V

6.8K 461 53
                                    

Juliet

Pagkatapos magpakuha ng picture ng Enriquez family, nagpalakpakan ang mga tao at kani-kaniyang lapit sa kanila para makipagshakehands o makipag-usap. Napatingin ako kay Caden na kausap si Don Luis at iba pang mga lalaki kasama si Heneral Enriquez.

"Patay tayo riyan." sabi ni Koronel na katabi ko kaya napatingin ako sa tinitignan niya at nakita 'yung mga guardia na nakausap namin kanina palapit kung nasaan nag-uusap sina Caden.

Hindi ko pa rin gets bakit parang nasistress 'tong koronel na 'to kapag nireport nung mga guardia na nakita kaming magkasama. Ano bang masama roon?

"Kailangan natin silang maunahan!" sabi ni Koronel at tumakbo na rin naman ako palapit sa kanila.

Tumatakbo palang kami ay nakalapit na 'yung mga guardia kay Don Luis at eksaktong pagkalapit namin sa kanila, tapos na bumulong 'yung mga guardia kay Don Luis at nakabulong na rin si Don Luis kay Caden at sa isa pang lalaki.

"Narito na pala sila." sabi ng isa sa mga guardia nang makita kami.

"Mga ginoo, maari lamang na maiwan niyo muna kami nila Don Federico at Ginoong Caden. May mahalaga lang kaming pag-uusapan tungkol sa kabataan na nasa harap namin ngayon." sabi ni Don Luis at nagpaalam na nga 'yung iba maliban kay Heneral Enriquez na nakakunot ang noo't nakikipagpalitan ng mga tingin kay Koronel.

Napakamot nalang ng ulo si Koronel samantalang ako, walang clue sa nangyayari.

"Kailan pa, Fernan? Kararating lamang ni Binibining Cordova kanina, hindi ba?" tanong ng lalaking medyo may edad na rin. Siguro mas matanda siya nang kaunti kay Don Luis. Matangkad din siya at mas malaki ang katawan kung ikukumpara kay Don Luis. May bigote siya at kahawig niya si Koronel kaya siguro tatay siya ni Koronel na tinawag ni Don Luis kaninang si Don Federico.

Napapikit nalang si Koronel at yumuko habang nagkakamot ng ulo.

Okay... hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

"Makakarating kanila Ama ang tungkol dito, Juliet." sabi ni Caden kaya napa WTH-are-you-talking-about look ako sa kaniya pero binigyan lang niya ako ng ikaw-gumawa-niyan-kaya-panindigan-mo look.

Napakamot nalang din ako sa ulo ko.

"Naiintindihan namin kung nag-iibigan kayo nguni—"

"Nag-iibigan?!" gulat na tanong ni Heneral Enriquez at parang kidlat sa bilis, kinaladkad si Koronel palabas.

"Mukhang babatiin ni Niño ang kaniyang kaibigan sa pagkakaroon nito ng napakagandang nobya." nakangiting saad ni Don Luis na pinagmasdan pa ang papalayong mga likod nila Koronel at Heneral Enriquez.

NOBYA?!

"Kung sakaling sa simbahan din ang tuloy ay maaari bang si Ernesto ang magkasal sa kanila?" masayang tanong ni Don Federico na dahilan ng panlalambot ng tuhod ko.

"Ay, oo naman! Tiyak na matutuwa si Ernesto dahil parang nakababatang kapatid na rin ang turing niya kay Fernan." sagot ni Don Luis at pakiramdam ko matutumba na ako sa kinatatayuan ko sa pinagsasabi nila.

Nobya?? Kasal????

"Mauna na po kami Don Luis, Don Federico, at kakausapin ko pa itong si Juliet." paalam ni Caden.

"O sige, ngunit huwag ka naman masiyadong mag-alala dahil mabuting bata 'yong si Fernan." sabi ni Don Luis at naglakad na kami palabas.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kalesa, agad kong pinaharap sa akin si Caden.

"Caden, anong nangyari? Bakit may nobya akong narinig tapos kasal?? Hindi ko maintindihan. Bakit bigla ko nalang magiging boyfriend 'yung koronel na 'yun, eh ni hindi ko nga siya kilala? Nakita lang kaming magkasama roon sa labas ng bahay tapos sinabi nung mga guardia na sasabihin nilang nakita nila kami kay Don Luis pero bakit parang iba yata 'yung dating?" sunud-sunod na sabi ko.

"Conservative to the maximum level ang mga tao sa panahong 'to, Juliet. Nakita kayo na kayong dalawa lang at sa madilim pang lugar, ano pang inaasahan mong isipin nila?"

Napabuntong-hininga nalang ako. Napaka-judgmental naman ng mga tao sa panahong 'to, jusko.

Pagkauwi namin, tinulog ko nalang ang stress ko.

♤♤


"P'tragis naman, Fernan! Pinabantay ko lang sayo, naging nobya mo na?!" inis na saad ng dalawampu't tatlong taong gulang na heneral at inihagis ang sumbrero niya sa lapag.

"Niño, hindi nga gano'n ang nangyari. Binantayan ko lang siya katulad ng sinabi mo." sagot ng binatang koronel sa kaibigan.

"Pero paano nangyaring naka-abot kayo sa liblib na lugar ng hacienda?" tanong ni Niño at dahil dito, biglang may naalala ang koronel na kausap.

Sumilip muna bago sinara ng binata ang mga bintana't pinto atsaka lumapit kay Niño.

"Dahil may narinig siyang hindi niya dapat narinig. Bantayan mo siyang mabuti, Niño." halos pabulong na sabi ni Fernan sa kaibigan.

"Hindi kita maintindihan, ano'ng ibig mong sabihin na may narinig siyang hindi niya dapat narinig?" nagugulumihanang tanong ng heneral.

"May narinig siyang pag-uusap. Hindi ko tiyak kung sino ang kausap ng sundalo ng Kawit na iyon ngunit sigurado akong kung ano man ang narinig niya'y maglalagay sa kaniya sa kapahamakan."

Sandaling natahimik si Niño. 'Di mawari ni Fernan ang tumatakbo sa isip ng kaibigan hanggang sa bumuka na ulit ang mga labi nito.

"Huwag kang mag-alala, pro-protektahan ko siya."

Napangiti na lamang si Fernan habang napapailing. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagiging seryoso ng kaibigan sa pag-ibig o mag-aalala sa maaaring kahinatnan nito. Gayumpaman, alam niyang susuportahan niya ang kaibigan hanggang dulo.

Kinabukasan, maagang nagtungo si Niño sa Hacienda Fernandez upang hilahin si Fernan sa binabalak niyang gawin.

"Nagbibiro ka ba? Niño, ni hindi pa sumisikat ang araw at nais mo nang umakyat ng ligaw?" Kamot ni Fernan sa kaniyang ulo, hindi makapaniwala sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Ngayon ko lang gagawin 'to, Fernan. Maniwala ka." seryosong sabi ni Niño kaya napabuntong-hininga nalang si Fernan.

"Bien, bien. ¡Vamonos!" (Alright, alright. Let's go!)

"Isama na rin natin si Andong." sabi pa ni Niño at nagpatuloy na sila.

♤♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

Maraming salamat sa pagbabasa!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Col. Vicente S.F. Enriquez (left) | Carlo Aquino as Col. Enriquez in GOYO: Ang Batang Heneral (right)


Votes and comments are highly appreciated. 💙

- E

Way Back To YouWhere stories live. Discover now