XXIX

4.3K 359 7
                                    

Juliet

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang hindi pa rin ako makaisip ng tamang words na sasabihin para ibalik kay Niño 'tong letter niya. Napakapa ako sa bulsa ng pula kong saya na pinasadya ko talagang palagyan ng bulsa para hindi na laging nawawala ang panyo ko. Nakapa ko naman 'yung letter ni Niño na kanina ko pa pinapractice kung paano ibabalik.

Nandito na kami ngayon sa bahay ng mga Fernandez at dito 'yung reception ng kasal nila Pia at Alejandro. Nagsayaw na kanina 'yung bagong kasal at sina Don Federico at Pia at ang cute nila! Ngayon ko lang rin nakita si Alejandro at gwapo pala siya kaya naman pala grabe kiligin itong si Pia kahit na mabanggit mo lang ang pangalan ni Alejandro.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Fernan sa harap ako at inilahad ang kamay niya kaya napatingin ako sa paligid at nakitang may mga pares na nagpupuntahan sa dance floor.

Myghad, hindi ba puwedeng pass muna sa sayawan? Hindi ba sila napapagod na tuwing may occasion ay may sayawan?

Siyempre kahit na nagrereklamo ako sa utak ko, eh binigay ko pa rin ang kamay ko sa nakalahad na palad ni Fernan at pumunta na kami sa dance floor.

Hindi pa nagsisimula 'yung tugtog at nakapabilog kami. Nasa inner circle ang mga lalaki na nakaharap sa mga babae na nasa outer circle.

Tumingin-tingin ako sa paligid at nagulat nang makitang sa right ni Fernan eh nandoon si Niño, bale nasa left ko siya at ang babaeng katapat niya. Nagkatinginan kami sandali pero agad ko ring inalis ang tingin ko sa kaniya.

Nagulat ako nang sabay-sabay na pumalakpak nang isang beses ang mga lalaki at nagmove sa harap ng partner ng lalaki sa left nila kaya halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang si Niño na ang nasa tapat ko. Hinintay ko pang pumalakpak sila ulit nang isang beses para magmove pero hindi na nabago ang position nila pati ang position ng kamay nila na 'yung left hand eh parang nakalahad pa galing sa pagpalakpak nila kanina.

Napatingin-tingin ako sa paligid at nakitang si Andong ang nasa right Niño at biglang nagsimula ang tugtog. Nakita kong ipinatong nung partner ni Andong ang kamay niya sa left hand ni Andong kaya ganoon nalang din ang ginawa ko.

Shocks! Mukhang magiging great pretender na naman ang peg ko sa sayawang 'to, ah.

Habang nagsasayaw, hindi talaga ako tumingin kay Niño at focus lang ako sa panggagaya ng steps. Mahirap na at baka mabuking ang pangongopya ng lola niyo.

"Hindi ko kayang palampasin ang isang araw na hindi man lang nasisilayan ang kagandahan mo."

Napailing-iling ako at trying hard pa ring huwag tumingin kay Niño.

Bakit sa dinami-rami ng araw, ngayon ko pa naalala 'tong alaalang 'to?!

Napakasinungaling ng heneral na 'to.

Hindi raw pala kayang palampasin ang isang araw na hindi ako nakikita eh ilang buwan kaya siyang nawala, buti buhay pa siya.

Nang masanay na ako sa paulit-ulit na steps ay nilibut-libot ko nalang ang paningin ko sa sayawan. Nakita ko naman sa right ni Andong bale sa bandang left ko si Angelito Custodio. Grabe, halos araw-araw yata kaming magkasama noon sa pagamutan nung pumapasok ako pero ito na ang pinakamalapit na encounter ko sa kaniya.

Si Angelito Custodio ang isa sa mga doktor sa pagamutan na tumutulong ako. Chika ni Josefina eh 24 years old palang siya at mahusay raw mag fencing o eskrima. Popular din daw siya pagdating sa mga babae pero dahil likas na tahimik at halos walang kibo, wala pang nagiging girlfriend dahil hindi naman daw at mukhang wala naman daw balak manligaw sa iba dahil may gusto na raw 'to na hindi naman yata siya gusto.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now