IX

6.2K 437 31
                                    

Juliet

"Andiyan lang siya sa tabi-tabi, binibini. Mauna na ako!" biglang sabi ni Manuel at tumakbo na palayo pagkatapos niya akong dalhin dito sa madilim at magubat na lugar.

"Teka, Manuel!" Habol ko pa sana sa kaniya pero mabilis siyang tumakbo kaya hinayaan ko na.

Napatingin-tingin ako sa paligid at agad na kinilabutan nang pumasok sa isip ko na... 'di kaya balak akong ipakain ni Manuel sa aswang?!

Hindi ako naniniwala sa mga gano'n pero ngayong nasa gitna ako ng madilim at masukal na gubat? Kahit sino naman siguro'y mapapa-isip na baka may kung anong nakakatakot dito.

Unti-unting nawala ang takot ko nang unti-unting magliwanag ang paligid dahil sa mga alitaptap pero 'yung comfort na 'yun ay napalitan ulit ng kaba nang maisip ko na kung hindi aswang... paano kung sa engkanto naman ako inalay ni Manuel?!

Halos atakihin ako sa puso nang makaaninag ng korte ng tao na palapit sa akin. Medyo malayo pa siya at madilim ang paligid, tanging ilaw lang ng mga alitaptap ang nagbibigay liwanag.

Tatakbo na sana ako palayo nang marinig ko ang pamilyar na boses na galing sa nakita ko.

"Binibining Juliet!" tawag niya kaya napalingon agad ako.

Unti-unti, mas naaaninag ko na siya at mas lumilinaw na sa akin ang itsura niya.

"Heneral Enriquez..." nasabi ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin at maliwang na sa akin na siya nga 'yon.

Napangiti siya at naramdaman ko na naman ang pagwawala ng puso ko. Ghad, heart! Stop it!

"Sinabi ko naman sa'yong tawagin mo nalang akong Niño." sabi niya na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi.

"Niño..." mahinang sabi ko at nakitang mas lumawak ang mga ngiti sa labi niya.

Dahil nakatingala ako sa kaniya, natanaw ko ang malaking puno ng mangga sa likod niya na may iilang bunga.

"Ah... oo nga pala, pasensiya na binibini kung pinaghintay kita pero kailangan na nating umali—"

"May mangga." nasabi ko nang wala sa sarili kaya natigilan siya sa sinasabi niya.

Pagbalik ko ng tingin ko kay Heneral Enriquez para tanungin kung ano ang sinabi niya, natanaw ko ulit 'yung mangga na nakasabit sa tangkay ng puno.

Napatingin-tingin ako sa paligid at nakakita ng mahabang sanga ng puno sa lapag kaya kinuha ko 'yun.

"B-Binibini... ano'ng binabalak mo?" narinig kong tanong ni Niño kaya humarap ako sa kaniya.

"Gusto mo rin ba ng mangga?"

Napalingon naman siya sa likod niya kung nasaan ang puno ng mangga.

Kinapa ko ang saya ko para kunin ang panyo na inipit ko para hindi na naman mawala pero dahil wala akong makapa, mukhang nawala ko na naman. Tsk.

"May panyo ka ba?" tanong ko kay Niño.

Kinuha naman niya ang panyo sa bulsa niya at inabot sa akin kaya tinali ko na 'to sa sangang hawak ko para maging panungkit.

Lumapit ako sa puno at sinubukang sungkitin 'yung pinakamababang bunga pero hindi ko abot.

Ang hirap naman maging maliit.

Napalingon ako kay Niño kaya napalingon din siya sa akin.

"Puwede mo bang sungkitin para sa akin?" tanong ko.

"Masiyado 'yang mataas kaya kahit ako, hindi 'yan masusungkit." sagot niya kaya napabalik ang tingin ko sa kabuoan ng puno at narealize na mataas nga siya.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon