LXXXIII

2.9K 308 15
                                    

Juliet

Agad akong humakbang paatras atsaka yumuko para tamaan siya sa tiyan atsaka ginamit ang binti ko para patirin siya na dahilan ng pagbagsak niya sa lapag.

Omg. OMG!

Yes! Yes, YES! Omyghad, nagawa ko! Hinagis ko ang arnis sa ere at nagtatalon sa tuwa.

Natalo ko si Angelito Custodio!

"Madali kang matuto." Bangon niya atsaka pinagpagan ang sarili niya. Nakaputing shirt lang siya tapos 'yung usual trousers niya. Nasa may upuan sa tabi ang coat niya pati na rin ang baro't saya ko. Nagtahi ako ng temporary pants ko exclusive para sa training na 'to with Angelito Custodio.

Nang matapos na ako magsa-sayaw sa pagkapanalo ko ay tumingin na ako kay Angelito Custodio kaya nagkatinginan kami at napakunot ang noo ko nang bigla siyang bahagyang natawa nang magkatinginan kami.

Anong problema nito?

Napapamewang ako nang patuloy lang siya sa pagpipigil ng tawa dahil kinakagat niya ang labi niya.

"Bakit?" Medyo pagtataray ko kaya napalingon ulit siya sa akin.

May kinuha siya sa bulsa niya atsaka naglakad palapit sa akin. Panyo pala ang kinuha niya sa bulsa niya at nagulat ako nang punasan niya ang pisngi ko.

"Masyado kang naging abala sa pagkapanalo na hindi mo namalayang may dumi ka na sa iyong mukha, binibini." natatawang wika niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Ayan, wala na." sabi niya nang matanggal na ang dumi sa mukha ko at medyo dumistansya na rin ng tayo.

"M-Magpapalit na ulit ako, Ginoong Angelito..." paalam ko at dire-diretsong naglakad.

"Nakalimutan mo ang iyong kasuotan, binibini!" rinig kong sabi ni Angelito kaya napapikit ako sa kapalpakan ko. Paano ka magpapalit kung wala kang dalang damit? Tungaks naman talaga, Juliet!

Agad akong bumalik at nagulat nang magkabanggaan kami ni Angelito dahil hinabol pala niya sa akin 'yung damit ko.

"P-Paumanhin, binibini... ayos ka lang ba?" tanong niya at agad naman akong tumangu-tango at kinuha na ang damit ko.

"Pasensiya na rin at salamat sa pagdala nito." sabi ko at dumiretso na sa banyo.

Phew! Iba talaga ang pagka-intimidate ko kay Angelito huhu paano ako magpapakasal sa lalaking ni hindi nga ako maging komportable kapag kasama ko siya?

Hay nako, Juliet! Wala kang karapatan isipin ang comfort mo ngayon dahil pamilya mo ang nakataya rito!

Napatangu-tango ako. Oo nga, wala naman akong choice.

Pagkalabas ko ay bumalik ako kung saan kami nagtraining ni Angelito at nakitang naka-ayos na rin siya. Suot na ulit niya ang polo at coat niya at naka-ayos na rin ang mga arnis na ginamit namin kanina sa lalagyan nito.

"Halika na, binibini."

Ha? Anong halika na?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Ah, oo nga pala hindi ko pa nasabi sa iyo ngunit... maaari mo ba akong samahan?" tanong niya.

"Saan?" tanong ko naman.

"Sa pagtanda." Ngiti niya at parang may biglang tumusok sa puso ko nang sabihin niya 'yun.

"Binibining Juliet, maaari mo ba akong samahan?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Saan naman?" tanong ko na trying hard panindigan ang pagtataray ko.

"Sa pagtanda." Ngiti ni Niño.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now