XLVI

3.6K 311 2
                                    

Juliet

Mahal ko ba siya?

Aaaargh! Mababaliw na ako kakaisip.

"Aray!" daing ng pasyente ko kaya nabalik ako sa realidad.

Omyghad! May ginagamot nga pala akong napilayan.

"P-Pasensiya na..." sabi ko at tinuloy na ang pagbenda sa braso niya.

Pagkatapos ay nagpaalam na akong aalis na dahil masama kuno ang pakiramdam ko which is partly true rin naman dahil hindi ako nakatulog nang maayos at puyat talaga ako. Pagkauwi ko ay nakita ko agad si Caden sa may sala at may kausap na mga kabusiness niya yata. Nang makita niya ako ay mukhang nagtaka siya kaya nagpaalam siya sandali sa mga kausap niya at lumapit sa akin.

"Bakit ang aga mo? Mamaya pa kita susunduin, ah." sabi niya. Siya kasi dapat ang susundo sa akin mamaya dahil may pinuntahan si Niño na trabaho ngayon at speaking of Niño, awkward na kami for the rest of the night kagabi. Nakakastress alalahanin.

Bakit kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya?

"May pancit pa bang niluto ko kaninang umaga? Nagugutom ako." tanong ko kay Caden.

"Umuwi ka para kumain? Atsaka wala na. Inubos ko na." sagot niya kaya tumango nalang ako at aakyat na sana nang pigilan niya ako.

"Sandali lang." sabi niya at bumalik sa sala. Kinausap niya ang mga kausap niya kanina tapos nagkamayan sila at hinatid niya sa may pinto atsaka siya naglakad na papunta sa akin.

"Anong problema?" tanong niya pagbalik kung nasaan ako.

"Wala."

"Halika nga." sabi niya. Umakyat kami sa kuwarto ko at tumambay sa terrace.

"Ano ba ang tinanong niya?" tanong niya na ikinagulat ko pero narealize ko rin na nababasa nga pala niya ang nasa utak ko.

"Well... tinanong lang naman niya ako kung mahal ko siya." sagot ko.

"Tapos?"

"Hindi ko alam ang isasagot. Kaya ayun, naging awkward tapos iniba nalang niya ang topic."

"Eh, bakit balisa ka? Iniisip mo 'yun?"

"Siyempre."

"Kung hindi mo siya mahal, hindi ka magkakaganyan."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang huling sinabi niya.

"So... mahal ko siya?" tanong ko.

"Malay ko sayo."

Agad ko siyang sinimangutan. Akala ko naman alam niya.

"Paano ko nalalaman? Eh, puso mo 'yan?" sabi niya. Oo nga pala, nababasa niya ang iniisip ko.

Napabuntong-hininga nalang ako. Paano ko kaya haharapin si Niño next time? Sana naman hindi na kami awkward.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa paligid at halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita si Niño sa baba. Ghad! Namamalik-mata ba ako o siya talaga 'yun?? Kinusot ko sandali ang mata ko atsaka tinignan siya ulit.

Siya nga.

Nakablue na uniform siya ngayon at may dalang bayong. Teka, bakit siya may dalang bayong?

Nang magtama ang mga tingin namin ay agad namang kumurba ang mga labi niya at as usual, sandali na naman akong napa-day dream dahil sa mga mata niyang akala mo'y laging kumikislap sa ganda.

"Wala ka bang balak babain?"

Napalingon ako kay Caden atsaka narealize na oo nga naman, bakit hindi ko siya babain?

Way Back To YouWhere stories live. Discover now