XCI

3.3K 320 27
                                    

Juliet

Kinabit ko ang gold pin sa kuwelyo ng puting uniporme ni Niño habang nakatulala siya sa lapag.

"Buong buhay ko'y kasama ko si Fernan." biglang sabi niya.

"Pero siya, may siyam na buwan siyang hindi niya ako kasama."

"Hindi ko inaasahang... mangyayari ito ngayon. Napakarami pa naming pangarap para sa Pilipinas. P-Paanong..."

Narinig kong nagcrack ang boses ni Niño kaya cinomfort ko nalang siya by rubbing his back gently. Nakatayo ako sa tabi niya at sumandal siya sa akin.

"Nalaman ko mula kay Gomez na sinabi niyang dadalhin niya ako sa iyo, h-hindi ko naman alam na... sa ganoong paraan." sabi pa niya at napaisip din ako. Lumapit nga sa akin si Niño no'ng nasa akin si Fernan dahil titignan niya ito. In a way para ngang dinala ni Fernan si Niño sa akin dahil sa kaniya.

Fernan naman, sa dami ng paraan ito pa talaga ang napili mo. Bakit yung pinakamasakit pa?

Tumayo si Niño at kinuha ang satchel na nakapatong sa upuan. May kinuha siyang mga papel mula roon atsaka inabot sa akin at may sasabihin sana nang sakto namang bumukas ang pinto at bahagyang pumasok si Andong.

"Halika na," tawag ni Andong.

"Mag-uusap tayo mamaya tungkol sa mga iyan, binibini. Marami akong kailangang sabihin sa'yo." saad ni Niño kaya naman tinupi ko nalang ang mga papel na inabot niya atsaka nilagay sa bulsa ko at lumabas na nga kami ng kuwarto.

Napakaraming tao. Halos lahat ay nakaitim at may iilang sundalong nakaputi kagaya nalang ni Niño at Andong. Tirik ang araw na para bang chini-cheer kaming lahat pero hindi effective dahil lahat kami ay labis na nagdadalamhati. Pinipigilan ko ang pag-iyak ko hanggang sa makita ko si Pia na halos magwala na sa kabaong ni Fernan na unti-unting bumababa sa lupa.

"Kuya... K-Kuya... Kuya Fernan..." tawag ni Pia at napaluhod nalang sa lupa kaya agad siyang inalalayan ni Alejandro.

Isa pa si Mateo sa tawag nang tawag sa kuya niya na dahilan ng sobrang pagkirot ng puso ko. Sobrang bait ni Fernan at ngayon habang iniisip ko kung gaano pa siya mas kabait sa mga kapatid at mga magulang niya... parang hindi ko nga yata kakayanin ang sakit kung ako ang nasa posisyon nila. Sobrang naaawa ako kay Pia. Malaki na ang tiyan niya ngayon pero hindi niya 'yun alintana. Ni hindi ko nga maisip kung paano ang naging reaksyon niya nang malaman niya ang nangyari kay Fernan.

Natigilan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ng malakas na tik tok ng relo. Agad akong napalingun-lingon sa paligid. Nakita ko si Caden na nakatayo medyo malayo sa amin at pinakita niya sa akin ang orasan niya kaya naman nagmamadali akong lumapit sa kaniya.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko.

"Babalik na tayo sa panahon mo, Juliet." sagot niya habang palakas nang palakas ang tunog ng relo.

Napalingon ako sa likod ni Niño na nakaharap ngayon sa hukay kung saan inilagay si Fernan.

Teka, sabi niya dati taon kami magsi-stay dito pero bakit ngayon na agad kami babalik? Atsaka 'yung isa pang relo... nahanap na ba niya? Bakit aalis na agad kami??!!

Nakita ko ang reaksyon ni Caden sa narinig mula sa iniisip ko atsaka nagsalita.

"Hindi ba't may internship ka pa?"

"Pero Caden—" tawag ko sana sa kaniya at tatakbo papunta kay Niño pero huli na ang lahat.

Sobrang nahilo ako na halos gusto ko nang isuka ang buong sikmura ko. Pakiramdam ko lumindol nang pagkalakas-lakas kaya napakapit ako kay Caden. Sobrang bilis ng lahat. Pakiramdam ko nabalik-baliktad ang mga magugulo ko nang intestines at pakiramdam ko any time ay susuka na talaga ko. Pagdilat ko ng mga mata ko, nasa labas kami ng isang mall at pakiramdam ko onti nalang susuka na ako pero pinigilan ko ang sarili ko at umiling-iling.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now