XIII

5.9K 440 32
                                    

Juliet

~~Nahanap na ngang ligaya
Sa piling mo, o kay gandang dalaga
Ikaw ang nasa isip araw man o gabi
Hindi na nga maikukubli🎶~~

Napangiti ako nang marealize na maganda pala ang boses ni Niño.

Grabe, ano pa bang kulang kay Niño? Parang noong nagpaulan ang Diyos ng magagandang qualities, nasalo lahat ng lalaking 'to.

Napalingun-lingon ako sa paligid at nakitang palapit sina Manang Felicitas at Adelina galing sa loob. Nagkatinginan kami at binigyan nila ako ng huwag-ka-mag-alala-at-hindi-ka-namin-isusumbong look.

~~Pagbigyan ang pag-ibig na iaalay
Sayo'y ayaw na ngang mawalay
Hiling sana'y dinggin ng kalangitan
Ibigay kang may taglay na kabaitan🎶~~

Tumabi sa akin sina Manang habang nagtititigan kami ni Niño. Nakangiti siya sa akin habang kumakanta.

Hindi na nagwawala ang puso ko. Para nalang siyang biglang natunaw na... hay, ewan! Basta alam ko lang natutuwa ako sa nangyayari ngayon. First time akong maharana at sa 1899 pa pala ako mahaharana sa buong buhay ko.

Napangiti ako nang marealize na ang daming pina-experience sa akin ni Niño na hindi ko nagawang ma-experience sa panahon kung saan talaga ako nabibilang and for that, I am grateful.

~~Mula ngayo'y mamamanata
Kapag ika'y ipinagkaloob ng Bathala
Hindi kukupas, hindi malalagas
Ika'y mamahalin hanggang wakas🎶~~

Natapos na ang kanta at naiwan akong nakatitig kay Niño kaya kinalabit ako ni Adelina.

OMG nakakahiya ako! Nahuli yata akong nakatitig kay Niño.

"Anyayahan mo sila sa loob, binibini." bulong ni Manang kaya nagulat ako.

Gano'n ba 'yun? Kailangan bang papasukin sa loob ng bahay pagkatapos kang haranahin? Pero... baka mapatay ako ni Caden.

"Gusto mo po bang mapatay ako ni Ca—este—Kuya Caden?" Lingon ko sa kaniya.

"Wala po si Señor Caden kaya't binilinan niya kaming bantayan kang mabuti. Minsan lang po ang ganitong pagkakataon, binibini." sabi pa ni Adelina at pakiramdam ko ngayon ang bad influence nila pero dahil likas na pasaway naman na ako, eh niyaya ko nga sa loob 'yung tatlong itlog.

"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin, binibini." sabi ni Niño bago umupo sa sala.

Pinapasok ko nga sila katulad ng sinabi ni Manang. Baka sabihin pa hindi ako hospitable, eh.

"Pero hindi na rin kami magtatagal upang makapagpahinga ka na rin."

What?! Eh, pinapasok ko pa sila??

"Alukin mo sila ng maiinom, binibini." bulong sa akin ni Adelina.

Oo nga, 'no?

"Gusto niyo ba ng maiinom? Ah hindi, kukunan ko kayo ng maiinom." sabi ko at nakitang medyo natawa si Niño.

Pupunta na sana ako sa kusina para kumuha ng maiinom nila nang sumabat si Manang.

"Ako nalang po ang kukuha, binibini. Samahan niyo nalang ang iyong mga panauhin." sabi ni Manang at umalis na kaya umupo nalang ako sa upuan katapat ng tatlong itlog.

OMG. Bakit ba ako kinakabahan atsaka ano ba kasi dapat gawin ko? Dapat ba kaming magkuwentuhan? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko huhu.

"Si Niño mismo ang gumawa ng kantang pinangharana niya sa iyo, binibini." basag ni Fernan sa katahimikan at awkwardness.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now