XLVIII

3.6K 312 32
                                    

Juliet

"Binibini, nasa labas po si Heneral Guillermo at nais ka raw makausap."

Sandali akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Josefina. Kasamahan ko rin siya sa dating pagamutan na lumipat na rin dito kay Angelito Custodio.

Bakit naman mapupunta rito yung heneral na 'yun at bakit niya ako gustong makausap?

Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita at halos wala akong narinig mula sa kaniya pero naaalala kong nabanggit ko siya kay Adelina noon dahil nga iba yung translation niya sa sulat ni Niño at may namention si Adelina noong panahong napag-usapan namin siya na nakadikit daw siya sa 'Señor Presidente' which I assume is General Emilio Aguinaldo.

Anyway, wala naman sigurong masamang makipag-usap sa kaniya, 'di ba? Although may weird feeling akong nararamdaman sa biglaang pagsulpot niya ngayon.

Lumabas na nga ako sa kuwarto kung nasaan nakalagay ang mga kagamitan namin dito sa pagamutan at agad naman niya akong sinalubong. Gano'n pa rin ang itsura niya, brownish hair na maayos na nakasuklay at makisig pa ring tignan.

"Magandang umaga, Binibining Juliet." nakangiting bati niya at binati ko rin naman siya pabalik.

"Nais pala kitang batiin sa iyong nalalapit na kasal sa susunod na buwan." sabi niya na sandaling nakapagpatigil sa tibok ng puso ko.

Ghad, next month na nga pala ako ikakasal huhu Heneral Guillermo naman, bakit mo pinaalala?

"S-Salamat..."

Ewan ko ba bakit na-aawkward ako sa usapang-kasal sa kaniya or siguro dahil niyaya niya akong magpakasal dati tapos nandito siya ngayon at cino-congratulate ako sa kasal ko sa ibang tao na kapwa pa niya heneral. Ang weird, 'di ba?

"Narinig ko ang tungkol sa istorya ng inyong pag-ibig at... noong gabi pala bago ang pista ay naglibut-libot ka sa Hacienda Enriquez, hindi ba?" tanong niya kaya napaisip naman ako.

Bago ang pista... bago ang pista... AH! 'Yun ba yung nahulog ako sa lawa? O nung araw ng pista 'yun? Ghad! Bakit ba ang ulyanin mo, Juliet!

"Oo... yata... bakit?" sagot at tanong ko.

"Kasama mo ba si Heneral Enriquez noon?"

Kasama ko nga ba si Niño no'n? Well, kung 'yun yung araw na nahulog ako sa lawa ay kasama ko nga siya no'n.

"Oo yata... pero hindi kasi ako sigurado. Hindi ko na masyadong maalala dahil matagal na 'yun." sagot ko.

"Bakit mo ba natanong?"

Lumapit siya sa akin kaya naman agad akong napaatras hanggang sa maramdaman ko na yung pader sa likod ko.

"Gusto ko lang malaman kung saang parte ako nahuli, binibini." tanging sagot niya.

"Sigurado ka na bang sa kaniya mo nais magpakasal?" tanong niya at lumapit pa kaya naman pumunta na ako sa kabilang side para hindi niya ako macorner.

Ghad! Bakit ang intense ng usapan namin huhu Lord, help me!

"Paano kung hindi na siya makabalik mula sa susunod na engkwentro niya sa mga kalaban?" tanong ni Heneral Guillermo na dahilan para matigilan ako. Parang may kung anong tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya.

Nakita ko mismo ang kahihinatnan ni Niño kaya naman hindi imposible ang sinabi ni Heneral Guillermo kaya siguro ganito nalang ako ka-apektado.

"Sino ka ba upang magsalita ng ganiyan?"

Pareho kaming napalingon ni Heneral Guillermo sa nagsalita at nakita si Angelito Custodio.

"'Di hamak na mas mahusay na sundalo si Heneral Enriquez sa iyo kaya nga naunahan ka niyang maging heneral, hindi ba? Kaya kung may mamamatay man sa inyo sa digmaan ay sigurado akong mauuna ka." dire-diretsong saad ni Angelito Custodio kaya napanganga nalang ako mentally sa lahat ng salitang binitawan niya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now