VIII

6.5K 448 69
                                    

Juliet

Unang araw ng Hunyo... ibig sabihin, June 1 ngayon at nasa taong 1899 kami. Kahapon ay May 31, 1899 so May 31, 1899 ako nakarating sa panahong 'to.

Napaayos ako ng upo at hindi maiwasang mag-isip. As a med student, isa akong alagad ng siyensya kaya nabobother talaga ako sa fact na nakapagtime-travel ako dahil lang sa isang relo. Atsaka akala ko nasa early 1800s kami pero nasa huling taon na pala kami ng 1800s tapos mag-1900 na. Ano kaya 'yung kailangang gawin ni Caden na kailangan pa niyang bumalik sa taong 'to?

Natigil ang once in a blue moon na pag-iisip ko nang malalim nang may magsalita sa harap ko.

"Magandang gabi, binibini."

Napatingala ako at nag-expect na si Heneral Enriquez ang bubungad sa akin pero mali ako.

Binata siya na may pagka-mestiso, siguro may lahi siyang Kastila. Mukhang kasing-edaran ko lang siya at mukha naman siyang harmless kaya hindi na ako nagtaray.

Wala na rin akong energy magtaray. Ewan ko ba, parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa masyado.

Oo nga pala, nasa bahay kami ng mga Enriquez. Kakatapos lang ng misa at halos lahat yata ng mga tao ay dito dumiretso. Siguro dahil si Don Luis ang... ano nga ulit 'yun? Alcalde mayor? Basta parang mataas na position sa bayang 'to.

"Ako nga pala si Manuel, binibini." nakangiting pagpapakilala niya.

Mukhang siyang mahiyaing binata. Ang calm kasi ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ang hinhin.

"Juliet." Ngiti ko pabalik sa kaniya.

"Maaari ba akong maupo sa tabi mo, binibini?" tanong niya.

"Ah... sige lang." sagot ko at umupo nga siya pero may pagitan na isang upuan na ikinataas ng kilay ko.

May sakit ba ako? Baka naman kung anu-anong chismis na tungkol sa akin ang kumakalat dito, jusko.

Tatanungin ko sana siya kung bakit ang layo niya sa akin nang bigla niya akong hilahin. Napatingin ako kung saan siya nakatingin at nakita si... sino nga ba ulit 'yun? Heneral... basta 'yung type ni Heneral Enriquez!

Pagkalabas namin ng mansion, agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at baka mapagkamalan na naman akong may boyfriend, jusko. Oo nga pala! Speaking of boyfriend, nasaan na kaya 'yung koronel na 'yun? 'Pag nakita ko talaga 'yun, yari siya sa akin at pinahamak niya ako!

Mukhang nagulat siya na hinawakan niya ako at napatingin sa kamay niya.

"P-Patawarin mo ako, binibini." sabi niya at sinenyasan ko nalang siyang okay lang.

"Ang totoo niyan ay... may nais makipagkita sa iyo." biglang sabi ni Manuel kaya napa at-sino-naman-'yun look ako sa kaniya.

"Malalaman mo rin mamaya, binibini." sagot niya at sinenyasan akong sumunod sa kaniya kaya sinundan ko na nga lang siya.

Bakit ba kasi laging may handaan sa bahay na 'to, eh. Wala pa yatang araw na hindi ako pumupunta sa bahay ng mga Enriquez simula nang makarating ako sa taon na 'to.

♤♤

Sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan naroon ang mga bisita sa Hacienda Enriquez-Sebatian, naroon ang tatlong binatang abala sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.

"Sigurado ba kayong ayos lang itong suot ko?" tanong ni Niño sa ika-pitong pagkakataon.

Nagpalit siya ng suot na uniporme. Ang kaninang asul ay pinalitan niya ng puti.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now