LV

8K 306 30
                                    

Juliet

Aaaaargh! Saan ko ba nalagay 'yun?

Tinaas ko ang bed sheet ng kama ko for the 10th time and again, hindi ko nakita 'yung kwintas ko.

"Juliet! Aalis pa ba tayo o mabubulok ka na riyan sa loob habang buhay?" rinig kong tawag ni Caden at bakas sa tono niya ang pagkairita.

Well... may lakad kasi ang mga thunders ngayon at ewan ko ba bakit nagkaroon din ng sariling lakad ang mga anak nila a.k.a. me, Caden, Hernandez children, Fernandez children, and Enriquez children.

Lumabas na ako ng kuwarto at nakita si Caden na nakasandal sa pader.

"Sa wakas!" sarcastic na sambit niya at sinamahan na akong bumaba papunta sa karwahe at umalis na kami.

"Kasama si Rosario?" halong gulat at inis na bulong ko kay Caden nang pagpasok palang namin sa kainan ay bumungad na sa akin sina Rosario at Niño.

"Well... you do see that she's here, don't you?" sabi lang ni Caden at naglakad na papunta sa kanila and wow... I didn't know Caden is way hotter in British accent.

Grabe, iba ang dating ni Caden kapag nagsasalita sa straight Filipino pero mas iba ang dating niya kapag nagsasalita sa English habang pinapanindigan ang pagiging isang Caden Allerton Cordova.

"Juliet!"

Napalingon ako sa tumawag at nakita si Pia kasama sina Alejandro, Kuya Miguel, Fernan, Manuel, Mateo, Rosario, Kuya Jose, Andong, Emilia, Niño, Padre Ernesto, at Caden na lahat ay nakatingin sa akin.

Ano pa nga ba kasing tinatayu-tayo ko rito sa gitna ng daanan ng kainan, jusko. Naglakad na ako papunta sa kanila at nagbatian naman ang lahat bago umupo sa mahabang mesa. Kani-kaniya kami ng usapan. Nasa dulo si Padre Ernesto, nasa kaliwa niya si Niño na katabi ako, katabi ko si Pia tapos si Alejandro, Manuel, Mateo, tapos sa katapat na dulo ni Padre Ernesto ay si Kuya Miguel na katabi sa kaliwa niya si Caden na katabi si Kuya Jose tapos Andong, Fernan, Emilia, Rosario, at si Padre Ernesto na ulit.

So bale katapat ni Niño si Rosario, katapat ko si Emilia, katapat ni Pia si Fernan and so on pero nagfo-focus talaga ako sa fact na katapat ni Niño si Rosario—I mean... 14 KAMING LAHAT DITO AT BAKIT SI ROSARIO PA ANG KATAPAT NIYA???

Come on, there's 38% chance na isang Fernandez ang makatapat niya, 23% na isang Hernandez, 15% na either sa amin ni Caden, at 8% kay Alejandro, 8% kay Padre Ernesto, at 8% kay Rosario AND STILL SI ROSARIO ANG NAKATAPAT NIYA. Sure akong pinagplanuhan 'to ng bruha. Tsk.

Habang kumakain, biglang gumalaw 'yung tasang may lamang sabaw na nasa tapat ni Rosario at bigla siyang tumakbo at kumapit sa braso ni Niño na nakapagpainit naman talaga sa ulo ko.

"May nagpaparamdam yatang espiritu, Niño. Natatakot ako." Kapit pa ni Rosario kay Niño kaya napabuntong-hininga ako.

"Natural lang na gumalaw 'yan, Rosario dahil mainit ang sabaw na nasa tasa mo at basa ang parte ng lamesang pinagpatungan mo. Dahil sa init, nagkakaroon ng steam sa pagitan ng tasa mo at ng lamesa. 'Yung liquid o tubig sa pagitan ng tasa at lamesa ay parang seal o selyo na nagsasara o kumokontrol sa galaw nito na malaki-laki ang kaugnayan sa surface tension." explain ko at nagtama ang tingin namin ni Caden at nakita kong napapailing-iling nalang siya na para bang hopeless na siya sa pinaggagawa at pinagsasabi ko.

Napatingin ako sa mga tao sa lamesa namin at pakiramdam ko alien na ang tingin nilang lahat sa akin ngayon. Napalingon agad ang lahat nang biglang magsalita si Mateo.

"Tama si Binibining Juliet, Binibining Rosario kaya walang dahilan upang kumapit ka pa nang ganiyan kay Kuya Niño na ikakasal na nga pala sa katapusan, baka lang hindi mo pa naulinigan. Isa pa'y si Padre Ernesto ang katabi mo. Kung natatakot ka, hindi ba't dapat si Padre Ernesto ang takbuhan mo? Hindi naman nakakapagpaalis ng masamang espirito si Kuya Niño."

Way Back To YouWhere stories live. Discover now