XV

5.4K 407 27
                                    

Juliet

"Sarado naman." dismayadong sabi ni Andong nang makarating kami sa tapat ng isang malaking gate.

Nasa loob pa rin kami ng Hacienda Fernandez at dito 'yung sinasabi ni Niño at Fernan na maganda nga raw.

Jusko pagkatapos ng mga 15 minutes na paglalakad namin, sarado naman pala. May balat yata ako sa puwet.

"Wala ka bang susi riyan, Fernan?" tanong ni Niño kaya umiling-iling naman si Fernan.

"Na kay Ama ang susi sa mga pribadong taniman at hardin dito sa hacienda." sagot niya.

Napatingin nalang ako sa mataas na gate.

Ano kayang nasa loob at kailangan pang ilock? Sabi nila maganda raw so... baka magaganda at mamahaling mga bulaklak.

"Maganda ba talaga ang nasa loob niyan?" tanong ko at tumangu-tango ang tatlong itlog.

"Sayang lang at sarado pero huwag kang mag-alala, binibini dadalhin ulit kita rito." saad pa ni Niño pero bakas sa mukha niyang malungkot siya dahil hindi niya maipapakita sa akin ngayon.

"Gusto kong makita ngayon." sabi ko kaya napatingin silang tatlo sa akin at binigyan ako ng what-are-you-talking-about-nakita-mo-na-ngang-sarado look.

Lumapit na ako sa gate at itataas na sana ang pagkahaba-haba kong saya nang maalalang mga lalaki nga pala 'tong kasama ko.

"Tumalikod kayo." utos ko na mukhang ipinagtaka nila pero sumunod pa rin sila at tumalikod na nga.

Nang sure na akong hindi na sila nakatingin, eh nag ala-Spiderman na ako sa gate para makapasok.

Oy! Hindi ako badass katulad ng iniisip niyo, ah! Kaya ako natuto mag-ganito kasi may pagka-ulyanin ako sa mga gamit ko lalo na sa maliliit na bagay kaya lagi kong nawawala o nakakalimutan 'yung susi ko kaya instead na gisingin pa sina Tita Mommy at Tito Daddy na mahimbing nang natutulog kapag gabi na akong umuuwi, inaakyat ko nalang 'yung gate namin.

Nang nasa tuktok na ako at tatawid na sa kabila, eh bigla akong nalula dahil narealize ko lang na ang taas pala ng gate na 'to.

Saktong pagkatawid ko, eh lumangon si Andong sa akin at napasigaw.

"Binibini! Anong ginagawa mo riyan? Baka mahulog ka!"

Dahil sa sigaw ni Andong ay agad na ring napalingon 'yung dalawa at mukhang magsasalita rin kaya inunahan ko na sila.

"Tumalikod nga kayo sabi, eh! Hindi ako mahuhulog, sanay ako sa mga ganitong bagay."

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko, oh no! Mali yata naconclude nila sa sinabi ko.

"Kawatan ka ba, binibini?" halong gulat at nagtatakang tanong ni Fernan.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin... uhm... madalas akong tumakas kaya... basta ayun! Tumalikod na kayo at bababa na ako." sagot ko at nakita ko ang pagbabago ng expressions sa mga mukha nila.

Natatawang napailing-iling nalang sila habang tumatalikod.

"Mukhang mahihirapan kang umakyat ng ligaw dito, Niño." pailing-iling na sabi ni Fernan at natatawa pa rin pero hindi ko narinig dahil mahina lang ang pagkakasabi niya, parang kay Niño lang talaga niya gusto iparinig.

"May pagkapilya itong sinisinta mo, tsk tsk tsk." natatawa ring sabi ni Andong na hindi ko rin narinig dahil nagbubulungan sila.

Dinalian ko nalang bumaba atsaka sila tinawag. Nagsi-akyatan na rin naman sila pagkatawag ko at mas mabilis silang nakaakyat kasi ang hahaba ng legs nila at tumalon nalang sila pababa nang makatawid na sila sa gate.

Way Back To YouKde žijí příběhy. Začni objevovat