Prólogo

18.2K 709 124
                                    

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang tiyuhin at asawa nito. Gayumpaman, ramdam niya ang tunay na pagmamahal at kalinga ng isang ama at isang ina sa mga ito kaya naman kontento na siya rito. Bilang isang normal na kolehiyala; pag-aaral, paglabas kasama ang mga kaibigan, kaniyang mga libangan, at pagkakaroon ng crush paminsan-minsan ang regular na takbo ng buhay niya ngunit nagbago ang lahat nang madawit siya sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki na nagdala sa kaniya sa lugar na malayung-malayo sa mundong kinagisnan niya.

♤♤♤


Juliet

"Sigurado ka bang siya 'yun?" tanong ko.

"Oo, siyang-siya 'yun! Nung dumating siya, biglang nabuhay ulit 'yung inannounce nang patay ni doc!" sagot ni Trisha habang ingat na ingat sa pagtatago sa likod ng shelf.

Jusko po. Hindi ko rin alam bakit nandito kami't nangsi-stalk ngayon. Pero in fairness ha, gwapo itong si mysterious kuya.

Sandali pa namin siyang pinagmasdan hanggang sa lumabas siya sa shop kaya't nagtago ulit kami.

"Teka, Trish. Hindi ko na talaga alam ano pa'ng ginagawa natin dito, hindi ba mas okay nga 'yun kasi naligtas niya 'yung pasyente?" tanong ko, nakapamewang pa.

"Well... oo nga. Pero 'di ba? Ang weird lang." sabi niya at tumingin ulit doon sa iniistalk namin kaya ibinalik ko rin ang tingin ko roon sa lalaki. Pumasok sa restroom.

Nang makita ko 'yung signage ng restroom, feeling ko naiihi na rin ako kaya sumunod na ako at maghihintay daw si Trish doon sa lalaki.

Hay nako, bakit ba kasi ang liit ng pantog ko, eh.

Saktong pagkatapos ko, nakasalubong ko 'yung lalaki at nagtama ang mga tingin namin. Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong naramdaman. Parang... bigla akong kinabahan.

Pabalik na sana ako kung nasaan si Trish nang makitang may nahulog mula sa bulsa nung lalaki paghugot niya ng panyo niya kaya dali-dali ko 'yung pinulot.

Nagkatinginan kami sandali ni Trish atsaka niya ako binigyan ng sundan-mo-na-dali look kaya ginawa ko nga at nakita kong sumunod din sa akin si Trish.

Habang tumatakbo papunta sa lalaki sa kabila ng dami ng tao, napansin kong nagpalit pala siya ng damit. Nakacoat na siya at suit sa loob. Jusko, ang kapal ng suot niya. Eh, ang init-init dito sa Pilipinas, teh!

"Kuya!" tawag ko pero mukhang hindi niya ako narinig dahil sa ingay ng mga tao at dahil hindi siya huminto sa paglalakad.

Habang tumatakbo ako palapit sa kaniya, narinig kong palakas nang palakas ang tunog ng hawak ko kaya't napatingin ako sa bagay na nahulog niya at ngayon ko lang narealize na relo pala 'to. Makalumang relo na may lace pa, 'yung relo ng mga konduktor sa tren sa mga movies. Basta gano'n!

"Kuya!" tawag ko ulit at this time, lumingon na siya sa direksyon kung nasaan ako pero hindi dahil sa narinig niya ako kundi may hinahanap siya. Kinakapa niya bawat bulsa ng damit niya habang iniikot ang paningin sa paligid.

Napansin kong medyo malayo na kami sa mga tao kaya't hindi na gano'n kaingay kaya tatawagin ko na sana ulit siya pero napatingin nalang ako sa relong hawak ko. Sobrang lakas na ng tunog nito kaya kinilabutan na ako. Halos tik-tok nalang ng relo ang naririnig ko sa buong paligid.

"K-Kuya!" kinakabahang sigaw ko at nakita ko siyang lumingon sa akin.

"A-Anong... nangyayari..." nasabi ko habang nakatingin pa rin sa relong hawak ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng lalaki sa akin pero kasabay noon ay biglang lumindol. Napakapit ako sa lalaki nang makaramdam ako ng hilo. Napapikit nalang ako dahil kahit nakatayo lang, pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster na biglang nahulog mula sa peak nito.

Way Back To YouKde žijí příběhy. Začni objevovat