XXXII

4.5K 363 43
                                    

Juliet


"Binibini,"

Napalingon ako at nakita si Niño na palapit sa akin.

Omyghad, bakit ngayon agad? Hindi pa ako ready mag-explain!

Aalis na sana ako pero pinigilan niya agad ako kaya no choice, hinarap ko na siya.

"Gusto ko lang sana malaman kung bakit parang iniwasan mo ako. Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong niya at napahinga nalang ako nang malalim.

Shocks, hindi ko alam na mapapa-explain pala ako right away after ko malaman 'yung totoo huhu. Anyway, mas okay naman sigurong sundin ang advice ni Manuel kaysa habang buhay akong umiwas, right?

"T-Tungkol nga pala doon... gusto ko humingi ng pasensiya." simula ko.

Wooh! Hindi 'sorry' ang nasabi ko, achievement!

"Yung... liham kasi na pinadala mo noon bago ka umalis, hindi ko naintindihan kasi hindi naman ako nakakaintindi ng Spanish—este—Espanyol." pag-amin ko na mukhang ikinagulat niya.

"Kung gayon, p-paano... paano mo—"

"Ayun nga, pinabasa ko kasi sa isang tao na sure akong nakakaintindi ng Espanyol pero iba 'yung nasabi niya sa akin kaya... akala ko ayaw mo na talaga akong makita." putol ko sa itatanong niya.

"Nung sinabi mo lang kanina 'yung tungkol doon sa liham, doon lang ako nagtaka kaya pinabasa ko kay Manuel at doon ko lang nalaman 'yung totoong sinabi mo. Ito pa nga 'yung salin niya oh, tignan mo. Tama ba?" tanong ko at inabot 'yung translation ni Manuel ng letter niya. Binasa naman niya 'yun at hindi agad nakapagsalita.

"Ito... ito mismo ang ibig kong sabihin sa liham ko at mukhang mahusay talagang magsalin si Manuel." nasabi niya na mukhang amazed na amazed sa translation ni Manuel.

Well, sabi nga ni Don Federico nung birthday niya, mamamahayag daw si Manuel at narinig kong writer din siya kaya hindi na ako nagtataka kung magaling talaga siya pagdating sa mga paper and pen stuff.

"At... ipagpaumanhin mong sa wikang Espanyol ko isinulat ang aking liham para sa'yo, binibini. Mula ngayon ay sa wikang Tagalog na ako magsusulat upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari." sorry niya at nginitian ko nalang siya.

"Oo nga pala, maaari ko bang malaman kung kanino mo unang tinanong ang salin ng aking liham at ano ang sinabi niya?" tanong niya at ang seryoso ng mukha niya ngayon.

OMG. Kailangan ko ba talagang sabihin? Pero baka awayin niya si Heneral Guillermo? Ayoko magcause ng gulo sa panahong 'to!

Pero nakakainis naman talaga 'yung ginawa ni Heneral Guillermo at bakit ba niya kasi kailangang gawin 'yun? Atsaka... mukhang hindi naman basagulero 'tong si Niño, mukhang gusto lang talaga niyang malaman at wala siyang gagawing eskandalo kaya...

"Si Heneral Guillermo. Sinabi niya sinabi mo lang daw doon sa liham na... ayaw mo na akong makita pa. Pero! Baka namisunderstood—este—hindi lang niya masyadong naintindihan kaya iba 'yung pagkakaintindi niya sa liham." sabi ko pero nanatiling seryoso ang mukha niya lalo pa nung narinig niya ang pangalan ni Heneral Guillermo. Patay.

"Sinabi ko naman sa iyo na lumayo ka sa taong iyon, binibini. Natatakpan ng makapal na maskara ang kaniyang totoong mukha. Isa siyang lobong nagbabalat-tupa." sabi niya at 'yung tono niya eh parang binabalaan ako.

Teka, nasabi niya na rin 'to dati, eh. Ano bang meron kay Heneral Guillermo at lagi niyang sinasabing nakamaskara 'yun?

Napatingin ako kay Niño at nakitang sobrang seryoso na ng mukha niya ngayon kaya nag-isip ako ng topic na magpapagaan ng mood.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now