LXX

2.9K 295 7
                                    

Juliet

Halos mabaliktad ko na ang buong kuwarto sa paghahanap pero hindi ko pa rin makita 'yung mga papel na pinagsusulatan ko ng mga nangyari sa akin dito sa 1899.

Patulog na ako nang maisipan kong magsulat ng mga nangyari recently atsaka ko narealize na wala na 'yung mga papel sa lamesa.

"Diary ba?" tanong ni Caden na nakasandal sa pinto ng kuwarto ko.

"Hindi nga." sagot ko at iniangat ang mattress ng kama.

"Pinagsusulatan mo ng mga nangyari sayo, hindi pa diary ang tawag mo roon?"

"I-It's more of a journal, okay?"

"Journal, diary, what's the difference?" sabi ni Caden na nakapagpatigil na naman sa akin sandali dahil nakakatuwa talaga kapag nag e-English siya huhu. He looks and sounds so sophisticated.

"Adelina, hindi mo ba talaga napansin na nawawala 'yun?" tanong ko kay Adelina na naghahanap din ngayon sa ilalim ng kama. Napaharap naman agad siya sa akin nang marinig niya ang tanong ko pero agad ding napayuko.

"A-Akala ko po, b-binibini... dinala n-niyo noong u--umalis kayo..." nanginginig na sagot niya kaya ngayon naku-konsensiya na ako dahil mukhang pinagbibintangan ko siya.

"Hay, hayaan mo na nga. Baka nilipad o tinangay ng ibon. Maiwan mo muna kami ni Ca—Kuya Caden." sabi ko.

"Tinangay ng i—??" react pa sana ni Caden pero agad ko siyang pinandilatan ng mata with matching sakyan-mo-nalang-o-ibabalibag-ko-sayo-tong-lamesa-ko look kaya agad niyang tinikom ang bibig niya hanggang sa makalabas si Adelina. Agad ko naman siyang hinatak nang makababa na si Adelina at sinara ko ang pinto.

"Anong iniisip niya? May kinalaman ba siya sa pagkawala ng-ng... journal ko?"

"Journal?" nang-aasar na sabi niya dahil gusto niyang sabihin kong diary 'yun para maprove niya ang point niya na diary 'yon.

"Diary naman talaga 'yon." sabat niya and here goes mambabasa ng utak Caden again.

"Ni hindi nga siya nasa notebook??" depensa ko.

"Then it's neither a diary nor a journal."

Natigilan ako sandali nang mag-English na naman siya at nagulat ako nang ngumiti siya nang mapang-asar.

"Tingin mo hindi ko alam na kinikilig ka kapag nag e-English ako?" Pitik niya sa noo ko kaya napahawak agad ako rito atsaka ko siya binato ng unan.

"Ang kapal! Natutuwa lang ako, hindi kinikilig." sabi ko at tumawa lang siya nang masalo ang unan ko.

"Ano na nga kasi 'yung iniisip niya? May kinalaman ba siya?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" pang-asar na tanong niya at nagcross-arms pa habang yakap ang unan ko.

"Well... importante sa akin 'yun." sagot ko.

"Juliet, hindi ako may ganitong abilidad para sabihin kung kani-kanino ang naririnig ko." pang-aasar pa niya lalo kaya sinimangutan ko nalang siya.

"Okay." sabi ko at nag-gesture na lumabas na siya ng kuwarto ko. Nilapag niya ang unan sa kama kung saan ako nakaupo atsaka ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kuwarto.

"Huwag ka nang lalabas, ah. Gabi na." rinig ko pang sabi niya bago isara ang pinto.

Humiga na ako at umikot-ikot sa kama ko para humanap ng puwesto pero wala akong mahanap na puwesto kaya tumayo nalang ako at lumabas sa terrace.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko kaya naisip ko sandali lang ako rito. Magpapalamig lang para presko ang tulog ko mamaya.

Actually... kaya ko biglang naalalang magsulat ng mga nangyari sa akin dito sa past ay dahil balak ko ring magsulat ng letter para kay Niño. Simula kasi nang bumalik ako rito sa bahay ay hindi ko pa siya nakikita ulit. Gusto ko sana siyang kamustahin.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now