po nagkaroon ako ng maraming kaibigan with like-minded college students who share their passion for photography.

Habang sinasabi iyon ni Almira ay bigla niyang naalala si Miguel Fernando. Kung paano siya na love at first sight at pakiramdam niya si Miguel na ang kanyang first love.

Nakikita niya kung paano tumawa si Miguel, 'yong malakas na halakhak na kahit naaasar na siya ay mas lalo niya itong nagugustuhan.

Nagising ang kanyang diwa ng marinig niya ang malakas na palakpakan. Napangiti na lamang si Almira at nag vow na ito bilang paggalang.

Nasa loob siya ngayon ng kanilang classroom habang nakaupo.

"Ano kaya kong magdrawing ulit ako? baka sakaling magkita ulit kami. Sasabihin niya pa kaya na pangit kapag walang kilay? mahina niyang sabi sabay himas sa kanyang ulo.

Napatayo siya at hinablot ang paper bag na may laman ng kanyang camera. Plano niya ng umuwi dahil gabi na at baka mag-alala ang kanyang uncle.

"Tapos na ang event, nagsasayawan na ang mga kaklase ko at ang ibang studyante kaya pwede na akong umuwi. Ako paba? wala kaya akong hilig sa mga ganyan, wala akong pakialam kung wala pa akong first dance bakit mamamatay ba ako kapag wala ako noon? bulong niya at tinungo niya na ang pintuan. Lalabas na sana siya ng may napansin siyang isang lalakeng nakatayo sa labas ng pintuan.

Nanlake ang kanyang mga mata ng si Miguel Fernando ang bumungad sa kanyang harapan. Sa sobrang kaba at gulat nabitawan niya ang paper bag na kanyang bibit.

Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa pagtitig sa binata. Napakasaya niya dahil nakita niya na naman ang kanyang first love.

"Pinsan! napalingon siya sa babaeng sumigaw at nakilala niya naman ito, si Vanessa ang kanyang pinsan.

"Vanessa," wika niya.

"Congrats Almira ang ganda ng sinabi mo kanina. Alam mo bang napahanga mo kaming lahat, naku ang ganda-ganda mo rin ngayong gabi," sabi ni Vanessa na  bakas sa mukha ang pagkabighani sa kagandahan ng kanyang pinsan.

"Salamat pinsan," sagot ni Almira at napatingin siya sa dakong kinaroroonan ni Miguel pero wala na ito.

"Teka sino 'yong lalake kanina?

"Ha? sinong lalake? palusot ni Almira pero sa loob -loob niya ay nalulungkot siya dahil bigla na lang nawala si Miguel.

"Hindi mo ba 'yon kilala? akala ko kasi kausap mo siya. Hindi ko na sana kayo aabalahin kaso gusto ko ng sumayaw at gusto kitang yayain.

"Pasensya kana pinsan kailangan ko ng umuwi.

"Hindi pwede! hindi ka uuwi hangga't walang lalakeng sumayaw sayo! Kaya halika na pinsan."

"Pinsan naman, uuwi na ako."

Hinablot siya ni Vanessa at hinila papunta kung saan nagsasayawan ang mga studyante. Pagdating nila doon pansin nilang punong-puno na ang area kaya napakunot nuo si Almira.

"Ang gulo at ang ingay! hindi ako sanay sa ganito Vanessa!" sigaw ni Almira dahil hindi siya maririnig kapag hindi siya sumigaw dahil sa lakas ng tugtog.

"Masasanay ka rin Almira! basta akong bahala sa'yo tuturuan kita! ganito lang ohh! sabay giling at inikutan niya si Almira.

"Yakk! kadiri mo pinsan!

"Hahahaha! hindi ka kasi sumasama sa'kin kapag nagdidisco kami eh!"

"Eh alam mo naman kasing--hindi na natapos ang sasabihin ng biglang nagpaalam sa kanya si Vanessa.

"Dito ka lang pinsan tumatawag classmate ko sasagutin ko lang hindi kasi kami magkakaintindihan kapag dito ko sinagot!

"Eh pano naman ako?" sa dami ng estudyante iiwan mo lang ako dito sa gitna? uuwi na ako Vanessa!"

"Dyan ka lang promise pagbalik ko isang sayaw pa tapos uuwi na tayo! ok?"

Tumango si Almira habang sinusundan niya ng tingin si Vanessa. Nakipagsiksikan ito para lang makadaan. Nakatayo lang si Almira habang nakatingin sa mga sumasayaw na nasa kanyang paligid.

Mga ilang sandali lamang ay biglang huminto ang music. Nangunot ang kanyang nuo dahil napansin niyang nagsialisan na ang mga studyante.

Ang iba naman may kanya-kanyang partner. Aalis na sana siya ng may pumigil sa kanyang lalake. Matangkad ito at may hitsura rin.

"Hi Almira!" bati sa kanya ng isang lalake.

"Hi, kilala mo ako?

"Oo naman, pwede ba kitang maisayaw?

"Ahhhh---ehhh--pauwi na kasi ako tsaka hindi ako marunong sumayaw," sabi niya. Hahawakan na sana siya sa braso ng lalake ng biglang may nagsalita.

"Pasensya kana tol dahil ako ang kasayaw niya!

Napalingon si Almira at nagulat ito sa kanyang nakita. Nginitian lang siya ni Miguel at pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay.

Pumangit naman ang awra ng lalake at umalis na ito. Napalunok na lamang si Almira at hindi parin ito makapaniwala dahil sa ginawa ni Miguel.

"Pwede ba kitang maisayaw? nakangiting tanong sa kanya ng binata.

"Pe--pero--hi---hin---hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla niyang maramdaman ang mga kamay ni Miguel sa kanyang baywang. Hinila rin siya bigla para mapalapit sila sa isat'isa.

Nahihiya man siyang tumingin sa mga mata ni Miguel pero pinilit niya paring makipagtitigan. Ramdam na ramdam niya ang malakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Naririnig na nila ang tugtog at doon nag-start na silang sumayaw habang sumasabay sa tugtog.

"Kapag sumusulyap ako sayo pakiramdam ko buo na ang mundo ko, kapag pinipikit ko ang aking  mga mata ikaw ang nakikita ko kaya hindi ako makatulog sa gabi, gusto kong lagi kitang nakikita kaya lagi kitang hinahanap-hanap. Na love at first sight ako sayo Miguel Fernando, sana sa unang pagtibok ng puso ko sana hindi ako nagkamali, dahil masaya akong iniibig kita." Iyon ang nasa isip ni Almira habang nakatitig lamang siya kay Miguel.

Para sa kanya iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buong araw niya. Ang maisayaw siya ni Miguel Fernando.

                 ___________________

MY FRAUDSTER WIFE[Editing Process]Where stories live. Discover now