XLIV

3.9K 319 1
                                    

Juliet

"Binibini, umuwi na po si Ginoong Tomas." sabi ni Perla na kasama ko rito sa pagamutan ni Angelito Custodio.

"Ah, sige. Nabigyan ko naman na siya ng mga gamot na kailangan niya." sagot ko at inayos ang mga ginamit ko kanina sa paggamot ng lalaking nakaapak ng stick, jusko.

Pagkakuha ko ng basket, naglakad na ako papunta sa lalagyan ng mga gamit at nakita si Angelito Custodio na nakikipagduel na naman ng eskrima o arnis. Tumigil ako sandali sa paglalakad at nanood.

Iba talaga 'tong si Angelito Custodio. Matalino na, physically fit pa. Magaling talaga siya sa eskrima at ibang klase ang bilis at lakas niya. Mas bata ang kalaban niya kaysa kaniya pero 'di mapagkakailang mas maliksi siya rito kaya naman siya ang nananalo.

Nagulat ako nang pagkatapos nilang magdwelo ay tumingin sa akin si Angelito Custodio. Nang magtama ang mga tingin namin ay naglakad siya palapit sa direksyon ko kaya hindi ko alam kung tutuloy na ba ako sa dapat kong gawin o hintayin siyang makalapit dahil mukhang sa akin siya patungo.

"Nais mo bang matuto, binibini?" tanong niya nang makarating sa tapat ko.

"A-Ah... hindi na po, ginoo." sagot ko at magpapaalam na sana umalis nang magsalita ulit siya.

"Minsan kailangan mo ring malaman kung paano ipagtanggol ang iyong sarili dahil hindi sa lahat ng oras ay may darating upang tulungan ka."

Humarap ulit ako sa kaniya.

"Sa susunod nalang po siguro, ginoo. Mauna na po ako." sagot ko at nagpatuloy na papunta sa lalagyan ng mga gamit dito.

Phew! Ewan ko ba bakit sobrang kinakabahan ako kay Angelito Custodio. Siguro dahil nakakaintimidate siya? I mean, isa siyang doktor, gwapo, matalino, at maginoo kaya siguro nakakakaba talaga siyang kausapin.

Ilang oras pa akong nag-asikaso ng mga pasyente at dumating na rin si Niño. Lagi akong sinusundo ni Niño pagkatapos ng trabaho ko at minsan naman ay si Caden dahil busy rin minsan si Niño. Minsan kailangan pa niyang pumunta sa malayong bayan kaya kinaumagahan na siya nakakauwi o kaya kapag pinipilit niyang umuwi ng San Sebastian ay madaling araw na siya nakakarating.

"Magandang gabi, binibini." nakangiting bati ni Niño nang makalapit na ako sa kaniya. Nandito pala siya naghintay sa may terrace sa second floor ng pagamutan.

"Inimbitahan nga pala kami ni Don Horacio na maghapunan sa inyong tahanan at nakasalubong ko na rin sina Ama kanina na papunta na sa inyo." sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko.

"Bakit, binibini? Ayaw mo bang kumain kasama ang ating mga pamilya?"

"Hindi naman sa gano'n." sagot ko pero ghad! Hindi man lang ako nakapag-ayos ng sarili ko kanina tapos haharap ako sa pamilya Enriquez na ganito ang itsura ko? No way!

"Ah, Niño... magpapalit lang ako, ah? Sandali lang talaga!" paalam ko at tumakbo na papunta sa silid ko rito sa pagamutan. May sariling kuwarto ang mga doktor at may damit naman akong maganda sa lalagyan ko roon kaya 'yun nalang ang isusuot ko.

Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay agad akong naghanap ng magandang damit at nakita ang puti at itim na baro't sayang dinala ko rito. Phew! Buti nalang talaga't parang naging pangalawang bahay ko na 'tong pagamutan!

Nagpalit ako atsaka inayos naman kahit papaano ang mukha at buhok ko atsaka bumalik sa terrace pero wala na si Niño.

Omygosh, iniwan ba niya ako?!

Tumakbo ako pababa papunta sa labas ng pagamutan at tatakbo na sana pauwi nang mapansin kong nasa labas pa ng pagamutan ang karwahe ng mga Enriquez na ginagamit ni Niño. Edi... hindi pa siya umalis? Pero nasaan siya?

Way Back To YouWhere stories live. Discover now