Chapter 3

832 34 2
                                    

Hindi ako komportable sa kinauupuan ko, pakiramdam ko ay may mga matang nakakatitig sa'kin. Pakiramdam ko ay napapaso ako kaya tumayo ako para pumunta sa kusina dahil nauuhaw ako at hindi ako nakainom kanina dahil sa pagtawag nila sa'kin.

Tinanong pa 'ko ni Bri kung saan ako pupunta at tumuro na lang ako sa gawi ng kusina. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makaalis ako sa sala. Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa baso. Sumandal pa 'ko sa may sink tsaka pumikit.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Sage na nasa harap ko, masyadong mapungay na ang mga mata niyang derechong nakakatitig sa'kin. Inilagay niya pa ang mga kamay niya sa magkabilang side ko at itinuon niya sa may sink.

"S..Sage"

Naghuhuramentado ang puso ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa pamamagitan lang ng pagtitig niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"I got addicted, I'm helpless," bulong niya tsaka umalis. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko na parang may nagkakarera sa loob. Nanghihina akong napatuon sa sink.

Anong ibig sabihin niya? Anong gusto niyang iparating?

Ilang beses pa 'kong huminga nang malalim bago nagpasya na umakyat na lang. Nang madaanan ko sila sa sala ay nagtanong pa sila kung bakit aakyat na ako at sinabi ko na lang na inaantok na ulit ako. Nakita ko pa ang pagtitig sakin ni Sage at nag-iwas na lang ako ng tingin.

Halos ilang oras lang ang tulog ko, hindi ako pinatulog ng pag-iisip sa kung ano ba ang ibig-sabihin ni Sage. Siguro ay pinagtitripan ako ng isang 'yon, pwes wala akong panahon sakyan ang mga trip niya.

Alas sais ang pasok ko ngayon sa Swiftea habang day off naman ni Ate Kim. Tulog pa sila pag-alis ko dahil anong oras na ata sila natapos sa inuman nila.

Mabilis kong narating ang Swiftea dahil wala namang traffic kapag ganitong oras, dumerecho na ako sa crew room para magpalit.

Si Lora ang partner ko ngayon, panay naman ang reklamo niya na masyadong feeling amo si Michelle gayong kabit lang naman siya.

"Hayaan mo na, Lora. Ganoon naman talaga ang mga kabit, kung sino pa ang kabit siya pa ang makapal ang mukha!" matabang na sabi ko nang maalala ang kabit ni Papa.

"Sinabi mo pa!" sabi niya sabay ngumuso.

Hindi ko na siya pinansin at nagfocus na lang sa trabaho. Masyadong madaming customers ngayon dahil may pasok na ang isang State University na katapat lang ng Swiftea.

"Diba siya 'yon? Ang ganda niya sobra!" Naghahagikhikan ang dalawang studyanteng babae sa harap ko at panay ang kaway at ngiti sa'kin. Nginitian ko na lang din sila.

"Miss, diba ikaw 'to?"

Ipinakita niya pa ang phone niya na mayroong picture ko na nakapink na sports bra at itim na leggings. Ito 'yong photoshoot ko para sa isang gym. Tumango naman ako at lalong lumaki ang ngisi nila.

"Miss, pwedeng papicture?"

Pinagbigyan ko sila kahit na humahaba na ang pila ko, ayoko naman maging rude sa kanila. Kaya sa mga sumunod na customers ay binilisan ko na lang ang pagkuha sa order nila.

"Nakakapagod!" daing ni Lora nang humupa na ang dami ng mga customers. "Mabuti na lang at wala si Michelle ngayon kung hindi ay mas doble pa ang pagod. Bathroom break lang," dagdag niya pa tsaka nagpaalam na pupuntang restroom. Tumango naman ako sa kanya.

Naisipan kong ilabas ang cell phone ko na nasa bulsa ko lang. Naglog-in ako sa Facebook account ko. Ang daming pictures na nakatag sa'kin at halos lahat ay iyong mga photoshoots ko. Napukaw ang atensyon ko sa isang notification.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now