XI

6.2K 438 89
                                    

Juliet

"Nais kong mag-aral ng medisina." biglang sabi niya kaya napatingin na ulit ako sa kaniya.

Gusto niyang mag-aral ng medisina pero... sundalo siya ngayon. Paano nangyari 'yun? Medic ba siya sa troop nila? Pero heneral siya. Imposibleng doktor siya sa gyera.

"Ngunit ang pangarap ko'y maging isang mabuting anak na maipagmamalaki ni Ama kaya... pinili kong mag-aral ng abogacía upang sumunod sa mga yapak niya. Maaga akong nag-aral kaya't maaga akong nagtapos ngunit hindi ko rin naman inaasahan na sa gyera ako mapapadpad at hindi sa korte pagkatapos kong mag-aral."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nasama ako sa digmaan ng mga Katipunero laban sa mga Espanyol pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral ng abogacía. Ang sabi ko noo'y sumama lang ako panandalian pero hindi inaasahan at... naging pangarap ko na rin ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Maaaring hindi ako purong Pilipino ngunit tumatak sa aking pagkatao ang unang labanang nasaksihan ko. Kung saan ako unang nakakita ng taong napatay, kung saan ako unang nakapatay, at kung saan ko nasaksihan ang pagbubuwis ng buhay ng aking mga kababayan para sa kalayaan ng aking bayan."

Napahawak ako sa ilong ko pagkatapos niya magsalita.

Grabe, feeling ko nagtatalumpati siya sa harap ko ngayon. Hindi ba siya naging bayani sa present? Pakiramdam ko ang laki ng role na ginampanan niya sa kasaysayan.

"Matanong ko lang, ikaw ba ang pinakabatang heneral?" tanong ko.

Dalawa lang kasi sila nung heneral na type niya 'yung kilala kong batang heneral sa panahong 'to at according kay Caden, mas bata si Niño roon sa isa pang heneral.

Natawa siya bigla.

"Hindi, binibini." sagot niya na ikinagulat ko.

May mas bata pa sa kaniya?!

"Siguro'y ngayon mo palang maririnig ang pangalan niya pero isa siya sa mga mas nakababata sa akin. Mas bata siya sa akin nang ilang buwan at kilala siya bilang ang Batang Heneral, si Heneral Goyo."

"Goyo?"

Tumango siya.

"May mga sabi-sabi na paborito siya ng Señor Presidente, siya si Gregorio del Pilar."

"Gregorio del Pilar? 'Yung pamangkin ni Marcelo H. del Pilar?!" gulat na tanong ko.

OMG! May naabutan pa akong bayani sa panahong 'to!

"P-Paano mo siya nakilala, binibini?" tanong ni Niño kaya napatingin ako sa kaniya at mukhang nagtataka siya't kilala ko si Gregorio del Pilar.

Actually, alam ko lang na namatay siya sa Tirad Pass. Siyempre, as a student na hindi interesado sa history, kinabisado ko lang 'yung mga importanteng information na lalabas sa test. Kasi kahit gaano ko man pilitin 'yung utak kong maging interesado sa mga bagay na nangyari sa past, laging naghahanap ng excuse ang mga brain cells ko na hindi maki-cooperate. Buti pa brain cells nung iba kong kaklase nung elementary at high school, grabe at kabisado ang talambuhay ng mga bayani!

"Uhm... narinig ko lang kung saan. Siya ba ang pinakabatang heneral?" tanong ko.

"Ayan ang pagkakamali ng karamihan. Hindi si Goyo ang pinakabatang heneral ng Señor Presidente kundi si Manuel Tinio mula sa Nueva Ecija. Mga dalawampu't dalawang taong gulang palang yata siya ngayon."

Dalawampu't dalawang taon?! 22 years old lang at heneral na?! Jusko, magkasing-edad lang kami pero bakit wala akong kuwenta sa bayan?

Pero... Manuel Tinio? Parang hindi ko naman narinig sa discussion 'yun o sadyang tulog lang ako no'n.

Way Back To YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu