XXX

4.2K 351 13
                                    

Juliet

He's lying...

He's telling the truth...

He's lying...

He's telling the truth...

Bakit he's telling the truth naman ngayon?! Kanina he's lying na, ah!

Pumitas na naman ako ng maliit na bulaklak at nagsimula na ulit pitasin ang mga petals nito.

"Mukhang mauubos ang mga bulaklak sa hacienda namin dahil sa'yo, ah."

Nabitawan ko 'yung bulaklak nang magulat sa nagsalita at agad na lumingon. Nakita ko naman si Manuel at lumapit siya sa akin.

"Bakit mo naman pinapatay ang mga maliliit na bulaklak dito, binibini?" mahinahong tanong niya at marahan pang hinawakan 'yung mga maliliit na bulaklak. Para bang cinocomfort niya ang mga ito.

Nandito kami ngayon sa isa sa sandamakmak na gardens sa loob ng hacienda Fernandez. Hindi 'to masyadong malayo sa mansion ng mga Fernandez kaya dito nalang ako tumambay pagkatapos ng sayawan. Nakakastress kasi si Niño, eh! Ginugulo na naman ang utak ko.

Kinuha ko 'yung letter ni Niño mula sa bulsa ko at binuklat. Pinatag ko 'yun sa lamesa sa tapat ko kaya napatingin din si Manuel sa letter.

"Sabihin mo nga sa akin Manuel, alin ang pag-ibig sa letter—este—sulat na 'to?" tanong ko at inabot sa kaniya ang letter ni Niño.

Kinuha naman niya 'yung letter at binasa. After ilang seconds, dahan-dahan niyang binalik 'yung tingin niya sa akin at tumingin ulit sa letter atsaka tumingin ulit sa akin.

"L-Lahat..." sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

What?! Lahat daw??!!

Inagaw ko agad 'yung letter at binasa nang marealize ko na hindi nga pala ako nakakaintindi ng Spanish kaya binalik ko ulit kay Manuel 'yung letter.

"Ano ba talagang sinabi niya riyan?" tanong ko.

"Tanong ko muna ang sagutin mo." seryoso pero malumanay pa ring sabi niya. Binigyan ko naman siya ng ano-ba-tanong-mo look.

"May relasyon kayo ni Kuya Niño?" nagtatakang tanong niya at pinakita 'yung sulat sa akin.

What?! Sinabi ba niya sa letter na jowakels ko siya?? My goodness!

"Huh? Hindi! Ano ba kasing sinabi niya?" tanong ko at nagulat naman ako nang bigla siyang kumuha ng papel at pluma mula sa satchel na nakasabit sa katawan niya atsaka nagsimulang magsulat. Pabalik-balik ang tingin niya sa letter ni Niño at sa sinusulat niya hanggang matapos siyang magsulat.

"Ito ang salin sa Tagalog ng liham ni Kuya Niño para sa iyo." Abot ni Manuel ng papel na pinagsulatan niya at inabot ko naman at binasa.

'Binibining Juliet,

Ipagpaumanhin mo ang biglaan kong paglisan sa San Sebastian sapagkat nabalitaan ko ang pagkamatay ng aking kapwa heneral sa kamay ng aking kapwa mga sundalong Pilipino. Labis akong nababahala kaya't kailangan kong umalis kaagad. Sana'y sa pagbalik ko'y salubungin ako ng iyong matatamis na ngiti't mapupungay na mga mata na alam ko at tiyak akong magiging sanhi ng aking pangungulila sa iyo. Umaasa rin akong sa aking pagbalik ay makakamit ko na ang iyong matamis na oo sapagkat wala na akong ibang hihilingin pa sa mundong ito kundi ang makasama ka. Batid kong ika'y abala sa iyong pagtulong sa pagamutan nitong mga nakaraang araw na dahilan ng ating hindi pag-uusap at pagkikita ngunit sa kabila noon ay naniniwala akong darating ang araw na gigising akong ikaw ang magsisimula ng aking umaga. Mag-iingat ka at nawa'y hintayin mo ang aking pagbabalik sapagkat ako'y palaging uuwi pabalik sa iyo.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now