XXVI

4.3K 361 1
                                    

Juliet

"Naku, Juliet! Halika't may iku-kuwento ako sayo!" excited na salubong sa akin ni Pia pagkababa ko mula sa kuwarto ko.

"Ano 'yun?" tanong ko at pinaupo niya ako sa tabi niya.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo noong nakaraang linggo na kinakabahan ako ngunit hindi ko muna puwedeng sabihin sayo?"

Naalala ko ngang last week, habang naggagantsilyo kami nila Ina rito sa bahay, bigla niyang nabulong sa akin na kinakabahan siya kaya tinanong ko kung naiilang pa rin ba siya kay Ina kahit na ilang linggo na silang nagkakasama at nag-uusap dahil nga lagi siyang pumupunta rito pero hindi raw dahil doon at hindi pa raw niya puwedeng sabihin.

"Sasabihin mo na ba ngayon?" tanong ko at tuwang-tuwa naman siyang tumangu-tango.

"Kinakabahan ako noon dahil... akala ko'y hindi na matutuloy ang kasal namin ni Alejandro." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Gusto kasi nila Ama na ilipat ang araw ng kasal kaya ako kinabahan. Alam ko kasing hindi papayag ang pamilya ni Alejandro dahil nakatakda na ring bumalik sa Espanya ang mga kamag-anak niya pero... ipinaglaban at sinuportahan ni Alejandro ang desisyon ni Ama kaya naman pumayag na rin ang pamilya niya." kuwento ni Pia na kinikilig-kilig pa.

Hay, sana all.

"Bakit pala inilipat ang araw ng kasal?" tanong ko.

"Gusto ni Ama na kumpleto kami sa kasal ko sapagkat ako lang naman ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid kaya hinihintay pa namin ang pagbalik ni Kuya Fernan." sagot ni Pia at halatang nang-aasar pa nang sabihin niya ang pangalan ni Fernan.

Oo nga pala, ilang linggo na rin silang wala... buwan na nga yata. June 8 sila umalis ng San Sebastian at July 6 na, wala pa rin sila.

Nagkuwentuhan pa kami sandali ni Pia at nagpaalam na rin siyang aalis na siya kaya tumambay nalang ako sa may pintuan ng mansion. Napatitig ako sa baba ng steps... kung saan ako hinarana dati.

Nakakamiss naman ang boses ni Niño.

Napasandal ako sa pader at bigla nalang binalot ng lungkot. Ewan ko ba. Recently bigla-bigla nalang akong nakakamiss ng mga tao. Lalo na sina Tito Daddy at Tita Mommy.

"Malungkot ka na naman ba?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Caden sa likod ko kaya napalingon agad ako sa kaniya.

"H-Hindi naman..." sagot ko at sumandal ulit sa pader. Tumabi naman siya sa akin.

"Namimiss mo na ang pamilya mo sa present, 'no?" tanong niya kaya tumango nalang ako.

"Kahit hindi ko sila tunay na magulang... pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal at pag-aalaga ng mga tunay na magulang. Buong buhay ko sila na ang kasama ko kaya siguro palagi akong na ho-home sick." sagot ko.

"Kaya ba Tito Daddy at Tita Mommy ang tawag mo sa kanila kasi... tito at tita mo talaga sila?"

"Kapatid ng totoong nanay ko si Tito Rex at asawa naman ni Tito si Tita Bing. Baby palang ako, pinaampon na ako ng nanay ko kanila Tito kasi walang kakayanan magka-anak si Tita Bing at bata pa raw ang nanay ko nang ipagbuntis niya ako kaya tinuloy niya ang pag-aaral niya at nang magkatrabaho raw, eh hindi na sila nakarinig pa mula sa kaniya." kuwento ko naman.

"Alam ko 'yung iniwan ka ng nanay mo sa mga kinikilala mong magulang ngayon pero hindi ko alam 'yung rason bakit ka pinaampon. Ngayon alam ko na."

"Paano—"

Tatanong ko sana kung paano niya nalaman nang maalala kong hindi nga pala siya ordinaryong tao.

"Alam ko ring matalino kang bata at wala kang naging totoong kaibigan noong elementarya at high school dahil masiyado kang bata para sa kanila at ginamit ka lang nila dahil matalino ka."

"Ay, aray ha. Dahan-dahan naman sa pagsi-spill ng katotohanan sa mukha ko." pabirong sabi ko at natawa naman siya.

"I'm actually happy that you found some real friends in your college life. 'Yung kaibigan mo kahit walang kailangan sayo, 'yung kaibigan mo kahit may problema ka at 'yung kaibigan mo dahil gusto ka rin nilang maging totoong kaibigan." nakangiting sabi niya kaya napangiti na rin ako.

♤♤♤


Isang linggo na rin nang sabihin sa akin ni Pia na imo-move ang kasal niya dahil hinihintay si Fernan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik at kanina pa rin ako nawiwirduhan sa mga tao rito sa palengke. Parang lahat sila abala. May pista na naman ba?

Sumunod na ako kanila Manang Felicitas na sumama sa amin ngayon nila Manang Maria na tagaluto sa bahay pero dahil nandito ngayon si Ina, si Ina ang nagluluto at taga-tulong at bili lang kami ng mga kailangan. Hindi nakasama si Ina ngayon mamalengke dahil abala rin siyang mag-ayos sa bahay kasama 'yung iba pang mga tagasilbi.

Pagkagising ko palang ang busy na ng mga tao sa bahay tapos hanggang dito ba naman sa palengke, may ganap?

Napatingin ako sa mga nagsasabit ng banderitas at mga makukulay na palamuti sa paligid. May nakaayos din na entablado sa plaza at mahahabang mga lamesang mukhang papatungan ng mga pagkain mamaya. Nacurious na talaga ako kaya pagkasakay namin sa kalesa, kinalabit ko si Manang.

"May pista na naman po ba?" tanong ko pagkaharap ni Manang sa akin.

"Hindi, Señorita. Tapos na ang pista ng San Sebastian, nakalimutan mo na ba? Pumunta pa nga kayo ni Señor Caden sa bahay ng mga Enriquez pagkatapos ng misa." sagot ni Manang kaya napakunot ang noo ko.

"Eh, bakit po ang daming mga banderitas? Ang dami rin pong naghahanda na akala mo pista." nagtatakang tanong ko.

Ngumiti naman si Manang na para bang pati siya ay tuwang-tuwa sa pinaghahandaang pagdiriwang ngayon.

"Bumalik na kasi ang Heneral Niño, Señorita."

♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

Pasensiya na sa matagal na update, namatay po kasi ang lolo ko kaya maraming kinailangan gawin. Anyway, sana nag-enjoy kayo sa update na 'to at dalawa pang updates ko ngayong araw pambawi hehe.

 Anyway, sana nag-enjoy kayo sa update na 'to at dalawa pang updates ko ngayong araw pambawi hehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

General Mariano Riego de Dios (1875-1935)

Votes and comments are highly appreciated! 💙

- E

Way Back To YouWhere stories live. Discover now