XIV

6K 446 43
                                    

Juliet

"Señorita, gising na po ba kayo?" rinig kong tawag ni Manang Felicitas mula sa labas ng kuwarto ko.

Nakasilip ako ngayon sa bintana ng kuwarto at nagmumuni-muni.

Ang tagal ko bago nakatulog kagabi at ang aga kong nagising kaya naligo na agad ako at nag-ayos. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala namang orasan dito sa kuwarto ko pero hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako kanina.

Pagkagising ko feeling ko ang lungkot ko bigla. Hindi nga ako makatulog kagabi sa kilig dahil kung anu-anong naiimagine kong kaharutan tapos paggising ang lungkot nalang. Baka naho-home sick lang ako. Bigla ko kasing naalala na ginigising ako ni Tita Mommy tuwing umaga dahil hindi talaga ako nagigising mag-isa pero ngayon... nagising ako nang maaga na ako lang. Siguro nag a-adjust na rin 'yung katawan ko matutong mag-isa kasi sa panahong 'to, wala naman akong kasama.

"Ah, opo." sagot ko naman at bumukas ang pinto.

"Magandang umaga po, Señorita. Nakahanda na ang almusal sa baba. Ipinag-utos po ni Señor Caden na saluhan namin kayo sa pagkain dahil baka raw po naninibago kayo lalo pa't kararating niyo lang po rito sa Pilipinas." sabi ni Manang kaya tumayo naman na ako at bumaba para kumain.

Ang bait naman pala ni Caden. Ramdam ko na concern siya sa akin at kahit na wala siya, eh inaalala pa rin niya ako.

"Malungkot po ba kayo, Señorita?"

Nagulat ako nang marinig si Adelina at doon ko lang narealize na nakatulala lang pala ako habang hawak 'yung pandesal.

"Gusto niyo po ba ng ibang pagkain, binibini? Sabihin niyo lang po at paglulutuan ko kayo."

Napalingon ako sa babaeng nasa tabi ni Manang Felicitas. Medyo mataba siyang babae at kayumanggi ang balat. Alam ko siya 'yung tagaluto rito sa bahay.

"Ah, hindi na po." sabi ko at kumain na.

Napalingon kaming lahat sa isa pang tagapagsilbi na pumasok sa hapag-kainan.

"Señorita, may bisita po kayo sabi ng mga guardia. Pinapasok na po siya at naghihintay na sa iyo."

"Makakapaghintay iyon, kumain ka muna nang marami binibini." sabi ni Manang kaya kumain na nga muna ako pero agad din akong nagmadaling kumain nang maalala kong sinabi ni Niño kagabi na magkikita kami ngayon.

Pagkatapos kumain, dumiretso agad ako sa sala.

"Hen—" tawag ko sana pero ibang tao ang sumalubong sa akin.

"Magandang umaga, binibini." bati ni Koronel Fernan kaya sinilip-silip ko pa ang paligid niya at nawalan na ng pag-asa nang masiguradong siya lang mag-isa.

"Halika na," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Saan naman kami pupunta?

"Maraming magagandang bulaklak sa aming hacienda at dahil ikaw naman ang kasama ko'y hahayaan kitang pitasin ang anumang bulaklak na nais mo." sabi niya at inalalayan akong bumaba sa malawak na hagdan paglabas ng bahay.

Oo nga pala, inutusan siya ni Don Luis ipasyal ako sa hacienda nila.

Tinulungan muna niya akong sumakay sa karwahe nila atsaka siya sumakay at umupo sa tabi ko. Nang umandar na 'yung karwahe, napansin ko 'yung salamin na nakasabit sa uniporme niya kasi umalug-alog 'yun at nagrereflect 'yung ilaw na galing sa labas.

Sandali ko siyang pinagmasdan habang nakatingin siya sa labas ng bintana.

Tingin ko sa kanilang tatlo, siya 'yung genius. Or ewan baka kasi nakita ko lang 'yung salamin niya pero mukhang siya 'yung pinakamatino at laging nag-iisip muna bago umaksyon. I mean matino naman sina Niño at Andong pero kapag nakita mo kasi sila parang si Fernan 'yung pinakamature magsalita at kumilos. 'Yung dalawa kasi madalas pang makulit tapos si Fernan 'yung tipong iiling nalang habang natatawa sa kalokohan ng mga kaibigan niya although siya 'yung kaibigan na hindi KJ at sasamahan pa rin 'yung mga kaibigan niya sa mga trip nila.

Way Back To YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt