LXIII

3K 304 4
                                    

Juliet


"Niño, gising na. Tanghali na, oh." sabi ko sa nakapikit pa rin na si Niño.

Tatlong araw na siyang nakahiga sa papag at ni isang kibo ay hindi pa niya nagagawa. Narinig ko mula kay Fernan na gustung-gustong pumunta ng mga Enriquez dito pero siyempre, pinigilan sila ni Fernan at in-assure nalang ni Fernan sa mga ito na ligtas si Niño para hindi na sila masyadong mag-alala.

"Hay, maglalaba muna ako ah. Dapat pagbalik ko gising ka na." sabi ko sa nakahigang si Niño at kinuha na ang bayong na dala ko na may maduduming damit ng mga sundalo rito.

Narinig kong nagpipigil ng tawa 'yung ilang mga sundalong nag-aalmusal dito sa loob kaya tinarayan ko sila.

"Binibini, hindi naman gigising ang Heneral kahit pa araw-araw mo siyang ganyanin." natatawang sabi nung isa.

"Che! At least ako may ginagawa, 'no." sagot ko pero tuloy lang sila sa pagtawa sa akin.

"At in-Ingles na naman tayo ng ating binibini." saad ni Eduardo na laging inuutusan nila Fernan at Andong kaya kilala ko. Natawa nalang din ako dahil nawala na naman sa isip kong ayusin ang pananalita ko pero lumabas na rin ako para maglaba.

"Nais mo bang tulungan kita, binibini?" Biglang sulpot ni Andong sa likod ko habang naglalakad ako. Nakaputing shirt lang siya at uniporme na pambaba. Nakatsinelas din siya dahil nilinisan niya 'yung bota niya kani-kanina lang.

"Hindi na, ilang araw ko na rin naman 'tong ginagawa. Sanay na ako." sagot ko.

Nagulat ako nang biglang may humablot ng bayong na hawak ko at nakita si Fernan na dala-dala na 'yung bayong at nauna na sa amin maglakad.

"Hoy! Fernan! Saan mo dadalhin 'yan?!" Angat ko ng saya ko at tumakbo papunta kay Fernan.

Natawa nalang si Andong at sumunod sa amin.

"Hindi ka pa ba nasasanay kay Fernan, binibini? Hindi 'yan magtatanong kung maaari siyang tumulong dahil basta nalang siya tutulong."

Oo nga naman. Madalas bigla nalang tutulong si Fernan kahit na hindi mo sabihing kailangan mo. Bakit pa ba ako nagtataka?

Pagkarating namin sa sapa ay nagsimula na agad maglaba si Fernan kaya tinulungan namin siya ni Andong. Naka-angat 'yung pantalon nila para hindi mabasa kaya naman kita ko 'yung hairy nilang legs. Yikes!

"Fernan, umamin ka nga. Mahilig kang magtanim, mag-alaga ng mga halaman, magluto, at ngayon... maglaba! Mayroon ka bang pusong babae?" biglang tanong ni Andong kaya naman hindi ko napigilan ang pagtawa ko kaya napalingon agad sa akin si Fernan pagka-alis niya ng tingin niya kay Andong.

"Hindi lang ako katulad mong barumbadong barako!" Tilamsik ni Fernan ng tubig kay Andong kaya mas lalo akong natawa sa kanila dahil mukhang sobrang shookt si Andong nang basain siya ni Fernan. Ang lamig pa naman ng tubig.

"Aba, namamasa ka, ah!" Ganti ni Andong at hinampas ng basang pantalon si Fernan kaya nabasa nang bongga 'yung shirt ni Fernan na dahilan ng pagbakat ng katawan niya sa shirt niya. Oh my...

"Ang dumi-dumi niyan, kadiri ka!" natatawang reklamo ni Fernan at hinagisan ng halos kulay putik nang damit si Andong sa mukha.

Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko sa kakulitan nilang dalawa kaya napatawa ako nang malakas. Napatingin sila pareho sa akin at I can sense trouble na huhu. Unti-unti silang lumapit sa akin with their playful smiles kaya naman unti-unti na akong lumayo.

"Andong... Fernan... malamig ang tub—"

Hindi na nila ako pinatapos magsalita dahil pinaulanan na nila ako ng tubig galing sa sapa kaya no choice naman na ako. Basa na, eh kaya gumanti nalang din ako.

Way Back To Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن