XVIII

5.1K 408 16
                                    

Juliet

"Akala ko ba sa kabilang barrio lang? Bakit tayo magbabangka?" tanong ko na nakasakay sa bangka habang tinutulak nilang tatlo 'yung bangka papunta sa tubig.

Nang mapunta naman na sa tubig 'yung bangka ay sumakay na rin sila sa loob.

Kanina pa kami naglalakad kaya nagtataka ako bakit kailangan pa naming sumakay sa bangka.

Sampung bundok ba ang pagitan ng mga barrio sa isa't isa?

"Mas maganda ang tanawin mula rito, binibini." sagot ni Andong at may kinalikot sa ilalim ng inuupuan niya. Sina Niño at Fernan naman ang nagsasagwan.

Nagulat ako nang biglang magliwanag ang paligid at nakitang ang daming floating lanterns.

"Woah..." nasabi ko nalang at hindi ko na naalis ang tingin ko sa mga floating lanterns.

Ang dami nila kaya nagliwanag nang husto ang paligid. Ganito pala kaganda ang mga 'to.

Napalingon ako sa tatlong itlog dahil tumigil 'yung dalawa sa pagsagwan. Nagulat ako nang makitang may hawak na silang mga lanterns. Kasalukuyang sinisindihan ni Andong 'yung isa at inabot 'yun kay Fernan at kumuha ulit ng isa pang walang sindi at binigay kay Andong para sindihan.

Inabot ni Fernan kay Niño 'yung unang may sindi at inabot naman 'yun sa akin ni Niño.

"Tinatawag itong kongming sa bansang Tsina. Una itong nagamit noong ikatlong siglo ng mga sundalo upang humingi ng tulong kapag napapalibutan na sila ng mga kalaban. Kinalaunan ay ginamit na rin ito sa mga karatig bansa at sinusulatan ng kahilingan ng mga tao sa paniniwalang mababasa ito ng kanilang Diyos sa kalangitan." kuwento ni Niño pagkaabot ko sa lantern.

"So, susulatan ko 'to ng kahilingan ko?" tanong ko at tumangu-tango siya bilang sagot.

"Fernan, pahiram ng iyong pluma." sabi niya at naglabas naman ng pluma mula sa satchel niya si Fernan at inabot ito kay Niño.

Nasindihan na lahat ng lanterns at nagsusulat na sila ng kani-kaniyang mga kahilingan sa lanterns nila.

Inabutan ako ni Niño ng pluma at nagsimula na rin siyang magsulat ng wish niya.

Hmm... ano bang wish ko?

Ah! Gusto ko nang makabalik sa present!

Nagsusulat palang ako ay tapos na sila kaya sinilip nila 'yung sa akin pero agad kong tinakpan 'yung sinusulat ko.

Bahagyang natawa si Niño nang takpan ko 'yung lantern ko.

"Hiniling mo ba na sana'y umuwi ako nang ligtas mula sa mga gyerang kabibilangan ko upang matagal mo pa akong makasama, binibini?"

Pang-aasar lang 'yon ni Niño at obvious namang nagjo-joke lang siya pero natigilan ako.

Parang may kung anong kirot sa puso ko nang marinig ko 'yun mula sa kaniya.

Hindi magtatagal at mamamatay siya sa isang digmaan.

Napatitig ako kay Niño na nakangiti ngayon sa akin. Napakaganda ng mga ngiti niya, 'yung tipong hihilingin mo nalang na sana lagi nalang siyang nakangiti nang ganito kapag nakita mo ang mga ngiti niyang 'to. Niño is so pure and beautiful.

Napatingin ako sa sinusulat ko at nakitang 'sana' palang ang nasusulat ko. 'Yung dapat na 'sana makabalik na ako sa kasalukuyan' ay pinalitan ko ng 'sana magbago ang kasaysayan' at pinalipad ko na sa ere ang sky lantern ko katulad ng ginawa ng tatlong itlog na kasama ko.

"Bakit nga pala may ganitong okasyon sa barriong 'to?" tanong ko habang pinagmamasdan 'yung mga lanterns.

"Halos puros tsino ang nakatira sa barriong ito, binibini at tuwing pagkatapos ng pista ng San Sebastian ay nagpapalipad sila nito upang humingi ng kahilingan sa kanilang Diyos na dinarayo rin naman ng mga taga-ibang barrio." sagot ni Andong.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now