LXIV

3.2K 301 6
                                    

Juliet

"Ikinagagalak kong makita kang muli, binibini." sabi ni Niño habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Nang dumampi ang labi niya sa likod ng palad ko, pakiramdam ko nakuryente ang buong katawan ko. Nanlamig ang mga kamay ko samantalang uminit naman ang buong mukha ko at mas lalo pa 'tong uminit nang magsimula nang mang-asar ang mga sundalo sa paligid namin. Hindi ko tuloy ulit magawang tumingin kay Niño!

Inagaw ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak ni Niño at nakita ko naman agad ang pagform ng playful smile sa labi niya. Hay nako talaga 'tong heneral na 'to! Pasalamat ka at may tama ka kundi... wala, hehe! Mahal pa rin naman kita kahit wala kang tama, eh hihi! Ang harot, Juliet!

"Uh... binibini, akala ko ba'y magpapalit ka na rin ng damit?" mapang-asar na sabi ni Eduardo kaya naman sinimangutan ko siya.

"Sabi ko nga." saad ko at pinagtatanggal na 'yung pinagpapatong nila sa akin kanina atsaka lumabas. Mga lokong 'yun huhu nasira tuloy moment namin ni Niño.

Anyway, better na magpalit na nga agad para makabalik na rin agad ako at makasama ko na si Niño. Hay, grabe namiss ko siya nang sobra.

♤♤♤


Nagtatawanan pa rin ang mga kalalakihan hanggang sa lumabas ang kanilang nag-iisang binibini upang magpalit ng damit sa kabilang barong-barong. Nang humupa na ang tawanan ay inutusan ni Fernan na lumabas muna ang lahat maliban sa kanilang tatlo—siya, Niño, at Andong at sumunod nga ang mga sundalo sa koronel.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" pangangamusta ni Fernan sa kaibigan.

"Kakamustahin mo lang pala ako ay bakit mo pa pinalabas ang iba?" natatawang sabi ni Niño.

"Gusto muna kitang kamustahin bago ko sabihin sayo ang kailangan mong malaman." diretsong sagot ni Fernan habang pabalik-balik lang ang tingin ni Andong sa kanilang dalawa ni Niño.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Niño nang maramdamang seryoso ang kaibigan sa nais nitong sabihin sa kaniya. Naramdaman niya ang panlalamig ng kaniyang mga kamay nang makaramdam ng kaba sa kung anuman ang maaaring lumabas mula sa bibig ng kaibigan.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko pa rin ang kirot mula sa sugat ko ngunit... gagaling rin naman ito pagkatapos ng ilang linggo. Ano ang mahalaga mong sasabihin?" saad ni Niño.

Kinuha ni Fernan mula sa hawak-hawak na maletin o satchel ang isang sobre atsaka kinuha ang laman nito at inabot sa heneral.

Hindi makapaniwala, ibinalik ni Niño ang tingin kay Fernan habang hawak-hawak pa rin ang liham na mula mismo sa tinitingala niyang pangulo—ang Señor Presidente, si Heneral Emilio Aguinaldo.

Liham ito na nag-uutos kay Heneral Antonio Luna na pumunta sa Cabanatuan.

"S-Saan mo ito nakuha?" gulat na gulat na tanong ni Niño habang nanginginig pa ang mga kamay na hawak-hawak ang telegrama.

"Nang magpunta ang aming pamilya sa Dagupan ay agad akong nagtungo sa Maynila." simula ni Fernan at mas lumapit pa sa mga kaibigan.

"Kinausap ko ang mga Luna. Naniniwala akong hindi basta-basta magbibitiw ng salita si Rusca laban sa Señor Presidente kaya naman gusto kong malaman ang katotohanan at ito nga, nakuha ko ang patunay na magdidiin sa Señor Presidente." halos bulong nalang na sabi ni Fernan atsaka kinuha ang telegrama mula sa pagkakahawak ni Niño.

"Ngunit wala itong halaga dahil siya ang nasa kapangyarihan." wika ni Fernan kaya napakunot ang noo ni Andong.

"Sandali... hindi ko na alam kung saan papunta ang usapang ito, Fernan." nagugulumihanang saad ni Andong.

Way Back To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant