II

9.6K 549 77
                                    

Juliet

"Woah..." lang ang lumabas sa bibig ko nang makapasok na kami sa gate ng mansion nitong si Caden habang nakasakay sa karwahe. Pagkababa namin ng barko, sinalubong kami ng karwahe at pupunta na raw kami sa bahay ni Caden.

"Hacienda Cordova ang tawag ng mga tao sa lugar na ito at dahil nandito ka ngayon bilang kapatid ko, sa atin ang buong haciendang ito. Ang tatay natin ay si Don Horacio Cordova at ang nanay natin ay si Doña Faustina Allerton-Cordova na ngayon ay parehong nasa Inglatera. Kalahating Kastila at kalahating Pilipino si Don Horacio, Kastila ang tatay niya at Pilipina ang nanay niya samantalang si Doña Faustina ay may amang Briton at inang Kastila." explain ni Caden at napatangu-tango naman ako kahit hindi ko masyadong maalala kung ano ang mga lahi nila. Ang dami kasi, eh.

"So, okay lang na... gamitin ko 'yung totoong pangalan ko rito?" tanong ko.

"Wala naman na tayong magagawa. Nakilala ka na nila bilang Juliet dahil sa kwintas mo." sagot niya atsaka tinignan ang kwintas ko kaya napahawak ako rito. Parang kasalanan pa ng kwintas ko, eh.

"Oo nga pala, pupunta tayo sa handaan ng mga Enriquez mamayang gabi kaya ipapaasikaso kita kay Adelina. Isa siyang kasambahay na magiging tagapagbantay mo."

"Tagapagbantay? Hindi ko kai—"

"Madalas akong wala kaya't kailangan kong makasiguro na wala kang gagawing kahibangan habang wala ako." putol niya sa sasabihin ko at tinignan ako na para bang isa akong malaking delubyong sisirain ang buong 19th century kapag naiwang mag-isa.

"Okay, pero... bakit kailangan pang pumunta roon sa Enriquez chuchu na 'yun? Hindi ko naman kilala 'yun." tanong ko.

"'Yung nakasayaw mo, siya si Enrique Enriquez y Sebastian. Alam mo pangalan ng bayang 'to? San Sebastian. Kung ayaw mong ma-issue, sumama ka nalang." sagot niya na may pagtataray ang tono.

"Hindi ko gets. Ano naman kung kapangalan niya 'yung bayan?" kunot-noong tanong ko.

Napafacepalm si Caden.

"Kung sa modern day, ang pangalan niya ay Enrique Sebastian Enriquez. 'Yung lolo ng lolo ng nanay niya ang isa sa mga nakadiskubre sa bayang 'to at pinagtulungan nilang paunlarin at gawing bayan. Makakapangyarihang tao sila sa bayang 'to kaya isang karangalan ang maimbitahan sa bahay nila at kahihiyan ang tanggihan sila kaya huwag ka nang makulit." mahabang paliwanag niya sa akin.

"Pero gusto ko nalang mamasyal." sagot ko.

Boring naman. Pupunta pa sa party na 'yon, eh puwede namang magsight-seeing. Ang ganda kaya ng Pilipinas sa panahong 'to! Napakafresh.

"Huwag kang mag-alala, marami ka pang araw na gugugulin para sa pamamasyal dahil baka mga dalawang taon tayo rito." Ngisi niya.

Agad akong napalingon sa kaniya, halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat.

"ANO?!" pasigaw na tanong ko na bumasag sa katahimikan ng paligid.

Biglang tumigil ang karwahe.

"May problema po ba, Señor Caden?" tanong ng kutsero.

"Wala. Magpatuloy ka lang." sagot ni Caden at ibinalik ang tingin sa akin.

"Huwag ka ngang maingay. Ang ingay mo na nga sa utak mo, ang ingay mo pa rin sa totoo." kunot-noong sabi niya at hinimas-himas ang tainga niya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now