XVII

5.2K 404 10
                                    

Juliet

Maingat silang lumapit sa baba ng terrace kung nasaan ako, maingat na walang makapansin sa kanila. Napansin kong lahat sila ay hindi nakauniporme ngayon, nakaputing camisa de chino lang sila pero ang gwa-gwapo pa rin nila.

Nagulat ako nang kumuha ng bato sa lapag si Fernan at binalot 'yun sa papel na galing sa satchel niya atsaka binato kung nasaan ako.

Napakunot ang noo ko sa inis kasi muntik na akong matamaan.

Ano bang iniisip ng itlog na 'to?!

Tinignan ko ulit sila at para kaming nagcha-charades dah may inaarte sila tapos hinuhulaan ko kung anong gusto nilang sabihin. Hindi rin naman ako makasigaw para magkaintindihan na kasi baka marinig ako.

Kumuha ulit ng bato si Fernan at binalot sa papel na galing sa satchel na nakasabit sa katawan niya. Binato niya 'yun kay Andong at tumama sa braso nito pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Tinuro niya ako at biglang umarte na nagpapaypay at naglakad na parang babae atsaka pinulot 'yung bato na nakabalot sa papel at binuksan 'yun.

OOOHHH! Gusto niyang kunin ko 'yung papel na nakabalot sa bato! Siguro may sulat 'yun.

Hinanap ko naman 'yung batong hinagis ni Fernan dito sa terrace atsaka tinanggal 'yung papel na nakabalot dito at nakitang may sulat nga.

'Nais kang makausap ni Niño, binibini. Maaari mo ba kaming tulungang iakyat siya? Kung oo ay kunin mo ang pinakamahabang kumot sa iyong kuwarto o 'di kaya'y pagdugtungin mo ang dalawang kumot at itali sa asotea upang makaakyat siya. -Fernan'

Napasilip naman ulit ako sa kanila at binigyan sila ng nababaliw-na-ba-kayo look pero mukhang seryoso sila sa balak nila kaya pumasok na nga ulit ako at kinuha 'yung mga kumot sa kama at tinali 'yun nang mahigpit para makaakyat si Niño.

Nakita ko naman ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Niño nang ihulog ko na 'yung kumot na nakabuhol sa railing ng terrace para makaakyat siya. Triny muna niyang hilahin nang malakas para icheck kung matibay at nang hindi naman bumigay ay sinimulan na niyang umakyat.

Grabe, ngayon sigurado na talaga akong sundalo siya jusko tignan niyo naman kung paano siya umakyat. Grabe ang bilis at ang hot niya tignan, omyghad.

Nang makaakyat naman na siya ay sinalubong ko siya ng tanong.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko pero napangiti agad siya.

"Sa palagay ko'y may koneksyon tayo, binibini." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Batid kong nababagot ka kaya nandito ako upang sagipin ka." Ngiti niya nang nakakaloko.

May saltik talaga 'tong tukmol na 'to, eh.

"Oh, ano naman kung nababagot ako, eh wala naman akong choice—este—magagawa kundi tumunganga rito." sabi ko naman at biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang noo ko dahilan para medyo mapaatras ako pero lumapit lang siya at mukhang desididong malaman kung mainit pa ako.

"Mabuti naman at wala ka nang sakit. Sa totoo lang ay... inisip kong ipagpabukas na lamang ang pagpunta sa iyo upang makapagpahinga ka ngayon ngunit..." Biglang humina ang boses niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ngunit...?" sabi ko kaya napatingin siya nang diretso sa mga mata ko na nakapagpabilis na naman sa tibok ng puso ko.

Ghad wala namang ganiyang tinginan Niño, marupok ako.

"Ngunit hindi ko kayang palampasin ang isang araw na hindi man lang nasisilayan ang kagandahan mo." saad niya na hindi pa rin pinuputol ang pagtititigan namin kaya napalunok nalang ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Way Back To YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora