LXIX

3.2K 306 16
                                    

Juliet

"Manuel!"

Bumaba agad ako ng hagdan nang makita si Manuel at nang makarating ako sa kaniya ay agad ko siyang niyakap. Ilang seconds din akong nakayakap sa kaniya nang marealize ko na parang nao-awkwardan siya.

"Oh—uhm... I'm sorry—"

Kakalas na sana ako sa yakap nang bigla siyang yumakap pabalik kaya napabalik ako sa dibdib niya.

"Nagagalak din akong makita kang muli, binibini." nakangiting sabi ni Manuel pagka-alis namin sa hug.

"Teka, bakit ka pala napadaan?" tanong ko.

"Nais sana kitang kamustahin, binibini. Nag-alala ako nang mabalitaan kong pumunta ka raw sa labanan upang manggamot sa mga sugatang sundalo ngunit kasabay ng pag-aalala ko ay ang paghanga ko sa'yo. Salamat sa pagtulong kanila Kuya Fernan, binibini." sagot niya at naramdaman ko nalang na parang nagme-melt ang puso ko dahil sa pagpuri niya sa akin. Grabe, feeling ko tuloy ang bait-bait ko na huhu.

"Ay, maupo ka pala muna, Manuel." aya ko sa kaniya maupo at uupo na rin sana ako nang magsalita siya ulit.

"Sa katunayan ay nais kong maglakad-lakad dito sa inyong hacienda, binibini."

Biglang umatras ang puwet ko sa upuan nang marinig ang sinabi niya at tumayo na ulit ako nang maayos.

"Ah, sige ba. Tara!" sabi ko at ni-lead siya palabas.

"Kamusta ka, binibini? Nasaktan ka ba roon sa labanan? Ayos ka lang ba noong naroon ka?" tanong niya at halata sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.

"Hindi naman ako nasaktan doon at mababait naman ang mga sundalong kasamahan nila Niño." sagot ko.

"Mababait?" tanong niya na para bang may paghihinala sa tono niya kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Bakit?"

"May isang traydor sa mga iyon ngunit... wala naman na siya ngayon dahil pinat—"

"Traydor? OMG! Alam mo 'yung tungkol doon? SSSHHHH!" Takip ko sa bibig niya at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang magkalapit na puno.

Sinandal ko siya sa puno atsaka lumingun-lingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa kaniya. Nang wala naman akong nakita ay binalik ko na ang tingin ko sa kaniya na tinatakpan ko pa rin ang bibig at nakitang sobrang pula niya.

OMG! Allergic ba siya sa punong pinagsandalan ko sa kaniya?!

Agad ko siyang hinala palayo sa puno at pinagpagan siya.

"Ayos ka lang ba? Sobrang pula mo! Ma—"

"A-Ayos lang ako, binibini. Huwag kang mag-alala at... ligtas naman ang sikretong iyon sa akin." sagot niya at bahagyang ngumiti.

"Pero teka... may sinabi ka kaninang wala naman na 'yung traydor? Nahuli ba siya nila Niño?" tanong ko at mukhang nabigla siya sa sinabi ko kaya nabigla rin ako sa reaction niya.

"Nahuli nga nila Niño yung traydor?! Kinulong ba siya kaya sinabi mong wala na siya?" sabi ko habang mukhang confused pa rin si Manuel kaya hindi pa rin siya sumasagot.

"Huy!" Tapik ko sa kaniya kahit pa nakatingin siya sa akin dahil hindi siya sumasagot.

"O-Oo, binibini. Tama ka... k-kinulong... kinulong ang traydor na iyon." Yuko niya. Natuwa naman ako dahil naserve ang tamang parusa roon sa traydor.

"Dapat lang, jusko! Alam mo ba sa lugar kung nasaan ako... simula nang maupo 'yung bagong presidente, sobrang higpit na ng batas kaya maraming natuwa pero 'yun pala hindi magiging patas ang batas. 'Yung mga mahihirap kahit hindi pa napapatunayan na may kasalanan ay pinapatay na kaya maraming inosenteng buhay ang nawala samantalang sa mga mayayaman, kahit napatunayan nang may ginawang masama—nagnakaw, pumatay, nanggahasa—nakakalaya pa rin at 'yung iba ay hindi pa nga nakukulong. Lalo na 'yung mga masasamang pulitiko, myghad! Ang ka-kapal ng mukhang mangurakot ng pera ng bayan tapos kahit na nakulong na at lahat, ang ka-kapal pa rin ng mga mukha! Tatakbo pa ulit kapag eleksyon at ang masaklap, nananalo pa rin!"

Way Back To YouWhere stories live. Discover now