III

8.5K 544 115
                                    

Juliet

"Bakit gano'n? Ang ba-bata pa nila pero mga heneral na sila?" tanong ko kay Caden pagka-andar ng kalesa.

"Impluwensiya ng pamilya." simpleng sagot niya kaya napatangu-tango nalang ako.

Grabe, kahit pala sa panahong 'to uso na ang connections.

"Pero mahuhusay din naman sila kung tutuusin." biglang bawi ni Caden sa sagot niya.

"Dalawampu't tatlong taong gulang si Heneral Enriquez at kapansin-pansin ang kahusayan niyang pamunuan ang mga sundalo rito sa San Sebastian. Dalawampu't limang taong gulang naman si Heneral Guillermo na kakaangat lang ng ranggo tatlong buwan palang ang nakalilipas. Mas onti nga lang ang kanilang karanasan sa ibang mga mas nakatatandang heneral pero mahuhusay silang mga sundalo para sa kanilang edad."

Hindi nagtagal at huminto na rin ang kalesa at inalalayan ako ni Caden bumaba.

Oh. My. Gosh. Bahay ba 'to? Parang sinaunang hotel na 'to sa sobrang laki, eh! Tapos ang daming tao.

Napatingin ako sa paligid at nakitang ang daming nakapalibot at nakatingin sa amin.

"Siya ba 'yong anak nila Don Horacio't Doña Faustina?"

"Aba'y, ka-gandang dalaga! Bakit ngayon lang inuwi rito ang dilag na iyan?"

"Huwag ka ngang maingay at baka malintikan tayo sa kuya."

"Mukhang magiging popular ka sa panahong 'to, ah." pabulong na asar ni Caden at naglakad na kaya sumunod ako sa kaniya.

Naumpog ako sa likod niya nang bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin.

"'Yung pamaypay mo?" Bulong niya kaya napakapa ako sa saya ko at napapikit nang marealize na wala nga palang bulsa 'to at malamang kung saan ko na naman naiwan 'yung pamaypay. Hindi naman kasi ako sanay magdala-dala ng gano'n, eh.

Napailing-iling nalang si Caden at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Narinig naman na siguro niya 'yung iniisip ko kaya hindi ko na kailangang sabihin pa.

Ang cool din pala na may kasamang nakakabasa ng isip, eh, 'no? Effortless communication!

Pagkapasok na pagkapasok palang ay may kumausap na agad kay Caden at ako? Ito, OP. Out of place.

"Siya ba ang iyong kapatid mula Inglatera?"

Napalingon ako nang marinig ko 'yun at medyo lumapit sa kanila kasi sinenyasan ako ni Caden.

"Opo. Siya si Juliet, isang mag-aaral ng medisina sa Inglatera." sabi ni Caden kaya nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yun.

Alam niyang med student ako??

Nagkatinginan kami ni Caden at pasimple siyang tumango, ibig sabihin alam nga niyang magiging doktor ako... kung makakagraduate ako sa susunod na taon.

"Magandang gabi sa iyo, Binibini." bati nung may edad nang lalaki na kausap ni Caden.

"Magandang gabi rin po sa iyo." Ngiti ko na mukhang ikinatuwa naman niya.

Biglang may dumating na lalaking nakaputing pansundalong uniporme— heneral na naman ba 'to?

Dahan-dahan akong tumingala para makita kung sino 'yung nakisali sa usapan nila at nakilala 'yung lalaki na si Heneral Enriquez. Nakaputi siyang uniporme at nakasumbrero ng pang-heneral. White military peaked cap.

Grabe, nakakadagdag pogi points din pala talaga ang uniporme sa mga lalaki. Plus points din na heneral siya sa batang edad.

"Mga ginoo, ikinagagalak kong nakadalo kayo sa munting salu-salong inihanda ng aming pamilya." sabi ni Heneral Enriquez kay Caden at sa kausap niyang lalaki pagkatanggal niya ng sumbrero niya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now