Chapter 57

350 13 1
                                    

"Mommy, ready ka na?" Kinatok ako ni Dark.

Naging mabilis ang pagdaan ng mga buwan at ngayon ay isang taon na si Zerene. Kasabay ng birthday niya ay binyag niya kaya heto kami ngayon papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ni Zerene.

"Oo, palabas na 'ko."

Paglabas ko ay bumungad sa akin si Dark na buhat buhat si Zerene.

"Hello, baby! Come here to Mommy."

Ibinaling ni Zerene ang ulo niya sa kabilang side.

"Pano ba 'yan, Mommy , mas gusto niya sa akin." Ngumisi si Dark.

Ngumuso naman ako. "Wag mo masyadong ispoiled 'yan."

Natawa lang si Dark.

Masaya sana kung nandito ang mga ninang ni Zerene kaya lang ay baka kapag sinabi ko kina Ate Kim ay makarating sa boys tapos makarating kay Sage.

Nakakalungkot lang isipin na dapat kami ni Sage ang magtatago pero ngayon siya itong tinataguan ko.

"Sobrang ganda naman nung baby."

Rinig ko pang sabi nung babae at nginuso si Zerene. nang palabas na kami ng simbahan.

"Nagtaka ka pa. Tignan mo 'yong itsura nung Mama at Papa parang mga artista."

Napailing na lang ako.

"O, bakit ka nakangisi jan?" tanong ko kay Dark pero umiling lang siya.

Dumerecho kami sa nag-iisang restaurant dito sa Sentro ng Sta. Carmen. Dumaan muna kami sa isang bake shop para kunin iyong cake na pinagawa ni Dark.

"Sabi ko naman sa'yo, Vera, pwede tayong pumuntang Manila para makapili tayo ng mas magandang restaurant at isa pa pwede rin na imbitahin mo sina Kyril kung nagkataon."

Umiling ako kay Dark. "Hindi na. Mas mabuti na 'yong ganito sa ngayon."

Gusto ko rin sana ang idea ni Dark kaya lang ay mapapalaki pa ang gastos. Tinitipid ko kasi ang ipon ko na nasa bangko. Nahihiya na rin kasi ako kay Dark dahil siya ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan namin ni Zerene.

Gusto ko sana maghanap ng trabaho kaya lang ay masyado pang bata si Zerene at ayaw ko siyang ipaubaya sa iba. Si Dark kasi ay busy sa pamamalakad sa resort at mga lupain nila sa kabilang bayan.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo, Vera."

Dumating na pala iyong order namin.

"Gusto ko kasi talaga, Dark, na maghanap ng trabaho," malungkot na sabi ko.

"You don't have to, Vera. Kayang kaya ko kayong buhayin ni Zerene." Hinawakan niya pa ang isang kamay ko.

"'Yon na nga, Dark. Nahihiya na kasi ako sa'yo."

Sinamaan ako ng tingin ni Dark. "Vera, naman! Nangako ako sa sarili ko na hindi ko kayo pababayaan ni Zerene at isa pa parang sariling anak na rin ang turing ko kay Zerene." Ngumiti pa siya sa'kin.

Napabuntong-hininga ako. Ilang beses akong sinubukan bigyan ng malaking pera ni Philip para sa amin ni Zerene pero hindi ko tinanggap.

Hinding hindi ako tatanggap ng pera mula sa taong dahilan ng lahat ng pagdurusa ko.

Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang phone ni Dark.

"Vera, si Sage."

Agad na nag-angat ako ng tingin kay Dark.

Inilabot ni Dark ang phone niya sa akin.

Sage: Montreal, kahit paulit-ulit mong itanggi nararamdaman ko na kasama mo ang mag-ina ko at kung kasama mo nga sila please iparinig mo kay Vera 'to.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now