XXI

4.8K 376 43
                                    

Juliet

Inilapag ko ang kamay ko sa nakalahad na palad ni Fernan at inalalayan naman niya ako papunta sa sayawan. Nagsimula na nga ang sayaw.

Diretsong nakatingin sa akin si Fernan at ang genuine ng mga ngiti niya ngayon. Siguro masaya siya kasi birthday ng tatay niya.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita si Andong na nakikipagsayaw din. Nakita ko rin sina Don Luis at Doña Isabela na nagsasayaw.

Teka, nasaan nga kaya si Niño?

Nahagip ng mga mata ko si Mateo na may kasayaw ding babaeng kasing edaran niya kaya napangiti ako. Ang cute-cute nila!

"Mas tipo mo ba ang mga binatang mas bata sa iyo, binibini?" malisyosong tanong ni Fernan na mukhang nang-aasar pa at sumilip kay Mateo atsaka ibinalik ang tingin sa akin. Malisyosong palaka rin 'tong si Fernan, eh. Hay nako!

"Sampung taong gulang palang ang kapatid kong si Mateo, binibini. Matagal-tagal pa ang iyong hihintayin." pang-aasar pa niya.

"Sampung taon palang siya?" tanong ko dahil sa gulat.

OMG ang tangkad niya at ang mature niyang tignan. Sa batang edad, grabe na 'yung posture niya at manang-mana sa Kuya Miguel niya 'yung tindig niya na ang manly talagang tingnan.

"Oo, bakit? Akala mo ba'y kasing edad mo lamang siya?" asar pa ng mokong kaya pasimple ko siyang inapakan at napa-aray naman siya nang mahina atsaka ko siya tinignan ng tigilan-mo-ako-sa-pang-aasar-mo look na tinawanan lang niya.

Habang nagsasayaw kami, nakatingin lang nang diretso sa akin si Fernan at nakangiti pero may iba talaga sa mga ngiti niya. Nakangiti siya pero 'yung mga mata niya ang lungkot-lungkot habang nakatingin sa akin.

Gano'n ba ako ka-mukhang kawawa kanina kasi walang nag-aaya sumayaw sa akin kaya sinayaw nalang niya ako?

Hindi ko naman magawang tumingin din nang diretso sa kaniya kasi nahiya na ako nang maisip na naawa lang siya sa akin kaya niya ako sinayaw kaya tumingin-tingin nalang ako sa paligid.

"Mamaya pa darating si Niño." bigla niyang sabi kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya.

Ang genuine ng ngiti sa labi niya pero bakas sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Makikita mo rin siya mamaya."

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang tugtog kaya naghiwalay na rin kami. Agad ko namang hinanap si Caden at nakita ko siyang kausap si Pia.

Hay nako, Caden! Ikakasal na 'yung tao pumuporma ka pa, tsk!

Nagulat ako nang pasimpleng lumingon sa akin si Caden with an I-can-hear-you look.

OMG! Naririnig nga pala niya iniisip ko.

"Oh! Juliet, nariyan ka pala. Halika rito." tawag sa akin ni Caden at binigyan ako ng pagsisisihan-mo-panghuhusga-sa-akin look.

Para naman akong natataeng ewan na lumapit sa kanila dahil sa kaba sa kung anong balak gawin ni Caden para gumanti sa akin.

"Binibining Pia, ito ang aking nakababatang kapatid na si Juliet." nakangiting pagpapakilala sa akin ni Caden kay Pia.

"Magandang gabi sa iyo, Binibining Juliet. Ikinagagalak kong pormal kang makilala." nakangiting pagbati ni Pia sa akin.

OMG ang ganda niya talaga!

"Magandang gabi rin, Binibining Pia." bati ko sa kaniya pabalik.

"Ginoong Caden, nakita ko na si Binibining Juliet kaninang umaga kasama si Kuya Fernan sa may palengke." saad pa ni Pia kaya napatangu-tango si Caden.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now