XX

4.8K 383 7
                                    

Juliet

"Tapos na po ba?" tanong ko kasi kanina pa inaayos ni Manang Felicitas ang buhok ko.

"Sandali na lamang po, binibini." sagot ni Manang.

"Onting tiis nalang po, binibini." dagdag pa ni Adelina.

"Kailangan po ay maganda kayong tignan sa harap ng inyong mamanugangin." sabi ni Manang kaya bigla akong napatayo dahilan para lumugay ulit ang buhok ko at 'yung mga magarang pang-ipit nalang ang maiwan.

Mukhang nagulat si Manang sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang siya.

"Ah, hehe... mahuhuli na po kami. Mauna na ako." sabi ko at tumakbo na palabas ng kuwarto ko at pababa sa hagdan atsaka dumiretso sa karwahe kung nasaan naghihintay si Caden.

Ghad! Ano ba kasing mamanugangin pinagsasabi nila.

Pagdating sa Hacienda Fernandez, mainit kaming sinalubong ng nga tao or should I say, 'mainit na sinalubong ng mga tao si Caden' kasi siya lang naman ang binabati tapos puro 'ito ba ang kapatid mong nagmula sa Inglatera?' at puro tango at 'magandang gabi' lang naman ang sinasabi at ginagawa ko.

Nang makahanap ng tiyempo ay pasimple akong umupo sa isang bakanteng upuan kasi nangangalay na talaga ako. Pagkarating na pagkarating namin ay nakikipagchikahan na si Caden tapos OP naman ako kaya mas okay na umupo nalang ako.

Nagulat ako nang may umupo isang bakanteng upuan lang ang pagitan sa akin at paglingon ko, nakita ko si Manuel.

"Magandang gabi sa iyo, binibini." mahinhin na bati niya habang nakangiti na akala mo eh hindi ako iniwan nung kailan lang.

"Magandang gabi ka riyan, eh iniwan mo nga ako sa gitna ng gubat nung kailan." pagtataray ko kaya bahagya siyang natawa.

"Nakasama mo naman ang iniibig mo, binibini." Ngiti niya at mukhang nang-aasar pa.

'To talagang lalaking 'to, kung hindi lang 'to mahinhin kanina ko pa sinapok 'to, eh.

Agad akong napalingon sa gitna nang humarap na roon ang mga tao. Mukhang magsisimula na 'yung party.

"Naku, patay." biglang sabi ni Manuel kaya napalingon ako sa kaniya.

"Magkita nalang tayo muli mamaya, binibini." nagmamadali at natatarantang takbo ni Manuel palayo.

Huh? Saan pupunta 'yun, eh nagsa-start na?

Tumayo nalang ako at naki-usyoso roon sa tinitignan ng mga tao at nakita si Don Federico na tatay ni Fernan sa gitna.

"Maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan." nakangiting simula niya at halata sa mukha niyang tuwang-tuwa talaga siya dahil marami ang pumunta para samahan siya sa birthday niya.

Nagsalita pa siya ng kung anu-ano pero hindi na ako nakapag-pay attention kasi nahagip ng mata ko si Manuel na tanging naglalakad dito sa loob ng mansion ng mga Fernandez at pasimple siyang umakyat sa malawak na hagdan paakyat.

OMG! Magnanakaw ba si Manuel?? Tapos grinab na niya 'tong opportunity na 'to para makapagnakaw kasi abala ang lahat na ni wala ngang mangahas gumalaw dahil lahat ng mga mata at tainga ay kay Don Federico nakatuon?!

Hahanapin ko sana si Caden para isumbong si Manuel kaya lang biglang nagpalakpakan ang mga tao. Wait, what? Anong meron?

"Malugod kong ipinapakilala sa inyo ang aking panganay na si Miguel." nakangiting saad ni Don Federico at may bumaba mula sa hagdan na matangkad at matipunong lalaki.

Grabe 'yung tindig niya, iba rin. Parang may librong nakapatong sa ulo niya.

"Naging abala siya ngayong taon sa Maynila ngunit nagbalik na siya ngayon rito sa San Sebastian upang tulungan ako sa pamamalakad ng hacienda." dagdag pa ni Don Federico at bumati't nakipagkamay si Miguel Fernandez sa mga tao.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now