LXXX

2.9K 313 21
                                    

Juliet

"...at iyon po ang dahilan kung bakit raw po nasunog ang pinangyarihan ng pagdakip sa heneral."

Napalingon nalang ako kay Adelina pagkatapos niyang magkuwento. Sa totoo lang kanina pa siya may sinasabi pero walang pumapasok sa utak ko dahil iniisip ko lang ngayon kung gaano ka-unfair ng lahat.

Kahapon pala pagkaalis namin sa burol ay may dumating na mga sundalo at pinaalis lahat ng tao dahil wala raw karapatan paglamayan ang isang traydor at wala pa nga yata silang balak payagang ipalibing si Niño.

Nakakagalit. Nakakapanlumo. Hindi deserve ni Niño ang ganitong pagtrato. Hindi siya naligtas sa unang pagkakataon na mamamatay dapat siya para lang akusahang traydor at tratuhin na akala mo isang nilalang na mas mababa pa sa hayop.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kaya naman agad ko 'tong pinigilan at pinilit na kumalma.

"May nagawa ba si Don Luis para payagan nang ilibing si Niño?" tanong ko kay Adelina.

"Ah, oo nga po pala, binibini. Nailibing kaninang umaga si Heneral Niño. Mabilisan lang daw po ito upang hindi makakuha ng atensyon. Sa palagay ko'y kahit alcalde mayor si Don Luis ay wala siyang magagawa kaya sumalisi nalang sila sa mga sundalo." kuwento ni Adelina na bumasag na naman sa puso ko.

Nilibing na pala si Niño...

Parang may pumiga na naman sa puso ko nang marealize kong hindi man lang ako nakapunta sa libing niya. Hindi naman ako papayag na maging ganito nalang ang lahat. Hindi ko kayang pakawalan si Niño nang ganito nalang.

Agad akong nagpalit ng damit at kinuha ang madalas kong ginagamit upang makababa rito sa terrace.

"S-Saan ka po pupunta, binibini?" natarantang tanong ni Adelina nang makitang binababa ko ang pinagdugtung-dugtong na kumot.

"Kay Niño." sagot ko habang binubuhol 'yung mga kumot sa railings ng terrace.

"Ngunit umuulan, binibini." Pigil pa sana sa akin ni Adelina.

"Wala akong pakialam." sagot ko at bumaba na.

Buti nalang talaga at nakinig ako sa pinagdadaldal kagabi ni Adelina kung saan nakalibing ang mga Sebastian. Pinag-usapan kasi namin kagabi kung paano ililibing si Niño at kung may magagawa kaya si Don Luis para mabigyan ng disenteng libing ang anak niya.

Nang makarating na ako sa lugar na kinukuwento ni Adelina kagabi, nakita ko nga na may mukhang bagong bungkal na lupa at may mga bulaklak na nakapaligid dito pero ang ikinagulat ko ay nakita ko pa si Doña Isabela na nakaluhod sa lapag kahit na napakaputik nito gawa ng pagbuhos ng ulan.

Nagtago ako sa likod ng malaking puno 'di kalayuan sa kanila dahil ayaw kong magpakita. Pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanila pagkatapos ng lahat.

"Halika na, Ina." rinig kong sabi ng boses ni Padre Ernesto.

"Hindi! Hindi ko iiwan si Niño!" rinig kong sigaw ni Doña Isabela at ramdam na ramdam ko ang pagdadalamhati sa boses niya kahit pa palakas na nang palakas ang patak ng ulan.

"N-Niño... anak ko..."

Napatakip agad ako sa bibig ko nang maramdaman na onti nalang at hahagulgol na rin ako ng iyak dahil kay Doña Isabela.

"Bakit... bakit nangyari 'to?! O, Diyos ko! Bakit ang anak ko?!" rinig ko pang daing ni Doña Isabela at tuluy-tuloy na ring umagos ang mga luha ko.

Bawat salita at paghikbi mula sa kaniya'y pakiramdam ko tumutusok sa puso ko kaya ramdam na ramdam ko ang kalungkutan at in a way, sakit na nararamdaman niya ngayon.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now