LIV

3.4K 313 11
                                    

Juliet

"Actually—este—sa katunayan, noong bata ako... pakiramdam ko wala akong silbi sa mundo. Isang pagkakamali." I honestly answered.

Biglang kumunot ang noo ni Niño sa sinabi ko. Malamang hindi niya maisip kung bakit naman ganoon ang naramdaman ko, eh magulang ko sina Don Horacio at Doña Faustina na sobrang babait na mga tao.

Dahil nga natanong ko sa kaniya ang tungkol sa pagiging sundalo niya na naging topic namin na eventually napunta sa childhood niya, siya naman ang nagtanong sa akin tungkol sa childhood ko.

"Bakit naman?" tanong niya na mukhang hindi pa rin maisip at maintindihan kung bakit ganun ang childhood ko.

Well, Niño... ampon lang kasi ako ng tito ko na tinatawag kong Tito Daddy at ng asawa niyang si Tita Mommy. Maagang nabuntis ang nanay ko sa akin kaya naman iniwan niya ako sa kapatid niya at hindi na bumalik.

Lumaki akong puno ng pagmamahal mula sa mga kinilala kong magulang kahit na wala ang totoo kong nanay pero kahit na hindi nagkulang bilang magulang sina Tito Daddy sa akin, siyempre minsan nararamdaman at naiisip ko pa rin na may kulang sa pagkatao ko. Kagaya nalang ng sino ang nanay ko, sino ang tatay ko, anong itsura nila, may purpose ba ako sa mundong ito o talagang aksidente lang ako, pagkakamali na kung puwedeng baguhin ay babaguhin nila... mga ganung tanong. Dagdag pa na lumaki rin akong tinutukso ng mga kaklase, ibang bata at mga tao na ampon lang, na hindi ako mahal ng mga magulang ko at kung anu-ano pa.

"Hmm... madalas kasi akong matukso ng ibang mga bata dati." sagot ko nalang.

"Bakit naman nila tinutukso ang isang napakagandang tulad mo? Alam mo binibini, nagsisimula na akong magtaka sa kung anong klaseng pag-iisip mayroon ang mga Briton para tuksuhin ka nang ganoon." saad ni Niño na tinawanan ko nalang.

"Siguro ganoon lang talaga ang ibang mga bata. Mahilig manukso." sagot ko.

"Binibini, nararamdaman mo pa rin bang... wala kang silbi sa mundo? Kasi sinasabi ko sa iyong hindi 'yon totoo." sabi pa niya.

"Salamat, Niño atsaka... hindi naman na. Sobrang tagal na rin naman nun."

"Matanong ko lang, binibini... paano mo nalagpasan ang mga pag-iisip na 'yon? Tinulungan ka ba ni Ginoong Caden? O ng iyong mga magulang?" tanong ni Niño kaya napaisip ako at naalalang may kaibigan sina Tito Daddy at Tita Mommy na laging pumupunta sa bahay at kinakausap ako.

"Naalala ko... may kaibigan sina Ama at Ina noon na laging sinasabi sa akin na lahat ng tao ay may mahalagang ginagampanan. Alam ko madalas niyang sabihin 'yon kaya naman hindi ko makalimutan kaya naging okay—este—maayos naman na ako." sagot ko.

"Nais kong magpasalamat sa kaniya dahil sa pagtulong sa iyo. Maaari ko bang malaman kung sino siya?" tanong ni Niño.

"Uhm... hindi ko na kasi talaga masyadong maalala. Sobrang bata ko pa rin nun." sagot ko kaya napatangu-tango nalang si Niño.

Bigla tuloy akong nacurious doon sa lalaking 'yun. Sino nga ba 'yun? Bakit hindi ko na siya maalala? Ghad, brain! Pati ba naman ibang tao in real life hindi mo na rin maalala? Malala na talaga 'tong utak ko.

Napalingon ako kay Niño nang maramdaman kong bahagya siyang ngumiti.

"Bakit? May nakakatawa ba?" tanong ko.

"Naalala ko lang kasi noon na madalas ding may magsabi sa akin na malayo ang mararating ko at malaki ang gagampanan kong papel sa mundong ito." sabi niya na mukhang nire-reminisce pa 'yung mga moments na may nagsabi sa kaniya nun.

Habang tinitignan ko siyang nakangiti ngayon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako para sa kaniya dahil totoo namang malayo na ang narating niya at malaki ang ginampanan niya sa bayan dahil isa siyang heneral o malulungkot dahil bilang isang taong mula sa present na ilang taon ang layo mula rito, ni hindi ko man lang narinig ang pangalan niya kahit pa napakarami niyang kasamahan na naging bayani at isa pa... nakita ko kung paano siya namatay at posibleng ganoon pa rin ang kahahantungan niya sa pagkakataong 'to.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now