XXXIII

4.4K 362 48
                                    

Juliet

"Santa Maria, ina ng—"

Nahinto ang mga nagro-rosaryo nang may tumakbong lalaking nakapaa lang sa tapat namin at nagkaroon ng mga sigawan.

"Tabi! Tabi!"

Napalingon ang lahat sa likuran kung saan nanggagaling ang ingay at agad ding nagsiyukuan ang mga tao nang makakita ng mga armadong sundalo.

Omyghad, anong nangyayari?! Nilulusob na ba kami ng mga Amerikano???

Sumilip ako sa may butas ng sandalan ng upuan at nakakita ng sundalong nakasakay sa kabayo. Hindi ko makita 'yung ulo niya dahil nga nasa may butas lang ako ng upuan sumisilip pero WTH?! Bakit siya nagkakabayo sa loob ng simbahan??

"Dumaan sa likod!" rinig kong sabi ng isang sundalo.

"Sundan niyo!" utos ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako at nakita si Andong na inis na nagkakamot ng ulo. Mukhang may hinahabol sila at nakatakas kaya inis na inis si Andong.

"Ayos na po, pasensiya na po sa abala. Pasensiya na po." sabi naman ni Fernan na katabi lang ni Andong sa mga nagdadasal at nagsimula na ulit magsi-ayos ang mga tao rito sa simbahan.

Hindi naman linggo ngayon kaya walang misa pero sinamahan ko si Ina magrosaryo kaya nandito kami ngayon. Pagtayo ko, nakita ko naman agad si Niño na siya palang nakasakay sa puting kabayo.

Anong trip niya sa buhay at nagpasok siya ng kabayo sa simbahan?

Nagtama ang mga tingin namin at nakita kong medyo nagulat siya nang makita ako pero agad ko ring nasilayan ang ngiti sa mga labi niya.

Nagrosaryo na ulit si Ina at ibabalik ko na rin sana ang tingin ko sa harap pero ewan ko ba at lumingon pa ulit ako sa likod at tinignan si Niño. Bumaba siya mula sa kabayo niya at akmang maglalakad papunta sa direksyon ko nang humarang sina Andong at Fernan at isa pang sundalo sa view at may sinabi sa kaniya.

Para namang giraffe na humaba ang leeg ni Niño at natanaw ko na ulit ang ulo niya. Nagtama ulit ang mga tingin namin, ngumiti siya ulit at kumaway pa.

"Huy, Niño?" tawag ni Andong pero hindi siya pinansin ni Niño kaya sinundan niya ang tingin nito at nakita niya ako.

Bumati naman siya sa akin atsaka binalik ang tingin kay Niño at sumenyas kay Fernan sabay turo sa direksyon ko gamit ang nguso niya kaya tumingin sa akin si Fernan pati 'yung isa pang sundalo. Napailing-iling nalang si Fernan atsaka napakamot sa ulo.

"Hindi ba natin hahabulin ang magnanakaw?" tanong ni Fernan kay Niño pero nilagpasan lang siya ni Niño at naglakad papunta sa direksyon ko.

"Niño," tawag ni Andong.

"Magdasal muna tayo." sabi ni Niño habang naglalakad palapit nang hindi pa rin nawawala ang eye contact namin. Ngumiti pa siya habang pataas-taas ang kilay atsaka pinagdikit ang mga palad niya nang makarating siya sa upuan sa likod ko at lumuhod. Natatawa naman akong humarap na sa altar.

Taimtim pa ring nagdadasal si Ina, samantalang ako... nevermind hehe!

"Panginoon, sana po'y ipagpaubaya niyo na sa akin ang dalagang nasa harapan ko ngayon."

Sinilip ko muna si Ina atsaka lumingon kay Niño na napaka-outspoken magdasal. Ngumiti siya atsaka nagwink pagkalingon ko sa kaniya. May saltik din talaga 'to eh.

Natatawa nalang ako habang napapailing-iling at ibabalik na sana ulit ang atensyon sa harap nang may magsalita mula sa likod ko.

"Heneral Niño, nandito lang po pala kayo. Pinapasamahan po sayo ni Don Buencamino si Señorita Rosario." bulong ng tagapagsilbi kay Niño na rinig na rinig ko naman.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now