LXXIX

2.9K 301 35
                                    

Juliet

"Almusal po, Señorita." Pasok ng kasambahay ng pagkain dito sa kuwarto ko.

Dinala ako sa Hacienda Fernandez ng kabayo ni Fernan kahapon. Nag-usap kami sandali ni Pia na medyo malaki na ang tiyan pati na iba pang mga Fernandez. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari mula sa kasal, kung paano kami nagkita ni Fernan at kung anong nasaksihan namin sa may gubat at hinatid na rin nila ako rito sa bahay.

Sobrang galit sa akin si Ama na halos ilang oras niya akong pinagalitan kaya ngayon, nandito lang ako sa kuwarto ko mag-aalmusal dahil utos niya ay hindi ako lalabas ng kuwartong 'to hangga't hindi niya sinasabing puwede na akong lumabas.

Naiintindihan ko naman si Ama. Malamang napahiya sila kahapon at malaking kahihiyan nga naman ang ginawa ko. Naalala ko pa na kasama sa sermon ni Ama sa akin kahapon na sobrang galit din si Don Pablo sa amin dahil sa ginawa ko. Actually 'yun lang ang naintindihan ko dahil masyadong occupied ang utak ko pagkarating ko rito. Iniisip ko kung anong nangyari roon kung nasaan sila Niño. Bakit may nagbarilan? Ayos lang ba sila? Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon?

"Binibini..."

Napalingon ako at nagulat nang makita si Adelina. Napansin kong pasimple siyang sumenyas sa akin na paalisin 'yung kasambahay na nagdala ng pagkain ko kaya naman tumingin ako sa nagdala ng pagkain ko.

"Uhm... puwede niyo po ba kaming iwan?" sabi ko at yumuko naman siya at lumabas na.

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko kay Adelina pagkaalis na pagkaalis nung nagdala ng almusal ko.

"Hindi niyo po ba nabalitaan? Nadakip na po kahapon si Heneral Niño."

Halos malaglag ang panga at puso ko sa narinig ko mula kay Adelina. Sandali akong hindi naka-imik kaya nagsalita muli si Adelina.

"Ayos lang po ba kayo, binibini?"

"O-Oo..." sagot ko pero hindi ko na maipaliwanag ang nararamdam ko.

"H-Hindi lang po iyon, binibini..." sabi ni Adelina kaya napatingin ulit ako sa kaniya. This time, nakayuko na siya at halatang ayaw niya akong tignan kaya naman mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.

"W-Wala na p-po..." sabi ni Adelina at ramdam ko na ang panginginig niya.

"Anong wala na?" atat na tanong ko.

"W-Wala na... p-po si He...Heneral Niño, binibini..." tuloy ni Adelina at dahan-dahan nang tumingala at tumingin sa akin. Napaupo ako sa kama ko.

Hindi...

Imposible...

Hindi 'to totoo.

"Ano ka ba, Adelina!" pabirong hampas ko sa kaniya at pinilit pang tumawa kahit na nagmamakaawa na ang mga luha kong kumawala sa mga mata ko.

"Hindi nakakatawa 'yang biro mo, ah!" tawa ko nang pilit. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko. Totoo ba talaga? Hindi! Hindi puwede!

"Nagdadalamhati po ang buong San Sebastian ngayon, lahat ay nakikiramay kay Don Luis at Doña Isabela." sabi pa niya kaya naramdaman ko nalang ang panlalamig ng mga kamay ko.

"Nalaman po ng mga sundalo ang pinagtataguan nila Heneral Niño at iba pang mga sundalong tumiwalag at nagtraydor sa Señor Presidente. Dumanak pa raw po ang dugo bago tuluyang nagapi ang puwersa nila Heneral Niño kaya tumakas kaagad ang iba katulad ni Kapitan Hernando—"

"Si Andong?" natarantang tanong ko.

"Opo... nahuli siya kahapon na kasama nila Heneral Niño at isa siya sa mga nakatakas ngunit malamang hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sila." sagot ni Adelina.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now