XXIII

4.6K 370 103
                                    

Juliet

"Maraming salamat po talaga, Binibining Cordova." sabi ng matandang pasyente at ng apo niya sa akin.

"Walang anuman po 'yon. Basta't inumin niyo po sa oras ang gamot ninyo at huwag niyong kakalimutan." nakangiting tugon ko at nagpaalam na rin sila.

June 8, 1899.

Ninth day ko na ngayon sa taong 'to at fourth day ko nang tumutulong sa ospital na 'to. June 5 noong tinuruan akong magburda ni Pia at nung araw rin na 'yun ako dinala ni Caden dito para tumulong. 'Yung araw rin na 'yun ang parang unang araw ng trabaho ko rito.

Although cover lang ang pagtulong ko kuno rito noon para makapagmasid-masid si Caden para hanapin 'yung taong mamamatay nang walang nagtataka kung bakit siya nandito, naisip ko na mas okay na ring may ginagawa ako nang hindi naman ako mabulok sa panahong 'to.

Hindi rin naman naging matagumpay ang misyon ni Caden dahil iba pala ang nagmamay-ari nung kailangan niya sa misyon niya kaya wala na naman siya ngayon sa San Sebastian. Pumunta siya sa Maynila kahapon para maghanap-hanap na naman kung nasaan na 'yung kailangan niya at para makipag-usap tungkol sa business.

Hindi kagaya ng ibang mga araw, wala masyadong pasyente ngayon dito sa pagamutan kaya pumunta muna ako sa terrace para magpahangin.

Grabe, 9th day ko palang dito pero parang sobrang tagal ko nang nandito.

Nakuha ang atensyon ko ng mga lalaking nakauniporme sa baba. Mga pito sila kaya pinagmasdan ko silang mabuti. Naka-blue na uniform sila at armado.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi nagtagal ay dumating sina Fernan, Andong, at Niño na mga nakauniporme rin. Nag usap-usap sila pero hindi 'yung casual na pag-uusap kasi halata sa mga mukha nilang lahat na seryoso sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsimula na rin silang maglakad.

Nang makarating sa tapat ng terrace kung nasaan ako, napatingin sa akin si Andong at mukhang nagulat siya nang makita ako. Agad niyang kinalabit si Niño na nasa harap niya kaya tumingala rin sina Niño at Fernan sa akin.

Tumigil sila sa paglalakad. Nagtitigan kami sandali ni Niño pero ni hindi man lang kumurba kahit slight ang labi niya, nanatiling seryoso ang mukha niya at nagpatuloy na sa paglalakad na mukhang ikinagulat ni Andong at pinagtaka ni Fernan pero sumunod nalang rin sila kay Niño at iba pang mga sundalo.

Hindi ko alam kung bakit pero habang patuloy na naglalakad palayo sa akin si Niño, parang unti-unting nadudurog ang puso ko.

Pinagmasdan ko lang ang likod niyang palayo nang palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Bumalik na rin ako sa loob at nagtrabaho pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang likod ni Niño na naglalakad palayo sa akin.

Hindi man lang niya ako binati...

Napailing-iling ako.

Bakit ko ba 'yun iniisip? Dapat ba lagi niya akong nginingitian? Binabati? Gano'n? Hay nako, Juliet! Ang demanding mo masyado kay Niño!

Galit kaya siya sa akin kaya hindi man lang niya ako nginitian?

Bakit naman siya magagalit?

Teka... ang tagal na nga naming hindi nag-uusap dahil naging abala rin ako rito sa pagamutan. 'Yun kaya 'yung dahilan bakit siya nagalit?

Napailing-iling ulit ako.

Bakit naman siya magagalit dahil lang doon? Boyfriend ko ba siya? Hay nako!

"Binibini, ayos ka lang ba? Mukhang kanina ka pa wala sa iyong sarili. May bumabagabag ba sa iyo?" tanong ni Josefina na isa rin sa mga tumutulong dito.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now