LII

3.3K 300 7
                                    

Juliet

"Juliet? Hindi ka pa ba tapos?" rinig kong katok ni Caden mula sa labas ng kuwarto ko.

Wooh! Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako yung may birthday huhu.

Tinignan ko pa ulit ang pang-ipit na binigay ni Andong sa akin kahapon na nakaipit ngayon sa buhok ko at tumayo na.

Walang rason para kabahan, Juliet. Hindi ikaw ang may birthday, huwag kang feeler.

Lumabas na ako ng kuwarto at sumalubong naman sa akin si Caden na nakasandal sa pader habang nakacross-arms, mukhang kanina pa naghihintay.

"Tagal, ah." sabi niya at umalis na sa pagkakasandal atsaka ako inalalayan bumaba ng hagdan. Pagkapasok namin sa karwahe ay nandoon na sila Ama at Ina.

"Did you prepare a nice gift for General Enriquez?" nakangiting tanong ni Ina pero bakas sa mukha niya ang mga katagang 'you better say yes.'

Tumangu-tango naman ako at mukhang nakahinga na nang maluwang si Ina. Gets ko naman na ayaw niyang mapahiya or something pero ayaw ko rin naman mapahiya kay Niño, 'no!

Kinapa ko ang lalagyan ng singsing sa bulsa ko at nakampante na rin nang maramdaman 'to.

Pagkarating sa bahay ng mga Enriquez ay halos wala na akong madaanan na maluwag sa dami ng tao. Napakaraming naka-amerikang mga lalaki at napakarami ring kababaihan. Agad din akong nahiwalay kanila Ama, Ina, at Caden dahil may mga nakabingwit agad sa kanila pagkapasok palang namin at dahil ayaw ko namang ma-OP ay naglakad-lakad ako sa kabila ng dami ng tao.

Kasabay ng dami ng taong dinadaanan ko ay ang mga pangyayaring bigla ko nalang nakita sa utak ko. Bigla akong nahilo sa dami ng tao at kung anu-ano ang biglang pumasok sa utak ko.

Nakaputing uniporme si Nino. Nakayuko siya kasama ang mga kasamahang sundalong naka-asul na uniporme habang hawak-hawak ang mga mahahaba nilang baril at riple at kani-kaniya ng mga pagputok ng baril. Samut-saring putok ng mga baril ang umaalingawngaw sa paligid.

"Nandito ka lang pala."

Gulat akong napalingon sa nagsalita at natumba ako sa pagkabigla nang makita siya.

"B-Binibini, ayos ka lang ba?" Pag-alalay niya sa akin tumayo at dahil napakaraming tao ay mukhang wala namang nakapansin sa pagtumba ko sa lapag.

"A-Ayos... ayos lang." sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Patawarin mo ang paghawak ko sa iyo, nais lang sana kita tulung—"

"Ayos lang, naiintindihan ko." sagot ko agad habang hindi inaalis ang tingin sa suot niyang puting uniporme.

Napatingin naman siya sa suot niya atsaka ibinalik ang tingin sa akin.

"Bakit, binibini? May dumi ba sa aking kasuotan? Hindi ba maganda tingnan?" tanong niya kaya agad akong napailing-iling.

Hindi, Niño. Actually ang gwapo-gwapo mo ngayon sa puting uniporme mo kaya lang... hay, kung puwede ko lang sabihin.

"Hindi, Heneral. Sa katunayan ay napakaganda mong pagmasdan ngayong gabi." banat ko, trying hard balewalain 'yung nakita ko kani-kanina lang.

Nakita ko naman ang agad na pagpula ng mga tenga ni Niño atsaka napakamot sa ulo niya.

"S-Salamat sa iyong papuri, binibin—"

"Heneral! Narito ka lang pala! Kanina ka pa hinahanap ni Rosario." biglang sulpot ng isang payat na lalaki na may mukhang bagong-ahit na bigote. Sa likod niya ay biglang sumulpot si Rosario.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now