XLIX

3.7K 322 31
                                    

Juliet

Pagkatapos ng trabaho ko sa pagamutan ay nagulat ako nang makita si Fernan sa labas.

"Oh, Koronel Fernan! Kamusta na si Pia? Maayos na ba siya?" tanong ko.

"Oo. Salamat sa pagtingin sa kaniya kanina, binibini." sagot niya.

"Wala 'yun! Bakit ka nga pala napadaan dito?"

"Pinatawag na naman kasi si Niño kaya ako na raw muna ang maghatid sa iyo sa inyong tahanan." sagot niya.

"Ah... ayos na, Koronel! Kaya ko naman ang sarili ko. Atsaka malapit lang naman ang bahay namin dito." sabi ko.

"Ngunit ipinagbilin sa akin ng aking heneral na ihatid ka, binibini." sagot niya sa akin kaya hinayaan ko na.

As far as I know, kapag order ng nakatataas sayo ay hindi ka puwedeng tumanggi kaya sumakay na nga kami sa karwaheng dala niya.

"Nais pala kitang batiin sa iyong nalalapit na kasal." saad ni Fernan nang umaandar na ang karwahe.

Magkatapat kami at nakatingin lang ako sa bintana dahil... medyo na-aawkwardan ako kay Fernan. I mean, wala naman akong anything against sa kaniya kaya lang 'di ba dati kasi parang bigla niyang dinistance 'yung sarili niya sa akin kaya natatakot akong baka bigla na naman siyang magganoon or iparamdam na may barrier pa rin talaga sa pagitan namin.

"Salamat." sagot ko nalang.

♤♤♤

Pagkatapos magpasalamat ni Juliet sa pagbati ni Fernan sa nalalapit niyang kasal ay binalot na muli ng katahimikan ang karwahe. Nakadungaw si Juliet sa bintana habang nakatingin sa kaniya si Fernan nang hindi man lang niya namamalayan dahil abala siya sa pag-iisip kung dapat ba siyang magsalita upang mabasag ang katahimikan o manatili nalang na tahimik sapagkat baka tipirin lang din siya ng sagot ng binata.

Nanatiling kalmado ang puso ni Fernan hanggang sa pumasok sa isip niyang ito na ang huling pagkakataon niyang makausap ang dalaga nang walang malisya dahil sa susunod na buwan ay ikakasal na ito sa kaniyang matalik na kaibigan kaya naman agad siyang nag-isip ng maaaring sabihin.

"Kamusta ka nitong mga nakaraang araw?" Basag niya sa katahimikang namamayani sa loob ng karwahe.

Dahil dito'y napalingon sa kaniya si Juliet, may halong pagkagulat na pilit itinatago ng dalaga.

'OMG! Is this real? Kinamusta ako ni Fernan?' naisip ng dalaga habang iniisip kung paano siya sasagot. Pahahabain ba niya ang diskusyon o sasagot nalang ng 'ayos lang.'

"M-Mabuti naman... ikaw?" sagot ng dalagang napagpasyahang pahabain ang kanilang pag-uusap.

"Maayos lang. Maganda sa Dagupan, sigurado akong iku-kuwento ni Pia sa iyo ang mga nasaksihan namin doon pati na ang mga handaang aming pinuntahan kaya naman hindi ko na siya pangungunahan." sagot ng binata.

"Maayos ba ang takbo ng pagamutan ni Angelito?" tanong pa nito.

"Maayos naman. Mahusay na manggagamot si Ginoong Angelito kaya naman natutuwa sa kaniya ang mga nagpapagamot at may sakit. Mabait din siya't matulungin kaya nakakatuwa rin talaga siyang makasama sa trabaho." sagot ni Juliet.

"Oo nga pala, binibini... nais ko sanang humingi ng kaunting oras mo." wika ni Fernan na nakapagpakunot ng noo ni Juliet.

"Bakit? Para saan?" tanong ng dalaga.

"Nais kitang dalhin sa isang magandang lugar." ani ng binata at agad namang napapayag si Juliet nang marinig ang 'magandang lugar' kaya pinabago na ni Fernan ang daan nila sa kutsero.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now