LXXIV

2.9K 301 17
                                    

Juliet

Omyghad.

NASAAN NA SI NIÑO?!

Ilang oras na akong naghihintay at ni anino niya, hindi ko pa nakikita. Inindian ba niya ako?? Ghad, inindian na nga ako sa kasal namin, pati ba naman ngayon? Aba, sumusobra ka na Enrique Luis Enriquez IV!!!

Nanlalamya nalang akong umupo na sa kama ko atsaka humiga. Walang hiyang heneral 'yan! Makatulog na nga.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla akong kabahan at napabangon ulit.

Paano kung nahuli si Niño?

Tatayo palang ako ay biglang bumukas ang pintuan sa terrace at nakita ko na siya. Sandali akong natigilan nang makitang siya talaga 'to, nasa harap ko na ulit siya at maayos ang kalagayan niya.

"Niño..." mahinang bigkas ko sa pangalan niya at naglakad papunta sa kaniya. Naglakad na rin siya papasok. Agad kong tinignan ang katawan niya kung nasaan ang mga tama niya noong huli ko siyang nakita pero mukhang maayos naman na siya ngayon kaya kahit papaano ay parang nabunutan na rin ako ng tinik sa leeg.

Naka-puting camisa de chino si Niño at kahit pa hindi siya naka-uniform ngayon, eh ang gwapo pa rin niya tignan. Hindi rin ayos na ayos ang buhok niya ngayon 'di tulad ng dati pero ewan ko ba. Mas nagwa-gwapuhan ako sa Niñong nasa harapan ko ngayon.

Bagsak ang buhok, simpleng kasuotan, genuine smile, shining eyes, and a beautiful soul. Yes, those are what make a Niño Enriquez.

"B-Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay." sabi ko at nakita ang pagkurba ng labi niya nang makarating na kami sa isa't isa.

"Ipagpaumanhin mo ang aking huling pagdating, binibini. Mukhang mahigpit na pinababantayan ang inyong tahanan. Halos kakaalis lang ng mga nagmamasid at nagbabantay sa bahaging ito kaya naman ngayon lang ako nakasalisi." mahinang eksplanasyon niya kaya napangiti nalang ako.

Same old Niño. Trying hard masyadong mag-explain. Hay, ang cute niya talaga.

"Kung gano'n, eh paano ka nakaakyat dito? Hindi ka ba nahuli?" tanong ko pero siyempre nang-aasar lang ako.

"Isa yata sa pinakamagaling at pinakamatinik na heneral ang kaharap mo ngayon, binibini." sagot niya at pumorma na ang playful smile sa mga labi ni General Enriquez atsaka siya kumindat, hay nako.

"Mukha mo." natatawang sabi ko atsaka naglakad papunta sa kama ko. Sumunod naman siya sa akin at umupo rin sa kama ko nang senyasan ko siyang puwede rin siyang maupo sa tabi ko. Pagkaupo namin sa kama, napako na ang mga titig niya sa akin atsaka niya kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"Ikinagagalak kong makasama ka sa pagkakataong ito, binibini." sambit niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Labis akong nangulila sa iyo sa mga araw na nagdaan at ngayong muli na kitang kasama... pakiramdam ko'y hindi na kita kayang bitawan pa ulit." pahina nang pahinang sabi niya at sa tono palang niya ay ramdam na ramdam ko na ang lungkot na namamayani ngayon sa pagkatao niya.

"Kung maaari lang... kung maaari lang na sa akin ka nalang habang buhay." Yuko niya at omyghad anong gagawin ko?? Iiyak ba siya?!

OMG Niño huwag kang iiyak, naiiyak na rin ako! Isa pa, hindi ako marunong magcomfort kaya huwag mo nang ituloy 'yan huhu.

"Niño," Hawak ko sa mukha niya dahilan para mapatingin siya ulit sa akin at omyghad teary eyed nga siya!

"Sa'yo lang ako habang buhay." Ngiti ko sa kaniya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now