XXII

4.8K 379 28
                                    

Juliet

"Madali kang matuto." nakangiting saad ni Pia habang pinagmamasdan akong tahiin 'yung panyo gamit 'tong sewing machine na makaluma.

Maaga akong sinundo ni Pia sa amin kasama ang kutsero at karwahe nila. Sobrang simple lang talaga ni Pia. Mahinhin siya pero palabiro, ang close na nga namin agad kasi kahit pa ang demure at feminine niya talagang kumilos eh may pagka-pilya rin siya na hindi ko inexpect.

Kanina pa rin niya ako inaasar sa kuya niya at kinukulit na ano raw ang pinaka-romantic na ginawa nito sa akin. Tumawa nalang ako sa pangungulit niya dahil hindi ko naman masabing hindi ko talaga boyfriend 'yung kapatid niya dahil napagkamalan lang kami kasi ang judgmental ng mga tao rito kasi siyempre, magiging awkward ang atmosphere kapag bigla ko nalang spinill na misunderstanding lang ang lahat.

Sa totoo lang, madaldal si Pia kahit pa mahinhin siya at akala mo eh 'di makabasag pinggan. Mukhang tahimik lang talaga siya kapag maraming tao pero kapag kayong dalawa lang, grabe!

Nakuwento na yata niya ang buong buhay niya sa akin. Nabanggit niyang 27 years old ang Kuya Miguel nila na wala pa ring balak mag-asawa. Sinubukan na raw nilang kumbinsihin pero wala pa raw talaga 'yon sa plano niya. 24 years old naman si Fernan, 23 years old siya, 22 si Manuel at 10 naman si Mateo. 36 years old daw si Doña Juana na nanay nilang lima nang ipanganak si Mateo at hindi raw talaga nila inaasahang masusundan pa si Manuel.

Nang matapos ko na 'yung panyo, pinakita sa akin ni Pia kung paano magburda at sinundan ko naman ang bawat ginagawa niya. Halatang sanay na sanay na siya dahil kahit pa mabilis siyang magburda eh maganda pa rin, hindi katulad ko... ang bagal na nga, pangit pa.

Napatingin ako sa binurda niya atsaka nakita 'yung burdang 'Alejandro'.

"Sino si Alejandro?" tanong ko na mukhang ikinagulat niya atsaka namula. Nako, mukhang may something sila ng Alejandro na 'to, ah.

"Siya ang aking kasintahan." nahihiya't kinikilig na sagot niya kaya kinilig na rin ako.

Halata sa mga mata niyang inlove na inlove siya sa Alejandrong 'to. At mukhang sobrang saya rin niya dahil nga tinakda na silang ikasal next month.

Pagkatapos kong magburda, pinagmasdan kong mabuti 'yung naburda ko na 'Fernan'

Hmm... parang ang empty.

Nagburda ako ng smiley face sa tabi ng pangalan niya at pinagsisihan din pagkatapos dahil ang ewan na tuloy huhu. Nilapag ko nalang 'yun sa mesa atsaka nag-unat. Grabe, nakakapagod din pala 'to.

"Maaari ko ba kayong maistorbo sa inyong ginagawa?"

Nagulat ako nang makarinig ng nagsalita mula sa likod namin kaya agad akong napalingon. Si Fernan!

"O-Oo naman, kuya." sagot ni Pia na parang natataeng ewan na ngayon at trying hard itago 'yung binurda niya.

Napangiti naman nang mapang-asar si Fernan nang mapansing tinatago ni Pia 'yung binurda niya kaya lumapit pa siya sa kapatid.

"Maaari ko bang makita ang iyong ginagawa, mahal kong kapatid?" Ngiti niya na dahilan para makita ko ang cute niyang dimple.

"Ginawan ka ni Juliet!" biglang pasa ni Pia ng atensyon ni Fernan sa akin na mukhang ikinagulat at ipinagtataka ni Fernan.

Wait, OMG! Ang pangit nga pala ng gawa ko, waaaah!

Itatago ko pa sana 'yung panyong inilapag ko kanina sa mesa nang hablutin na agad 'yun ni Pia at inabot nang mabilisan kay Fernan. Inasar pa niya kami bago tuluyang magmadali paalis. Walang hiyang Pia 'to huhu.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now