XLV

3.8K 322 5
                                    

Juliet

"O siya, mauna na kami. Gracias por la deliciosa cena, Señora Cordova." (Thank you for the delicious dinner, Mrs. Cordova.) ani Don Luis na nasa labas na ng bahay namin habang nandito kami sa may pintuan.

Nagpaalam na rin si Doña Isabela pati na sina Padre Ernesto at Niño na sa karwaheng ginamit ni Niño sumakay. Bago sila tuluyang umalis ay binigyan ako ng kita-tayo-mamaya look ni Niño habang may ngiti sa mga labi.

Hay, 'yung ngiti niya talaga ang bumubuo sa araw ko.

Nang makaalis na ang mga karwahe nila ay pumasok na kami sa loob. Pinangaralan pa ako sandali ni Ina tungkol sa pagtanggap at paghatid sa bisita at hinayaan na rin niya akong magpahinga. Jusme. Simula rin noong maconfirm ang kasal namin ni Niño ay araw-araw na akong may Tips How To Be A Good Wife with Doña Faustina Allerton-Cordova.

Kaloka, parang gusto ko na magback-out sa pag-aasawa huhu. Ang daming dapat matutunan, tinalbog ang pre-med at med years ko!

Pagkaakyat ko sa kuwarto ko ay naabutan ko roon si Adelina na inaayos ang kama ko. Tuwing makikita ko yata siya rito sa loob ay laging siyang nag-aayos ng kama ko, jusko.

"Magandang gabi po, binibini." bati niya at bumati rin naman ako pabalik.

"Umalis na po ba ang mga Enriquez?" tanong niya at um-oo naman ako habang hinahanda ang ipampapalit kong pantulog at ipantatakas kong damit mamaya.

"Binibini..." tawag ni Adelina kaya napalingon ako sa kaniya.

"P-Pansin ko lang po na... hindi na kayo nakakapagsulat sa mga ito nitong mga nakaraang araw." saad niya habang tinuturo 'yung sinusulatan ko ng mga nangyari sa araw ko rito sa 1899.

"Ah, oo nga pala! Salamat sa pagpapaalala, Adelina. Magsusulat ako mamaya." nakangiting sagot ko sa kaniya at nagbigay-galang naman siya bago lumabas ng kuwarto ko.

Lagi kasi akong nakikita ni Adelina na nagsusulat dati tuwing nag-aayos at naglilinis siya rito sa kuwarto ko kaya siguro nagtataka siya kasi hindi na ako nagsusulat recently.

Naglinis ako ng sarili ko at nagpalit na ng pantulog at dahil mga isang oras pa naman bago dumating si Niño ay umupo muna ako sa tapat ng lamesa kung nasaan nakapatong ang sinusulatan ko. Nandito pa rin ang letter ko para kay Trisha at sa tulong nito, nat-track ko kung pang ilang araw ko na sa taong 'to.

Ngayon ay ikatlong araw ng Agosto, taong 1899. Pang-65 na araw ko na sa taong 'to at sa huling araw na ng Setyembre ang kasal namin ni Niño. Hindi ko alam kung ano pa ang mga puwedeng mangyari pero sana, sana lang... maging maayos lang ang lahat.

Inupdate ko ang sinusulat ko at pagkatapos ay nagpalit na ng damit. 10PM lagi dumadating si Niño kaya maya-maya ay malamang darating na rin 'yun.

Nang makarinig ako ng tunog ng kuwago ay sumilip ako sa terrace at nakita na si Niño. Ayun ang signal niya para lumabas na ako. Actually, kung hindi niyo alam na si Niño ang gumagawa ng tunog na 'yun ay hindi niyo aakalain na tao lang ang gumawa ng tunog na 'yun dahil gayang-gaya niya talaga. Dahil din sa pinauso niya sa aking tunog ng owl na 'yun ay nalaman kong 'Kuwago' ang nom de guerre niya o pangalan niya sa gyera at sa Katipunan.

Pagkababa ko ay dire-diretso ako sa pinto sa may kusina at laking gulat ko nang muntikan na akong mabunggo kay Caden na nakatayo pala roon.

"C-Caden... hehe... a-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sabay lunok dahil sa kaba.

Gosh! Bakit gising pa siya?

Nakacross-arms lang siya habang nakaharang sa nakasarang pinto ng bahay namin at nakapantulog na.

Way Back To YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora