Chapter 58

360 14 3
                                    

Nagulat ako nang basain ako ni Dark ng tubig.

"Dark!" singhal ko. 

"Tulala ka nanaman kasi!"

Inirapan ko siya.

Kasalukuyan kaming nandito sa likod ng bahay kung saan naroon ang swimming pool. Hawak-hawak niya si Zerene na tuwang-tuwa sa salbabida niya.

"Halika na kasi, Mommy!" Kanina pa 'ko pinipilit ni Dark kaya lang ay wala ako sa mood.

"Nilalamig ako."

Ang totoo ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Sage. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang malaman kong nabaril siya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang balita si Sazy. Nagpunta ako sa sentro kahapon para lang matawagan si Sazy at ang sabi niya maging sila Zander ay wala pa ring balita. Hindi na ako makatulog sa gabi sa kaiisip ko kay Sage.

"Dark, ikaw na muna ang bahala kay Zerene." Tumango naman si Dark.

Pumasok muna ako para uminom ng tubig. Mababaliw na 'ko sa kaiisip kung ano na bang nangyari kay Sage.

Nagtagal ako sa kusina. Nakaupo lang ako at nakatulala.

Sage Wainwright, wag mo naman hayaan na tuluyan akong mabaliw, please!

"Vera, okay ka lang ba?" Kapapasok lang ni Dark na buhat-buhat si Zerene.

"Oo, Dark. Akin na si Zerene." Ibinigay naman niya ang nangangatal na si Zerene.

Pagkatapos ko mapaliguan at mabihisan si Zerene ay nakatulog siya kaya lumabas muna ako dito sa veranda.

Para akong tanga na itinataas ang phone ko dahil umaasang baka magkaroon ng signal. Ngayon lang ako sobrang nagreklamo sa kawalan ng signal dito.

"Vera."

Napalingon ako kay Dark.

"Aalis muna ako....What are you doing?" tanong ni Dark sabay kunot ng noo.

Mabilis naman akong umiling. "Wala, wala. Ingat ka, Dark."

"Kahit umakyat ka pa sa bubong, Vera, walang signal dito at 'yan ang pinakasiguro ni Tito Philip. Mag-ingat kayo ni Zerene." Hinalikan niya pa 'ko sa noo.

Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto ata akong patayin ni Sage sa pag-aalala.

Nang pumasok ulit ako sa kwarto ay nanghihina akong napaupo sa kama.

Nasaan ka na ba, Sage Wainwright?

Nagdaan pa ang ilang buwan at bigo pa rin akong makahanap ng balita kay Sage. Tuwing linggo ay nagpapasama ako kay Dark sa Sentro at nagbabakasakaling may balita na si Sazy pero wala talaga.

Nilingon ko ang anak kong naglalaro sa crib niya. Lumalaki na si Zerene at natatakot akong dumating ang araw na magtanong siya tungkol sa daddy niya.

Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero hindi ko rin kayang makita siyang nasasaktan kapag nalaman niya na bunga siya ng pagmamahalan na hindi katanggap-tanggap sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

Sorry, Zerene.

Nagtitiklop ako ng mga damit nang maagaw ng balita ang atensyon ko.

Isang lalaki patay matapos barilin sa isang bar sa Maynila.

Nanlamig ako.

Naisip ko ulit si Sage. Nabaril siya sa isang club sa London at hanggang ngayon ay walang balita sa kanya maging ang mga matatalik niyang kaibigan.

Hindi kaya?

"No, Vera!" Napasigaw pa 'ko dahil kung anu-ano nanaman ang pumasok sa utak ko.

Sage, wherever you are...please be safe.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon