L

3.7K 312 14
                                    

Juliet

"JULIEEEEEET!!!!"

Agad akong napalingon sa may pintuan ng kainan nang marinig ang familiar na boses na 'yon.

"Piaaa!!!" excited na sigaw ko rin nang makita ang kaibigan kong tumatakbo palapit sa akin at tumakbo na rin ako palapit sa kaniya atsaka kami nagyakapan.

"Naku, ang dami kong iku-kuwento sa iyo!" sabi ni Pia pagkakalas namin sa yakap.

Napalingon naman ako sa paligid dahil parang biglang tumahimik at nakitang nakatingin ang mga tao sa amin pero nagsibalikan na rin sila sa mga ginagawa nila nang tignan din namin sila kaya back to normal na ulit dito sa kainan.

Kumuha na kami ng pagkain ni Pia at umupo sa bakanteng upuan na pandalawahan lang kaya naman napatingin kami kay Alejandro na kanina pa nakasunod kay Pia.

"Mahal... sumama ka nalang muna kanila Kuya." lambing ni Pia sa asawa at pumayag naman ito.

So nirecommend kasi ni Manuel 'tong kainan na 'to. Kakatayo lang at pagmamay-ari ng kaibigan niya sa Espanya kaya naman siyempre ang unang mga customers ay ang mga mayayamang pamilya rito sa San Sebastian.

Pagkarating namin dito ay nandito na sina Don Luis, Doña Isabela, at Padre Ernesto tapos may iba na ring mga tao tapos ayun nagchikahan sila nila Ama tapos nagbatian lang kami ni Padre Ernesto at nag-usap na sila ni Caden. Sunod na dumating ang mga Hernandez. Kumpleto rin sila maliban kay Andong dahil magkakasama 'yung tatlong itlog na pumunta sa kabilang bayan dahil na naman sa trabaho. Grabe, ang busy nila, 'no?

"Ito na ngaaa!" excited na bulong ni Pia. Oo, bulong 'yun kahit may exclamation mark HAHAHA!

Dumapo ang tingin ni Pia sa wrist kong nakapatong sa lamesa at bigla siyang natigilan kaya naman tinanong ko agad siya.

"Ayos ka lang ba, Pia?"

"Galing... ba iyan kay Kuya Fernan?" tanong niya habang nakatingin sa bracelet na binigay sa akin ni Fernan.

Napatingin naman ako sa red na bracelet na suot ko. Binigyan kasi ako ni Fernan ng bracelet na may rose na ginawa niya mismo noong araw na umuwi sila rito sa San Sebastian at mga 1 week na ang nakakalipas kaya siyempre nabulok na 'yung rose mismo pero maganda 'yung pagkakabraid niya sa tali kaya naman kahit wala na 'yung rose, sinusuot ko pa rin.

"Oo, ang ganda, 'di ba?" sabi ko at tumangu-tango nalang si Pia at nagsimula nang magkuwento.

"Masaya sa Dagupan, lahat ng pinuntahan naming mga kainan ay maingay at lahat ay nagkakasiyahan."

"Sabi nga ni Fernan." sagot ko habang patangu-tango pa.

"Ano? Ngunit isang araw lang naman si Kuya sa Dagupan."

What? Isang araw lang si Fernan sa Dagupan?

"Paano nangyari 'yun?" tanong ko.

"Pagkarating namin sa Dagupan ay umalis din siya at nagtungo sa Maynila. Sinabi lang niyang may kailangan siyang gawin at pagkatapos ay bumalik din siya sa Dagupan bago kami umalis kaya naman kasabay namin siyang umuwi." sagot ni Pia.

Napatangu-tango nalang ako. Sabagay, noong wala ang mga Fernandez dito sa San Sebastian ay napakabusy din nila Niño at Andong kaya naman sigurado akong busy rin si Fernan dahil may mga kailangan din siyang gawin. Hirap pala maging sundalo, 'no?

"Masarap din ang mga pagkain dahil masarap talaga magluto ang aming Tiya Fe at oo nga pala! Nakita ko si Heneral Goyo! Napakakisig nga nito at naulinigan ko rin na kaya pala ito nasa Dagupan ay upang bantayan ang pagsalakay rito ng mga Amerikano." kuwento ni Pia.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now